NAG-AYOS ng mabuti si Tricia para sa isang business meeting na kakailanganin niya to get the promotion that she needs para makatulong ng malaki sa pamilya niya sa Nueva Ecija.
She is an independent woman, madiskarte, masiyahin, charming at higit sa lahat maganda. She has the looks na pang modelo ang ganda maski isa siyang morena.
Isa lamang siyang simpleng probinsyana at kagaya ng karamihan ay nakipagsapalaran sa Maynila upang kahit paano ay makapagbigay ng malaking tulong sa pamilya sa probinsya.
Minsan pa niyang sinuri ang sarili bago inihanda ang kotseng pahiram ng kompanya. She wears her company uniform and pair of black stiletto as well. Nang masigurong propesyonal na siyang tignan ay inihanda na niya ang mga gamit na kakailanganin niya.
Sa isang five star hotel kase ang business meeting niya sa isang kilalang tao sa business na maglalagak ng malaking halaga sa bangko nila.
Sa tatlong taon niya sa kompanya ay sinipagan talaga niya. Kaya kahit baguhan ay nabigyan siya ng pagkakataon na humawak ng ganito kalaking account upang maging bearing for her promotion. She is a CPA, at siya ngayon ay nagtratrabaho sa GV Financing Bank Incorporated bilang isang financing consultant at subject na siya for promotion kapag napapirma niya si Mr. Takeshi sa banko nila.
She checks herself kung presentable na siya and she's satisfied. Hinanda niya ang contract at lahat ng kailangan niya bago siya lumabas ng apartment. Mabuti na lang at may provided na kotse ang kompanya nila kapag ganitong malaking deal ang silang kailangan. Kahit paano ay hindi na siya kailangan pang magcommute papunta at pauwi. Marunong naman siyang magdrive dahil tinuruan siya noon ng Papa niya nang magtrabaho ito bilang family driver ng isang politiko doon at siya bilang malapit sa ama ay tinuturuan siya nito.
"Lord bless me, ito na po sana ang simula ng magandang buhay para sa akin!" She uttered a simple prayer bago bumaba sa hotel na pagmemeetingan nila.
Pumasok isya roon at bumulaga sa kanya ang isang magandang lugar. This place speaks sophistication and high class.
Nagderetso siya sa restaurant at kaagad siyang inasikaso ng isang staff roon upang tanungin kung may reservation ba siya at sinabi ang pangalan niya bago siya iginaya sa pang dalawahang upuan duon sa gilid.
7:20 pa lang so ahead sya ng 10 minutes sa meeting niya. Kaya naman nilibot muna niya ang tingin sa buong lugar at masasabi niyang napakaganda niyon. May malaking chandelier sa gitna niyon na nagsisilbing sentro ng buong restaurant na iyon. Marahil mayayaman lamang ang makakakain roon sa isip isip niya.
Ilang sandali pa ay may nakatayo na sa tabi niya at si Mr. Takeshi na iyon.
"Good evening Mr.Takeshi, how are you?" Tumayo siya at magalang na binati ito.
"Good evening too. Let's take our seat." Sagot nito at tumango siya at sinunod ito.
"I'm Maria Tricia Aquino po, GV Financing Bank Incorporated representative to discuss the terms to you." Nakangiting sambit niya.
Pinanatili niya ang kanyang mga ngiti kahit naiilang siya sa malagkit na tingin nito sa kanya.
Nag order muna ito at kunyaring nagtatanong tungkol sa company nila at assurance na makukuha nila at matalinong nasagot niya itong lahat. Hanggang sa natapos silang kumain at magdiskusyon ay ipinakita na niya ang kontrata at ipinaliwanag iyon. Walang kahit anong maibabato na hindi maganda sa kompanya nila dahil number one bank ang GVFBI sa Pilipinas at pang sampu sa Asya.
Pumirma ito at duon sya nakahinga ng maluwag. He just trusted 1,000,000 US Dollars! Ibinalik sa kanya ito at hinawakan ang kamay niya.
Alam na alam niya ang mga galawang ganoon kaya naman mabilis niya iniiwas iyon at ibinalik sa lagayan niya ang kontrata at nakipagkamay na lang siya at nagtangkang magpaalam.
Ayaw nitong bitiwan at kamay niya at pasimpleng hinaplos ang braso niya.
"Ahm.. Thank you for trusting our Bank Mr. Takeshi. We assure you that your money is in good hands. Have a good night Sir." She politely said at umiwas dito.
"Not so fast Miss Aquino. Let's just get some drink first and enjoy this night together." Muli ay hinawakan nito ang braso niya at pasimpleng hinimas iyon.
