3

1663 Words
NAKABUSANGOT si Tricia kaharap ang dalawang boss niya. Kean convinced her na huwag ng umalis para sa pamilya niya sa probinsya. Gustuhin man niyang taasan ang pride niya ay hindi niya magawa dahil kapag tungkol iyon sa pamilya niya ay kaya niya iyong ibaba. At saka nakapirma na din siya ng anim na buwang kontrata sa kompanya kaya paninindigan na din niya.  Tila isang referee sa kanila si Sir Kean dahil tila anumang oras ay magbabangayan na naman sila ng mayabang na si Derick Castroverde.  "Fine." Sagot na lang ni Derick sa kaibigan matapos ang mahabang paliwanagan ni Kean dito. "Okay, it's settled. Tricia you will work here and all transactions na manggagaling dito sa opisina regarding kay Derick ay ikaw ang magbibigay sa kanya, all important files needed ay derektang pupuntahan mo siya sa Castroverde airlines. Pero that was rare, some documents can be signed by me, kapag sobrang importante lang at wala ako. " Marami pang inexplain sakanya si Sir Kean at tinatandaan niya lahat ng iyon. From Sir Derick schedule sa opisina na Tuesdays at Thursdays lang hanggang sa mga gagawin niyang pagschedule sa mga meetings ng mga ito. Kahapon pa siya nafamiliarized sa lugar at mga dapat niyang gawin kaya naman madali niyang nakuha ang lahat ng iyon. Her job started. Mula sa pakapa- kapang pagtratrabaho hanggang sa nagamay na niya ito. Hindi nakapasok si Sir Derick ng ilang linggo sa opisina dahil panay international flights daw ang hawak nito. Mas okay nga sa kaniya iyon dahil hindi pa rin sila magkasundo nito.  He's a pilot by Profession, kaya iyon ang dahilan kung bakit madalang ito sa kompanya. Puro si Sir Kean ang nag aasikaso muna ng mga dapat pirmahan ni Sir Derick. Inayos niya ang gamit pauwe at pinatay ang ilaw sa desk niya. That was her daily routine. Kapag wala ang boss niya ay hindi siya umuuwi ng hindi natatapos ang trabaho. Minsan na siyang sinabihan ni Kean about doon na hindi naman daw kailangan, but she insist. Tinatapos pa rin talaga ang mga iyon. KINABUKASAN ay inaasahan na niya na papasok si Sir Derick sa opisina kaya naman mas inagahan ni Tricia ang pag pasok. She wants to proved to that man na karapatdapat siya sa trabaho., that whatever she do ay efficient siya. Inihahanda niya ang schedule at ang mga gagamitin sa presentation ng dumaan ang boss niya sa harap ng table niya na parang hangin lang at hindi siya pinansin. "Good morning Sir!" Pahabol na bati niya ngunit hindi naman lang siya nito pinansin. Napanguso siya sa inasal ng boss. "Sungit." She said at ibinalik ang tingin sa ginagawa at ng matapos ay pumunta sya sa pantry at nagtimpla ng kape. Nasabi na sakanya ng dating sekretarya nito ang hilig ng dalawang boss nya sa kape. Kean likes a lot of creamers, and Derick wants it black. More coffee and less sugar. Nakuha nya din ang lasang gusto daw nito. Inayos nya ang kape at bumalik sa opisina nito. Maraan syang kumatok sa opisina ng boss nya. "Come in." Sambit nito kaya't maingat nyang binuksan ang pintuan habang hawak ang isang tasang kape at folder na nakaipit sa pagitan ng braso nya. "Good morning po Boss." She politely said at ibinaba ang kape sa gilid ng lamesa nito at bahagyang inayos ang sarili. "You have 10 am board meeting today, lunch meeting with Mr.Galvez, 3 pm with a Representative of Jeorge Tradings, and a dinner meeting with Mr. Antonio Alegre for contract signing. And the files over here are for review, then this one is final and waiting for your approval. " Sunod sunod na sabi nya at itinuro ang mga proposals na patong-patong sa table nito. She organized everything para mas madali ditong maintindihan. Ngunit mukhang wala naman itong kareareaksyon sa mga pinagsasabi nya. "Anything else?" He said and scan some papers she left on his table. "None Sir. " "Good. You can go." Sabi nito pero hindi naman sya umalis sa harapan nito. "What?" Tanong muli nito ng makitang hindi sya lumabas. "Ahm.. I have concerns po pala Boss." "What?" nakataas ang kilay nito ng tignan sya bago sumimsim ng kape. "Ano pong sasabihin ko sa mga babaeng tawag ng tawag sainyo?" Tanong ni Tricia. Paano ba naman kase sa loob ng isang linggo ay lampas na sa bilang ng mga daliri nya ang mga babaeng punta ng punta at tawag ng tawag dito upang hanapin ang boss nya! Kaloka! "Just tell them I'm out of the country." Seryosong sabi nito at patuloy na inaaral ang mga dokumento doon. Napairap nalang sya. Mukhang magkakaroon sya ng slot sa impyerno dahil sa pagsisinungaling nya para pagtakpan lang ang masungit nyang boss! "Okay Boss got it! Have a good day." She just cheerfully said and walks out. Maaga mang badvibes ang boss nya, dapat good vibes pa rin! Nakakapangit ang maiinis kaya dapat ay smile lang para always pretty! Iiling iling nalang si Derick pagkalabas ng sekretarya nya. But he smiled. He couldn't take na titigan ito kahit gustuhin pa