MABILIS na dumaan ang mga araw at naging buwan na.. At masasabi ni Tricia na hindi ganoon kadali ang trabaho nya ngunit natutuhan na nyang mahalin at pahalagahan ang trabaho.
Ganoon naman kasi dapat. You need to love what you do para hindi ka makaramdam ng pagod.
"Good morning Sir Kean and Sir Derick!" Masiglang bati ni Tricia sa mga boss nya ng madaan ang mga ito sa table nya.
"Good morning too Trish! Araw araw talaga gumaganda ka.. You look inspired?" Usisa ulit ni Kean sakanya.
"Maganda talaga ko Sir! Wag na po kayong mambola jan." Natatawang sabi ni Tricia.
Napatigil naman ang tawanan nila ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto.
"Mukhang maagang badtrip si Sir Derick ahh. Tsk." Iiling iling na sabi ni Trisha.
Sa loob kasi ng tatlong buwan nyang pagtratrabaho sa kompanya ay kabisado na nya ang ugali ng mga boss nya.
Si Sir Kean ay napakabait at very approchable kahit sa mabababang trabahador ng kompanya habang si Sir Derick naman ay kabaliktaran nito.
Napakasungit at 3 beses pa lang nya itong nakikitang ngumiti sa tatlong buwan nyang pagtratrabaho nya!
"Good mood nga kanina yan. Selos lang kasi." Natatawang sabi ni Kean sakanya na ikinakunot ng noo nya.
"Ano ho?"
"Wala. Just make us coffee magiging good mood na yun." Tumango nalang sya at sinunod ito.
Derick once compliment her coffee. Tamang tama lang daw sa panlasa nito na ikinatuwa nya dahil yun ang unang beses na nakita nyang ngumiti ito! At swear!
Muntik ng malaglag ang panty nya! He looks 100x hotter when he smile pero mukhang napakamahal ng ngiti nito at hindi nya maafford na araw araw na makita yun kahit gustuhin nya.
But between her bosses ay kay Derick sya may crush dahil pamysterious ito masyado na nakakuha ng atensyon nya.
"Coffee po Sir." She said at ipinatong ang kape sa lamesa ng mga ito.
"Thanks. Any appointment Trish?" Tanong sakanya ni Sir Kean.
Tumayo sya ng tuwid at idiniscuss ang mga appointments nito.
"And one more thing mga Sir, about Company's team building nasa table nyo na po yung proposal."
"Good! Saan daw ba ngayon?"
"Palawan daw Sir! Sobrang ganda daw dun Hay, excited na nga ako Sir kasi first time ko yun! Pati pagsakay ng airplane!" Excited na sabi ni Tricia at nagniningning pa ang mga mata.
"Talaga? Paniguradong mag eenjoy ka dun. Hindi ka pa nakakasakay ng eroplano?" Kean curiously asked.
"Hindi pa nga po Sir pang taxi at jeep palang ako! Saka pala bus!" Pagbibiro ni Tricia.
Well gusto naman talaga nyang magtravel around the world ha? Lalo na dun sa may cherry blossoms! Pero dahil poorita pa sya ay hindi pa nya afford ang mga ganung bagay. Saka na kapag tapos na ang mga kapatid nya.
"Captain Derick Castroverde will take you there." Nakangising sabi ni Kean at bumaling sa kaibigan na ikinataas ng kilay ni Derick.
"Lakas talaga makagwapo ng title ni Sir Derick noh?" Natatawang sabi ni Tricia.
"Why? Gwapo naman ako ah." hindi napigilang sabi ni Derick na nakakunot pa rin ang makakapal na kilay nito.
"Gwapo ka nga Sir.. Masungit nga lang." Sinadyang hinaan ni Tricia yung huli ngunit nadinig iyon ni Kean na ikinatawa nito.
"Tss. Back to work!" Biglang pagsusungit nito kaya lumabas na si Tricia.
"May kinikilig." Pang aasar ni Kean at pumito pa ng makalabas na ang dalaga. Binalibag naman ito ni Derick ng throw pillow bago pumunta sa desk nito.
El nido, Palawan..
Halos buong kompanya ay excited sa pagdating ng araw ng kanilang team building.
Halos magningning pa ang mga mata ni Tricia sa bawat nakikita nya. Mula sa airport palang ng makita nya ang Castroverde Airlines ay napahanga na sya. Sobrang high tech at modern niyon!
According to them ay isa daw itong private airport na tanging mga kilalang mga tao at mayayamang personalidad lamang ang kayang mag avail na sumakay sa mga eroplano ng Castroverde Airlines.
And yearly daw ay tangging ang company lang nila ang biggest bulk of passengers na isinasakay nito syempre dahil boss din nila ang may ari nito.
