HINDI nga nagkamali si Tricia dahil kinabukasan ay ipinatawag agad siya ng Boss nila at sinabihan siya na kung hindi niya aayusin ang gulo niya kay Mr. Takeshi ay mawawalan siya ng trabaho.
"But Sir he tried to harass me! That old maniac!" Pangangatwiran niya.
"Watch your word, Miss Aquino. Alam mo ba kung ilang milyon ang nawalang investment sa kompanya dahil sa pagpapakipot mo? Why don't you just accept his offer and get that deal! It's not that hard." kaswal na sabi ng boss niya.
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Is this how this world works? That everything can be sold for money?
"Wow... Sir may I remind you, your company is a banking and finance company at hindi bahay aliwan. Kung makapag bugaw kayo parang mga p********e kaming mga empleyado dito!" Nanggigil na sabi niya. "I didn't know that you're being that desperate because of money and neglect the welfare of your employees who works for this company to be known! No need to fire me because I resign! Hindi ko kayang manatili sa kompanyang walang dignidad!"
This may be an impulsive act dahil wala siyang papasukang trabaho matapos nito o kung may tatanggap pa sa kanya ngunit kung ganito ang kalakaran ay mabuti pang umuwi na lang siya sa pamilya niya.
She just lost a big deal dahil sa kagagahan niyang humingi ng tulong sa ungas na gwapong lalaking yon!
She's frustrated dahil kung mayroon mang mga trabahong pwede niyang pasukan ay hindi naman siya nababagay sa mga iyon. Call her choosy or what, pero mas gusto niya kasing parehas sila ng company na nakikinabang. She wants the good service na marecieve in exchange sa maayos at dedikadong pagtratrabaho niya.
Huminga siya ng malalim at naupo sa isang coffee shop doon. Halos lahat na yata ng banko sa paligid ay napuntahan na niya. Masakit na rin ang paa niya sa heels na suot.
"Miss?" Napaangat siya ng tingin sa binatang tumawag sa kanya. Napakunoot ang noo niya ng mapagsino ito. It's the man from last time.
"Why?"
"Are you okay?" Tanong nito at naupo na sa tabi niya. Naka three piece suit ito at mukhang galing sa trabaho.
"Yea." Tipid ulit na sagot niya. Hindi naman sila close nito at saka naiinis pa din siya.
"You're alone? May I sit with you?" Sabi nito na nakatingin sa kanya at saka umupo sa katapat niyang upuan kahit hindi pa siya pumapayag.
Okay pogi ito, chinito at maputi. Pero bakit ba feeling close ito? Saisip isip niya.
"Nagpa alam ka pa pero nakaupo kana? Sino ka na nga ba?" Nakataas ang kilay na sabi niya.
Bahagyang natawa ito sa kanya. Anong nakakatawa?
"Ay ang sungit.. Sige papakilala ulit ako sa iyo, I'm Kean Angelo Tui, 28, half Filipino half Chinese, single and ready to mingle." Nakangiting sabi nito at kinindatan pa siya.
"So?" Kala naman nito makikiflirt siya rito kahit pogi ito. Duh! Maganda ako kaya pakipot ako nuh!
"Hahaha! It's funny Miss. The proper answer to that is your name."
"Ahh tanong pala iyon at kailangan ng sagot?"
"Yes, and you are?" Nag hihintay ang mga tingin nito. He looks so decent naman at mabait.
"Tricia Aquino, 26, kaka tanggal lang sa trabaho." Pagpapakilala niya na ikinatawa nito.
"Nice, you really are something! I like it. I like you.." Napakunot siya sa sinabi nito.
"Ahm.. I mean I like you as a person.. not romantically.. well not for now I think?" depensa agad nito ng titigan niya ito saka muling natawa.
"Mister ayos ka lang ba? Mukhang kakalabas mo lang ng mental ahh.."
"Nah. I'm taking good care of my mental health.. Anyway wala ka nang trabaho? I will recommend you to our company gusto mo?" he offered at agad naman nag ningning ang mga mata niya sa sinabi nito.
"Talaga! Ikaw na ba ang sagot sa aking mga dalangin! Yes! Yes! Thank you Lord!" histerikal niyang sabi dito dahil sa excitement.
