JOSEPH’S POV “WHAT are you doing here?” takang tanong ni Jade nang puntahan ko siya sa bahay niya. Umupo ako ng naka-de-kwatro. “I need your help.” Kinuha ko ang baso na may laman juice at paunti-unti ko itong iniinom. “Help for what?” “About Rain.” Lumapad ang ngiti ni Jade nang banggitin ko ang pangalan ni Rain. “You like her?” “How did you know?” Umupo si Jade sa sofa at ngumiti. “Ganyan ka noon kay Rhi.” “Huh?” “Hindi mo pag-aaksayahan ng oras si Rain kung hindi mo siya gusto. Imagine, lahat ng expenses sa kumpanya ni Rain ay ikaw ang gagastos. Bilyon ang ilalabas mong pera pero okay lang sa ‘yo.” Huminga ako ng malalim. “Hindi ko na siya hahayaan na mawala.” “Oh, tama ang sinabi sa akin ni Rhi. Siya ang babae na matagal mo ng hinahanap. Hindi mo kasi sinasabi sa akin ang tu