Teressa Pov. Taas noo akong naglalakad palabas ng NAIA habang bitbit ang mga maleta ko. Sa labas ay may naghihintay na sa akin na sundo. Habang naglalakad ako ay napansin kong nakatingin ang ibang mga tao. Marahil ay nagagandahan sa akin. Mas lalo akong gumanda simula nang manirahan ako sa Amerika. “Tere!” Lumingon ako, nakita ko ang pinsan kong si Neth na kumakaway sa akin. Ngumiti ako at pinuntahan siya. Sinalubong naman nila ako at binitbit ng driver niya ang mga gamit ko. “Dahan-dahan sa pagbuhat ng maleta ko may babasagin diyan!” sabi ko sa driver. Sumakay na kami sa loob ng sasakyan. “Kumusta?” tanong ni Neth. “Mas lalong gumanda.” Mabilis akong pinagmasdan ni Neth. “Mukhang maraming foreigner ang nahumaling sa’yo?” “Yeah, pero pumipili ako ng busog ang bulsa.” “Ilan na ang