Mismong si Sir Derick pa ang piloto nila ng araw na iyon. Halos mamatay na sya sa kilig ng marinig ang boses nito sa eroplano at may kung anong iniannounce doon.
"Trish! Selfie tayo dali!" Aya sakanya ni Len na nakaclose na din nya from finance department ng makarating na sila sa hotel.
Agad namang umawra ng pose si Tricia dito.
"Oy bruha tag mo ko sa sss at insta ahh!"
"Ou na! Ganda ganda talaga dito hanu!" Tuwang tuwang sabi ni Len.
"Ou nga! Daming pogibells sa kapaligiran! Baka dito ko na makita yung poreber ko!" Excited na sabi ni Tricia at kilig na kilig pa.
"Tricia!" Napalingon agad sya ng marinig ang boses ng boss nya.
"Yes po Sir?"
"Dito ka lang sa tabi ko." Seryosong sabi nito. Napa awang naman ang bibig nya at nag iisip ng sasabihin. Pasimple naman syang kinurot sa tagiliran ni Len.
"Po?" she needs to make it clear bala naghahallucinate sya sa mga narinig.
"I said dito ka lang sa tabi ko. If we encounter some clients here I want you to take note of that." He said at nalaglag ang balikat nya.
Akala pa naman nya ay babakuran na sya nito! Kinilig pa man din sya! Pero hanggang dito pala trabaho pa din!!
"A-ahh yes Sir." bigla siyang nadismaya doon ngunit hindi nya pinahalata masyadong nag assume sya.
Buong araw ng firstday nila ay nakabuntot lang sya kay Derick dahil bukas pa ang start ng activity nila. At panay ang sibangot nya dahil inaaya sya ng mga kaibigan nyang maglibot pero hindi naman sya makaalis.
"Ay palaka!" Gulat na sabi ni Tricia ng may makabungguan sya.
"Sorry Miss ayos ka lang?" Hingging paumanhin ng lalaking nakabungguan nya pansamantalang nagkatinginan sila ng lalaki. Chingky eyes, pointed nose at pinkish lips. Para ito korean actor sa sobrang kinis!
"A-ahhe oho sorry din hindi kase ko nakatingin sa dinadaanan ko pasensya na." Hinging sorry din nya at iniiwan na ang tingin bago pinagpagan ang sarili dahil nasa bandang seaside sila.
"You sure?"
"Yes, una na ko." Sabi nya pero gusto nya talagang pigilan sya ng poging nakabungguan nya! Syempre dapat dalagang pilipina tayo dito!
"Ahm.. Miss wait!" Tawag ng lalaki sakanya na ikinalapad ng ngiti nya. Pasimple nyang inayos ang buhok at paslowmo pang humarap dito para may effect.
Unti unting lumapit sakanya ang lalaki at pinagpantay nito ang mga mukha nila at unti unting nilapit ang mukha sakanya.
Hindi naman nya alam ang irereact kung itutulak ba to o hahayaan nyang halikan sya ng poging ito.
"Ahm.. hindi pantay eye brow mo te! Mejo nabura na dulo ng kilay mo sa right side. Kalerky sis! Pretty mo pa naman." bulong nito na ikinabura ng magandang ngiti nya.
Hanep bading? Bakit ang gwapo???!
"A-he-he-he sige salamat." Sabi nalang nya at tinalikuran ito.
Naupo nalang si Tricia sa bleacher doon at iniisip pa rin yung gwapong bading na nakabunggo nya.
Bakit kaya yung mga gwapo gwapo din ang gusto?? Hindi ba nila alam kayamanan sila ng mga magagandang dilag na katulad nya?
Si Sir Kean kaya bading? Hindi yun.. E si Sir Derick kaya? May chance kase ilag na sa babae yun! Hala baka nga?!
"Saan ka nanggaling?"
"Ay bakla ka!"
"What? Me gay?!" Galit na sabi ni Derick sakanya.
"Ha? Po? Bading ka din Sir!?" Malalaki ang matang sabi niya.
"No I'm not! I'll prove it to you then." Seryosong sabi nito at hinila sya nito patayo at hinapit ang baywang nya palapit dito. Bago pa sya makapagsalita ay mapusok na sinakop nito ang mga labi nya.
May diin, may pang gigigil at tila sabik na sabik sa labi nya ang paraan ng paghalik nito. He even wrap his arms around her waist habang ang isa ay hawak ang batok nya at sinisigurong hindi nya maiaalis ang paglapat ng labi nito.
Parehas silang habol hininga ng pawalan nito ang labi nya.
"Once I saw you again with someone I'll make love to you so I mark you as mine. Bear that in mind." He said and left her dumbfounded.
=======
©Miss Elie