NANG makaapak na sa lupa si Tricia ay agad siyang pinuntahan mga kagrupo nya.
"Trish ayos ka lang ba?" Tanong ng team leader nila.
"Opo Maam. Sorry natalo po tuloy tayo." Hingging paumanhin nya.
"Ayos lang yun ano ka ba. This is just a game." Sabi ng mga ito at tumango nalang sya at uminom ng tubig.
Pilit nyang iniiwas ang tinggin kay Derick na alam nyang nakatingin sakanya.
Naupo sya sa isang sulok at pinapakalma ang sarili. At pinaalala sa sarili na dahil lang yun sa takot nya bigla sa height kaya sya sobra g kinakabahan pa rin at hindi dahil sa boss nila.
Hindi pweding magkagusto sya sa boss nya. Dahil alam nyang hindi sya sasaluhin nito.
Ang mga taong katulad nito ay nababagay lang sa mga kauri nitong mayayaman din.
Magmumukha lang syang tanga kapag hinayaan nya ang sariling mahalin ito.
"Trish ayos ka lang?" Sabi ng tumabi sakanya at nakita nyang ang boss nya iyon.
"Sir Kean.. Nandito na po pala kayo." Pilit na ngiting sabi nya rito.
Hindi kasi ito nakasama ng umalis sila dahil sa biglaang family gathering daw nito at ipinangakong susunod na lamang.
"Obviously Trish. Balita ko natakot ka daw sa wall climbing kanina? Ayos ka na ba?" Tanong nito at inabutan sya ng bottled water.
"Yes Sir I'm fine. Disturb lang siguro ako kaya ganun. Hindi naman po talaga ko takot sa heights pero kanina takot na takot akong maiwan mag isa sa ere." Sagot nya. Naging kaibigan na rin kasi nya ito kaya naman nakakapag open sya rito.
"Disturb saan?"
"Basta Sir! Naiinis kase ko." Nakangusong sabi nya at lalong napabusangot ng maalala kung bakit naiinis sya.
"Bakit nga Trish? Kaibigan mo ko ngayon at hindi boss." Sabi nito sakanya at pinitik ang noo nya.
"Aray naman po!" Reklamo nya at hinimas ang pinitik nito.
"Ano na nga kasi mag papabebe ka pa." Pangungulit nito. Napabuntong hininga sya at nagkwento.
"Bakit kasi ganon? Sasabihan kang gusto ka tapos maya maya may kalandian na palang iba! Ano yon pa fall lang?! " Hindi nya napigilang ilabas ang inis nya habang nagkwekwento.
"You like him too right?" Nakangising sabi nito.
"Hindi! Hindi ko sya gusto noh! Bakit ko naman magugustuhan yon? Ang sungit sungit kaya non! Kahit nga ba gwapo sya at yummy hindi ako magkakagusto sakanya kasi pafall lang sya!" she defensively said. Hindi naman napigilan ni Kean ang matawa.
"Pinagtatawanan mo ko? Kainis ka!" sigaw nya dito sabay hampas sa braso nito.
"Aray ko ha!" sabi nito sabay himas sa nasaktang braso. Nakasando kasi ito at kitang kita ang biceps nitong namumula sa pagkakahampas nya.
"Ay sorry na carried away lang. Ikaw kasi Sir!"
"Hindi mo naman pala gusto. Bakit sobrang affected kang may nilalandi syang iba?" He said while grinning.
"K-kasi ano.. Basta kasi naiinis ako! Pero hindi ako magkakagusto sakanya!" Iwas tingin nya dito.
"Hindi mo nga sya gusto dahil mahal mo na sya. Ganun yon Trish." paniniguro nito.
"Grabe kang magconclude ha! Mahal agad??! Oo crush ko sya pero hindi ko sya gusto!"
"Alam mo pabebe kayong dalawa. Kunyare pang ayaw ang isa't isa pero kung magtinginan naman. Tss."
"Bakit alam mo ba kung sino ung tinutukoy ko aber?" Pagtataray ni Tricia.
"Kung hindi maamin ni Derick na mahal ka nya, then let's provoke him baby.. " napakurap si Tricia sa sinabi nito.
Paano nitong nalaman na si Sir Derick ang tinutukoy nya gayong hindi naman sya nagbanggit ng pangalan.
