"TRICIA ikaw nalang wala sa baba! Breakfast na daw uy!" Paulit ulit na katok sakanya ng mga kasamahan nya.
Mula kasi kagabi ay tulala na si Tricia at nagkulong nalang sa kwarto inookupahan nya. Her heart beats faster everytime na maalala nya yung halik sakanya ni Derick.
"Tricia uy! Buhay ka pa ba jan?!" Muling katok sa pintuan ni Len.
"Ako na." Napatakip sya ng kumot ng marinig ang boses ni Derick mula sa labas. Narinig din nya ang papalayong yapak ng kasamahan nya.
"Tricia open this door." Derick calmly said.
Pero ayaw nya pa rin. Mas kinakabahan sya sa na hindi nya alam! There is something in her tummy na umiikot ikot at malakas ang t***k ng puso nya.
Jusmiyo! Malalagutan na yata sya ng hininga sa sobrang bilis ng t***k ng puso nya na parang nakikipag marathon sya mula Bataan hanggang Sulu!
Narinig nyang bumukas ang pintuan marahil ay nagpakuha na ng duplicate ang boss nya. Hindi nya tuloy alam ang idadahilan dahil hindi nya talaga alam ang nararamdaman nya.
Nanatili si Tricia na nakatalukbong ng kumot at pumikit habang umuusal ng dasal na sanay maging invinsible muna sya.
"Hey are you okay?" Nahimigan nyang may pag aalala ang boses ng boss nya at hinawi nito ang nakatabing na buhok sa mukha nya.
"A-a ano po. Okay lang ho ako." Pilit nyang sabi at iniiwas ang mga mata dito.
"Bakit hindi ka lumalabas kung ganon?" Tila hindi ito kumbinsido sa sinabi nya at pinakatitigan pa talaga sya kaya lalong nagwawala ang puso nya.
"A-ano kasi Sir. Ano po.. Ano masakit yung ano ko..Y-yung ano po.. Ano nga ba yun.. " Halos mablanko na si Tricia kakaisip ng kung ano ba masakit sakanya.
"Your?" Tila hinihintay nito ang sasabihin nya.
"Basta Sir ayun na yung masakit! Wag na po kayong makulit ayos lang po ako! Hindi ko na nga iniisip yung masarap na kiss mo sakin kung ano ba yun at para san ba yun! Tsaka yung sinabi mong ano kagab---" napahawak sya sa bibig nya ng marealize kung ano ba yung pinagsasabi nya.
Nakita nyang lumapad ang ngisi ni Derick kaya mas lalong namula ang buong mukha nya.
"Argh!" Pagsabunot nya sa sarili at ibinaon ang mukha sa unan at mabilis na nagtalukbong ng mukha.
Lupa kainin mo na ko ngayon! As in now na please!?!
Bakit ba nasabi nya yun?! Bakit ba kasi kapag kabado syang kaharap ang binata ay nawawala ang katinuan ng isip nya.
"Come on. Bumangon ka na jan, or you want me to kiss you again? Sasarapan ko pa sige." Natatawang sabi ni Derick.
Napatigil sya bigla. It's her first time na marinig na tumawa ito kaya naman tinignan nya ang mukha nito at malapad na nakangiti ito sakanya.
"What? Want me to kiss you again?" He said while grinning.
"Wahhh! Sinapian ka na! Ilabas mo yung boss ko!" Sigaw nya at dinamba ito.
"Stop." He said at mabilis itong kumilos at narealize nalang nyang nakapatong sakanya ito at nakakulong na ang mga kamay nya sa mga kamay nito.
"I like you." Derick huskily whispered habang deretsang nakatitig sa mata nya pababa sa mga labi nya at unti unting bumababa ang mukha nito.
Naramdaman nalang ni Tricia ang paglapat ng mga labi nila and this kiss are different from last night.
It's more passionate, buong pag iingat at parang may nais sabihin.. Kind of kiss na masuyo din nyang tinugon.
HINDI mapakali si Tricia ng gabi na iyon. Madami ng activity na ginawa silang lahat at pansamantala nyang nakalimutan ang nangyare kaninang umaga.
Paano ba naman ay may ginawa syang kahihiyan nanaman. Bigla kasi nyang naitulak si Derick ng maalala nyang hindi pa pala sya nagtotoothbrush kaya naman naitulak nya ito.
Mukhang natauhan din ang boss nya dahil balik sungit ulit ito. Panay lang ang tinginan nila ngunit sya na yung unang umiiwas ng tingin.
Nasa kwarto na ang karamihan habang ang iba ay nag iinuman pa. Si Tricia naman ay naisipang maglakadlakad muna sa malapit sa seaside.
She breaths in and breaths out. At nagpaikot ikot pa sya na parang bata habang dinadama ang fresh air.
Pagbukas ng mata nya ay nahagip ng mata nya si Derick na may kakwentuhang babae at tawa pa ito ng tawa. Tinitigan nyang mabuti dahil baka nagkamali lang sya pero hindi! Si Derick talaga yon!
Nakangiti ito sa babaeng nakatalikod sa gawi nya at humalik pa ang babae sa pisngi nito. Hindi pa nakunteto si Derick at niyakap pa ang babae na tila tuwang tuwa pa ito.