"Your welcome? Let's go?" inilahad nito ang kamay sa kanya.
"Uy sigurado ka bang legal yan? Baka cyber den iyan ah!"
"Do I look like working in there?"
"Hmm.. hindi naman mukha ka ngang boss." Napatakip siya ng bibig at muling tinignan ito.
"Well, I am one." nakangisi nitong sabi.
"Big time! Anong company ba iyong hawak mo?" she curiously said habang naglalakad sila nito.
"We're here.." huminto sila sa isang malaking building.
"DC Enterprises??!" gulat na gulat niyang sabi.
"Yes, let's go to my office at doon ko idi-discuss ang mai-offer na work ng company namin sa iyo."
"Is this for real??" humahanga niyang sabi dahil nasa harapan siya ng DC Enterprises.
Ang supplier ng mga materials ng mga parts ng eroplano. Ito ang tanging kompanyang nagsusupply ng materyales sa bawat airlines sa Pilipinas! She looks closely sa mga nadadaanan nila para siyang nasa airport ngunit madalang lamang ang tao dahil mga opisina at recieving area ang unang palapag na nadaanan nila.
Kean press 29th floor at matiyagang sinasagot ang mga katanungan niya.
"You know Trish you will definitely like it here."
"What did you call me?"
"Ahm Trish?" Inosenteng sagot nito.
"Aba! feeling close ka talaga noh! Tricia lang. Ayokong may tumatawag na Trish sa akin na hindi ko ka-close." Irap niya.
"Trish then.. Para close na talaga tayo" ngingiti ngiting sabi nito.
"Ang kulit mo." Irap niya ulit pero natawa lang ito at pinagbuksan siya ng pintuan na may nakalagay na pangalan nito sa harapan niyon.
Kean Angelo Tui
Vice President for Operations
"So apply ka na. As an Executive secretary?" He said ng makaupo sila sa opisina nito.
"Secretary?? I'm a CPA graduate mister! Wala akong background about that!" apela niya agad.
"Then I-tetrain ka naman. I think your very dedicated and madali mo lang matutuhan iyon because your a CPA." Huh? Anong connection?
"Wala bang bakante sa accounting department ninyo dito? Doon mo na lang ako i-apply." pakiusap niya.
Hindi naman sa minamaliit niya ang trabaho ng pagiging sekretarya, hindi niya lang kasi linya ang ganong trabaho.
"You are highly compensated here." pangungumbinsi nito.
Napaisip tuloy siya kung tatanggapin ba niya o mag iinarte nanaman siya. Trabaho na ang lumalapit pero nag aalangan naman siya.
"Magkano sahod?" Deretsang tanong nya. Aba dapat yun agad ang tanong! Ano to gusto mo lang magtrabaho? Paano ang sweldo diba? Dapat inaalam din iyon.
"35k a month. Starting pero tataas pa iyon depends on the work performance." Sagot nito, Seriously??
"Ang tataas naman pala ng sweldo dito bakit nagresign iyong secretary?" Usyoso niya.
"Matanda na kasi, apply ka na?"
"Game! Push! Go!" Natawa lang si Kean sa biglang pagtaas ng energy ng dalaga.
NAGKWENTUHAN sila ni Kean at naikwento niya agad ang buhay nito. Ito rin naman ay nagkwento kung bakit siya ang Vice President ng DC Enterpises. At kaibigan daw nito ang Presidente na magiging boss niya.
Sinabi rin nitong hindi naman ito roon naglalagi dahil mas focus ito sa family business nila.
Inihatid siya ni Kean sa HR at natanggap kaagad. Ang bilis naman? Inorient agad siya ng mga iyon at binigyan ng pahapyaw na background sa mga gagawin niya. Sinabi ring bukas na siya mag sisimula.
Hindi pa siya naipakilala sa boss niya dahil wala daw ito doon. Mukang tama nga si Kean este Sir Kean pala na madalas itong wala roon. Ang bilis ng pangyayari. The last day she gets fired and now a high paying job is welcoming her!
What good karma!
Okay Tricia tomorrow is the day!
