Inabot na ako ng ala-una ng madaling araw bago nakalabas ng karinderya kung saan ako nagtatrabaho. Hindi kami agad pinauwi dahil gabi na nang dumating ang mga karne at gulay na pinamili ng amo namin. Tinulungan pa namin siyang ayusin ang mga ito bago kami umuwi. “Linda, mag-ingat ka sa pag-uwi,” wika ni Trina. Sinundo siya ng boyfriend niya na may dalang motor. “Salamat, ingat din.” “Hind ka ba sasabay sa amin?” Umiling ako. “Lalakarin ko na lang, malapit lang naman ang sakayan ng mga tricycle.” “Pero gabi na, sumabay ka na sa amin.” “Okay na ako. Salamat.” “Sige, ikaw ang bahala.” Nang umalis na sila, nagmadali naman akong naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Siguradong pagdating sa terminal, maraming tao dahil marami ang nagtatrabaho sa call center na pauwi na. Habang naglal