I need to look for some excuse para makaalis sa manyak na ito!
Luminga linga siya at nakakita siya ng lalaki na nag iisang nakaupo sa isang table roon at mukhang bored na hinihintay ang kasama at marahil napansing may nakatingin rito kaya napatingin iyon sa gawi niya.
Great! Kinawayan niya ito. At bumaling kay Mr. Takeshi.
"I'm sorry sir, but My boyfriend over there is waiting for me. Have a good night Sir, Thank you." Sabi niya at tinuro ang gawi ng lalaking kinawayan niya.
Dahil medyo malayo ito ay hindi niya gaanong naaninag ang mukha nito.
Nakahinga siya ng maluwag ng makalakad palayo kay Mr. Takeshi ngunit batid niyang nakatingin pa rin ito sa kanya. Kaya naman pumunta siya sa upuan ng lalaking kinawayan niya kanina at nagulat siya sa itsura nito sa malapitan.
Busy ito sa cellphone nito at napakagwapo ng lalaking iyon!
Tumingin siya sa gawi ni Mr. Takeshi at nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Kaya naman wala siyang nagawa kung hindi lumapit sa lalaki kahit nakakahiya pa.
"Hi..." She sweetly said at halatang naguguluhan ito. Lumapit siya sa pisngi nito at duon bumulong.
"I'm sorry Mr. for disturbing you. But can I just stay for at least 5 minutes? I just need to get rid of that old maniac." She said at umupo sa tabi nito.
Nakakunot ang makakapal na kilay ng lalaki kaya naman she thinks na kailangan pa niyang mag explain rito.
"Look Mister. I'm not a bad person. Let me just stay for a while, bago ko masapak iyong matandang maniac na iyon at mawalan ako ng trabaho. I just said that you are my boyfriend at hinihintay mo ako kaya ako nakaalis ako doon. So, please Mr. let me stay here for a while..." Mahinang sabi niya at luminga sa pinanggalingan niya kanina at mahina siyang napamura ng makitang palapit ito sa kanila.
"Sh#t!" Natutop niya ang sariling labi sa pagmumura niya pero sh#$ talaga!
"Mr. Castroverde, I don't know that Miss Aquino is your girlfriend huh. You are really private person." Komento nito.
"Yeah." Mahikling sambit nito at bored na tumingin sa kanya pilit niyang binigyan ito ng matamis na ngiti at nag-iwas agad ito ng tingin.
Great, at least he didn't deny me.
Akala ni Tricia ay aalis na ito pero nanatili pa ito doon at may matikas na lalaki pang dumating duon.
"Mr. Takeshi what are you doing here?" Sambit ng lalaking kadarating lang.
"Mr. Tui. Well, I just want to meet Miss Aquino's boyfriend happens to be one of the great Castroverde huh? I can see now the reason why she turned down my offer. Nice catch." Napakuyom ang kamay ni Tricia sa mainsultong nasabi nito.
Ang dating sa kanya nito ay isa siyang gold digger! Bago pa siya mapuno ay magpapaalam na lang siya.
"It's none of your business. Will you please leave us alone?" Cold na sabi ng lalaki na katabi niya.
"I'm still not convinced."
To her surprise ay hinila siya ng lalaki pakandong dito at agad siyang hinalikan!
Nanlaki ang mata niya sa ginawa ng mapangahas na lalaki. She grasp when he bit her lower lip!
Hindi siya agad nakapagreact dito dahil it's her first kiss for Pete's sake!
Nang maramdaman niya ang paghaplos nito ay doon siya natauhan agad niyang itinulak ito at malakas itong sinampal.
"W-what the--" angal ng lalaki habang hawak nito ang nasaktang pisngi.
"Manyak ka!"
"I just help you!"
"Pinagsamantalahan mo ko!"
"I knew it, you're a lying b***h!" Agad niyang narealize na naroroon pa pala si Mr. Takeshi.
Right there and then she knew she was doomed.
"I will tell it to your boss and I'm sure you will be fired." He threatens her bago ito nakaalis.
"Arghhhh!" Naiinis niyang sabi at sinamaan ng tingin ang mapangahas na lalaking humalik sa kanya bago umalis sa lugar na iyon.
"WHAT a girl bro..." Humahanggang sabi ni Kean sa kanya na nakasunod pa rin ng tingin sa papalayong babae.
"Tss... she slaps me hard. f#*k!"
"That old maniac didn't change at all, kawawa tuloy iyong babae. Ang ganda pa naman." he commented.
Well, she is really a beauty and her lips... he still feels it against his.
Who is she?
=====
©Miss Elie