MAAGA siyang nagising at hinanda ang sarili sa bago niyang trabaho. The offer is too good actually pero mabuti na rin iyon, siguro ay talagang pinagpapala lang siya ni Lord para maging pagpapala din siya sa iba.
Nagcommute siya patungong opisina at quarter to eight siyang nakarating roon. Inayos niya ang gamit at muling ginawa at inaral ang mga ibinigay sa kanya ng nagtrain sa kanya kahapon.
Inaaral din niya ang bawat profile ng board members at mga bosses para hindi siya magkamaling batiin ang mga ito.
Napalingon siya sa lalaking malakas na tumikhim sa harapan niya. At nanlaki ang mata sa gulat ng makilala kung sino iyon.
"What are you doing here?" Kunot noong tanong nito.
"You! What are you doing here! Dito na ako nagtratrabaho at bakit nandito kang pangahas ka!"asik niya rito.
Anong ginagawa ng ungas na lalaking ito dito? Baka malasin na naman ako dahil nakita ko ang pagmumukha niya.
"Really? I don't think so. I didn't hire you." He said and crossed his arms.
"Anong I didn't hire you?? Bakit ikaw ba yung HR? Excuse me they hired me kahapon pa. Ano ka ngayon?" Pagtataray niya dito.
Bago pa ito sumagot ulit ay binati na sila ni Kean.
"Good morning everyone... Hi Trish." Nakangiting bati nito ng makalapit sa kanila.
"Good morning too Sir Kean." Nakangiting bati niya ngunit matalim pa rin tinignan ang lalaking nakasagutan niya.
"The hell? Who is she?" Tanong ni Derick sa kadarating na kaibigan.
"Your girlfriend. I mean our executive secretary pala." Nakakalokong sabi nito at sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.
"Siya iyong boss ko?? Bakit hindi mo sinabi!" Gulat na sambit ni Tricia.
"Yes Trish. I'll explain later after work, can you get us coffee please. Pasok mo na lang dito sa opisina. Thanks." Utos lang ni Kean sa dalaga at nakangiti namang tumango ito ngunit inirapan ang pangahas na lalaki.
"WHAT was that?? At sinong may sabihing siya ang secretary ko?" Galit na sabi ni Derick sa kaibigan.
"Brad chill. Remember you ask me to look for an efficient secretary and I want to tell you that she is impressive.
She's Tricia Felice Aquino, c*m laude, Top 7 sa CPA Board exam at dedicated sa mga trabaho nito. She's perfect!" Paliwanag nito.
"And she's a liar remember?" Sarkastikong sabi niya rito.
"She lied because of her safety. And her lies didn't harm anything. Though nawalan siya ng trabaho." explain ni Kean dito.
"But she's a f*cking girl! What if she'll seduce me?? If that happens, wala na kaming matatrabaho dito?" Sarkastikong sabi niya rito.
Nakarinig sila ng mahihinang katok bago bumukas ang pintuan at inilabas si Tricia na hawak ang isang tray na may dalawang tasa ng kape.
Pinasadahan niya ng tingin ang dalaga and she's freaking sexy and hot! Simpleng pencil skirt at pink blouse na mayroon blazer lang ng suot nito ngunit humuhubog duon ang napakagandang katawan nito.
Ibinaba nito ang tasa sa table nila at deretsong tumayo.
"I'm sorry Sir kung narinig ko kayo. If you are concerned Sir about me seducing you, I assure you that I am not that type of person. Don't flatter yourself so much. You're not my type. And kung ayaw ninyo ako dito then I leave, ang babaw na diyan ninyo binabase ang mga empleyado ninyo, and not on the qualification. And lastly, woman is not a s*x object that man will use for own satisfaction." Sabi nito at tinalikuran sila.
Napatiim bagang siya. What's wrong with her? At anong hindi type? Pinakilala niya nga akong boyfriend niya and now hindi niya ako type?? The hell!
"Trish wait!" Habol ni Kean kay Tricia at napairap na lang siya.
Wala namang special sa kanya ah.
So what, if she's gorgeous, sexy, hot and smart? Marami namang ganun. She's not special. Yes.. She's not.
Pagkukumbinsi ng binata sa sarili habang nasa isip pa rin ang babaeng hinalikan niya ng gabing iyon.
====
©Miss Elie