"H-how did you know?"
"Because I have eyes. At sa sobrang obvious nyo kaya! Kayo nga lang tong mga tangang hindi napapansin yun." Sabi nito akmang babatukan nya ito ng hawakan nito ang kamay nya at inilapit ang mukha nito sa mukha nya.
"Kaya nga humanda ka. Papaaminin natin sya.." He huskily said at akmang hahalikan sya. Ngunit bago pa lumapat ang labi nito sakanya ay nakatilapon na ito sa sahig.
"F*ck you!" Galit na galit na sabi ni Derick matapos suntukin ang kaibigan at hilahin sya nito at dalhin kung saan. Nagulat sya sa bilis ng pangyayari.
"Ano ba Sir Derick! Masakit!" Reklamo nya sa sobrang higpit ng hawak nito sa pulsuhan nya.
Bigla naman itong tumigil at binitawan sya, pigil na pigil ang galit nitong hinarap sya.
"What was that?! Papayag ka nalang magpahalik kahit sinabi kong akin ka na?! Huh Tricia!"
"Teka lang ha! Wag mo kong nasigaw sigawan dahil kahit boss kita sasapakin kita dahil binging bingi na ko sa sigaw mo!"
Nagtagis ang bagang nito at pinipigil ang galit kaya tumingin ito sakanya at hindi na nagsalita.
"Ano bang kinakagalit mo? Ako nga tong dapat nagagalit sayo kasi manloloko ka! Matapos mong sabihing gusto mo ko maya maya makikita kong may kalandian ka ng iba?! Ano yon pafall ka lang ganon ba! Aba babae ako wag mo namang paglaruan ang feelings ko! Marupok ako!" Sigaw nya dito.
"Anong pafall ang sinasabi mo? At sino namang nilandi ko huh?!" Inis na sabi ni Derick sakanya.
"Nakita kita kagabi! Tuwang tuwa ka pa talagang niyakap yung babae mo pagkatapos mong mag i like you i like you sakin!" panunumbat nya.
"You saw me?" tila naguguluhang sabi nito.
"Oo kaya hindi mo ko mauuto ngayon! Buti pala at crush lang kita! At pipigilin ko talagang wag magkagusto sayo dahil alam kong pafall ka lang!" Nanggigigil na sabi nya at naiinis na tinalikuran ito.
Pero hindi pa sya nakakalayo ng pigilin sa pamamagitan ng pag higit sakanya sa braso ni Derick dahilan para mapaharap sya dito.
"Wag mong pigilan." He seriously said.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Wag mong pigilang gustuhin ako."
Napamaang nalang si Tricia at hindi alam ang sasabihin sa lalaki. Tanging ang nagawa lang nya ay ang titigan ito.
"Yung nakita mo kagabi it's my cousin, Ate Denise happened to be here also at nagbabakasyon kaya yung nakita mong pagyakap kagabi wala lang yun." Paliwanag nito.
It was his first time na mag explain kahit alam nyang hindi naman nagdedemand ng paliwanag ang dalaga.
It's just that he felt that he owe her an explanation base sa pag aakusa nito sakanya.
"A-ahm.." Tricia became speechless dahil sa sinabi nito.
"What? Wala ka man lang sasabihin sa mga kinonfess ko sayo?" Nagtatakang tanong ni Derick sakanya.
"Wala. Ano ba dapat kong sabihin?" Nakatitig lang sya rito at napailing si Derick.
"You know what? It's my first time to confess my feelings to a woman tapos tititigan mo lang pala ko?" Tila frustrated na sabi nito.
"Teka nga. May dual personality ka ba? Bakit parang hindi ikaw yung boss ko? Asan yung masungit na boss ko na laging nakasimangot ha?" Takang takang tanong nya at lalong nagpalito kay Derick.
He cursed. "Hindi ko alam. I became a different person because of you. And It doesn't matter if you don't like me now. Basta gusto kita at akin ka na maliwanag ba?"
Wala sa sariling napatango si Tricia dahilan para tumaas ang sulok ng labi ni Derick.
"Good. Wag kang maglalapit kay Kean sakin lang." He said while grinning and claimed her lips.
=======
©Miss Elie