Napairap nalang si Tricia at sumama bigla ang timpla nya.. Kaya't naiinis syang nagmartsya pabalik sa kwarto nya.
"May pa I like you I like you pa syang panget sya! Lahat naman pala ay like ng bwisit!" Inis na inis na sabi nya habang lumalakad.
"Muntik na kong maniwala sa manloloko na yon! Pa fall lang pala ang g*go!" Sabi pa nya at sinipa ang trash can na nakita nya at tumaob iyon ngunit wala syang pakielam.
May tumawag sakanyang utility siguro ngunit hindi nya rin iyon pinansin at sumakay ng elevator at paulit ulit na nag- rant ng kung ano anong pangit na bagay sa manloloko nyang boss.
"Miss ayos ka lang?" Tanong ng lalaking kasabay nya.
"Oo!" Masungit na sabi nya at napaatras ang lalaki.
"Chill Miss.. Tinatanong lang kita. Don't be too grumpy ganda mo pa naman kaso mukha kang dragon na bubuga ng apoy." Komento ng lalaki sakanya pero napairap lang sya rito bago nagsalita.
"Wala kang pakielam! Wag mo kong husgahan dahil hindi mo alam ang pinagdadaanan at nararamdaman ko! Kaya wag ka nalang magsalita!" Asik nya dito.
Pag galit sya kung minsan ay maski sa iba ay naibubunton nya iyon. Mukha namang nagulat ang lalaki at umatras nalang palayo sakanya at itinaas ang kamay bilang pagsuko.
Huminto ang elevator sa floor kung saan ang kwarto nya. Ngunit bago sya lumabas ay tinignan nya yung lalaki at saktong nakatingin ito sakanya.
"And excuse me Maganda ko at hindi ako mukhang dragon!" Naiinis na sabi nya at lumabas na ng elevator.
Padabog din nyang isinara ang pintuan at nilock itong mabuti.
Nabwibwisit sya! Hindi nya alam kung bakit basta naiinis sya sa nakita nya kanina.
"May pa i like you i like you pa sya huh! May girlfriend naman pala! Buti nalang talaga at hindi ka nainlove dun Tricia kung hindi nahulog ka nanaman sa manloloko!" Pagkausap nya sa sarili.
"At may pahalik halik pa yung hampas lupa na yon! Alam kaya ng girlfriend non na hinalikan nya ko at naglulumandi ang jowa nya sa iba?! Poor girl. Tsk. Nainlove sa manloloko!" Komento nya.
Muling nagflashback sakanya ang mga tawa at ngiti nito sa babae kanina. Derick is so grumpy at hindi talaga ito ngumingiti at mas lalong tumatawa sa mga taong hindi naman mahalaga dito.
Pero nginitian at tinawanan ka nya kanina.. Sabi ng isang bahagi ng isip nya at agad nyang binura iyon.
"Sadyang malandi lang kasi si lalaki kaya magaling magpanggap! Pamysterious ganon para magmukhang serious! Pero pag hulog ka na saka ka iiwan sa ere para ikaw na ang maghabol sakanila! Mga walang hiya!" Naiinis na sabi nya at nakailang hampas sa unan bago naisipang itulog nalang.
Halos nakatulugan na ni Tricia ang pagkabwisit nya kay Derick sa panloloko nito sakanya.
"Good morning Trish!" Bati sakanya ng mga katrabaho nya at tinanguan nya lang ang mga ito.
She's not on mood bigla. Sa buong team building na iyon ay nakikipagparticipate sya ngunit wala syang energy gaya ng mga nakaraang araw nila sa isla.
Mas lalo syang nawalan ng gana ng makitang tutok ang mga mata ni Derick sakanya na tila sinusubaybayan ang bawat pagkilos nya.
"Tricia ingat!" Sigaw ng kasama nya dahil nanginginig ang tuhod nya sa wall climbing.
Sanay naman sya noong bata syang umakyat ng puno dahil laking probinsya sya ngunit tila nakalimutan nya kung paano iyon.
Nadulas kasi sya sa batong natapakan kaya bahagya syang nahampas sa wall.
"Hindi ko na kaya! Ibaba nyo na ko.." Naiiyak na sabi nya kahit paulit ulit ang cheer at encouragement sakanyang tapusin ang wall climbing na iyon.
"Kunin nyo na sya. Make sure she's safe." Sabi ng organizer ng teambuilding nila at tumango ang isang matangkad na lalaki at nagprepare para umakyat.
NAPATAAS ang kilay ni Derick dito bago nagsalita.
"Ako na kukuha sakanya. I don't want anyone touch my property." Tipid na sagot nya at mabilis na naakyat ang itaas kung nasaan si Tricia.
He hates the fact that she ignored him. Is it still about the kiss? Ang daming tanong na gusto nyang itanong dito dahil bigla syang nanibago.
Kaya naman mabilis na inakyat ni Derick ang wall para tulungan ang takot na takot na si Tricia.
"Hold on me tight. Wag kang bibitaw.." Bumilis ang t***k ng puso ni Tricia ng makalapit sakanya si Derick at inalayan sya.
Tila nawala ang lahat ng inis nya dito dahil bakas sa mukha nito ang labis na pag aaalala sakanya.
====
©Miss Elie