nya. Dahil baka hindi lamang titig ang magawa nya dito. He suddenly misses those lips. Muli nyang tinuon ang sarili sa pagtratrabaho dahil natambakan sya dahil isang linggo syang wala. And good thing ay naka aayos na iyon lahat. That make his work easier. Mukhang mali sya ng husga sa dalaga dahil napaka efficient nito sa trabaho. Mula kanina sa bawat meetings na pinuntahan niya ay kasama nya ito at nakita nya how she worked and gamay na nito agad ang trabaho kahit mag iisang buwan palang ito sa trabaho. She's amazing. Tinapos nya ang trabaho since thursday na sya ulit sya babalik dito. Gustuhin man nyang magfocus sa kompanyang ito na sarili nya talaga ay ayaw din naman nyang idissappoint ang mga magulang nya. Gayon nalang ang gulat nya ng makitang naroon pa si Tricia. Tinignan niya ang relong pambisig bago tinawag ang pansin nito. "It's 8 pm already bakit nandito ka pa?" He asked. Tumingin naman ito sakanya at ngumiti. "Good evening Sir.  Tinatapos ko lang po yung ipepresent ni Sir Kean bukas sa mga investors. After po nito uuwi na rin po ako." Nakangiting sabi nya kahit bakas na rin ang pagod sa maamong mukha nito. Biglaan kasi ang meeting na iyon at ayaw naman nilang palampasin kaya naman hangga't kaya nyang tapusin ngayon ay tatapusin nya ito ngayon. "Did you eat your dinner?" "Sa bahay na po Sir. Ingat po kayo pauwi." Sagot ni Tricia at ibinalik ang  mata sa tinatapos nyang trabaho. "Tsk. It's late, bukas nalang yan, umuwi kana. And it should be Kean doing that not you.." Sabi nito. Napatingin muli si Tricia dito at umiling.. Financial matters ang ipinagagawa sakanya ni Sir Kean at alam nyang kayang kaya nya iyon dahil iyon talaga ang linya nya. "It's okay Sir. Mauna na po kayong umuwi." she continue at hindi na pinansin ang boss nyang nanatili pa ring nakatayo sa harapan nya. "I said umuwi kana. Don't be too stubborn. I'm your boss." "Sir okay nga lang po ako dito tapusin ko pa po ito.. umuwi na po kayo at kaya ko ang sarili ko." Pamimilit nya. "Uuwi ka o sisisantihin kita." Madiin na sabi nito. Napairap nalang si Tricia kakaiba ang boss nyang mag threat. Hindi ba gusto ng mga boss ang nakikitang nagtratrabaho ang mga empleyado nila? Ngunit bakit iba ang boss nya? Sisisantihin sya dahil nagtratrabaho pa rin sya. Nakipagtagisan ng tingin ito sakanya kaya wala syang nagawa kung hindi isave ang document na gawa nya. Maaga nalang syang papasok bukas. "Fine. Eto na po oh.. Uuwi na nga po." Sabi nya at inayos ang mga gamit nya at nauna pang maglakad sa boss nya. Nagsabay sila sa elevator at parehas silang tahimik lang. Wala rin naman syang gustong sabihin dito. Bumukas ang pinto sa groundfloor habang nagderetso sa parking ang boss nya. "Good evening Maam Tricia. OT nanaman po?" Nakangiting bati sakanya ni Kuya Bimboy sakanya. "Opo Kuya Bimboy. Daming appointment ng mga boss natin." Sagot nya dito habang pumipirma sa OT logbook. "Ingat po Maam." Sagot nito at tumango sya. Nagsimula syang maglakad papunta sa paradahan ng bus na sasakyan nya. This is her daily routine, nagbabaon sya ng flat shoes para kapag naglalakad sya pauwi ay mas komportable pa rin sya. "Hop in." Napalingon sya sa kotseng sumusunod sakanya at si sir Derick iyon. "Po?" "Get inside. Ihahatid na kita sa bahay mo." Seryosong sabi nito. "Ay naku Sir wag na po. Magcocommute nalang po ako. Salamat nalang." Sagot nya dito. Sumarado ang bintana ng kotse nito. Sa pag aakalang aalis na ito kaya nagpatuloy sya sa paglalakad ngunit may biglang humawak  sakanya "Hayop ka bitiwan mo ko! Saklolo! Ahhhhhh!!!" Histerikal na sabi nya at nagtitili habang panay ang hampas nya sa humblot sakanya kahit hindi pa nya nakikita ang mukha nito dahil medyo madilim sa bahaging iyon. "What the f*ck!" Napatigil naman bigla sa pagtili at paghampas si Tricia ng mabosesan ang lalaking humawak sakanya. "Hala Sir! Sorry ikaw pala yan.. Akala ko r****t na yung humablot sakin! Bakit bigla ka nalang kasing nanghahawak??" Paninita nya rito. Kahit paano ay nakahinga sya ng maluwag doon. Delikado na kase ang panahon ngayon. At kahit gaano sya kapalaban ay babae pa rin sya "At pinagkamalan mo pa kong r****t?!" Nakatiim ang bagang nito halatang nainis. "Kase naman Sir dapat hindi kayo nanghahablot nalang bigla! Tinawag nyo nalang po sana ko lilingon naman ako agad agad!" Pangangatwiran nya. Iiling iling nalang si Derick at sumakay sa kotse nito kasama sya. "Get inside. Baka totoong r****t pa humablot sayo kapag pinairal mo pa ang pagiging matigas ng ilo mo." Kalmadong sagot nito. Napatingin lang sya dito at hindi kumilos. He is really weird. "Do I need to blackmail you again Miss Aquino?" May halong inis na sabi ng boss nya kaya ngumiti nalang sya at umiling bago sumabay dito. Eto talagang poging boss nya ay isang malaking pabebe! Kunyaring masungit concern naman. ======= ©Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD