Chapter I: Memories of yesteryears

2628 Words
Kasalukuyang inaayos ni Gail ang nagkalat na papel sa mesa nang may biglang maalala. Kinuha niya ang cellphone sa bag at nag-dial. Makalipas ang tatlong ring ay patamad na sumagot ang nasa kabilang linya. "Hello, Angel, I just want to inform you about the trip. The day after tomorrow ang alis natin and sa harap ng Maid cafe ang meeting place. The call time is ten a.m. So don’t be late okay." Pagbibigay instruction niya sa kaibigan. "Trip? What trip?" sandaling nawala ang kausap sa kabilang linya."Goodness. Tagong-bato right? How could I forget about it" muling nawala ang kausap na ikina-ikot ng mata niya. Same old Angela. "Wait, it says here na next week pa yun. Bakit biglang napa-aga yata." Itinigil niya ang pagliligpit at naupo sa silya. Ang kausap niya ay angchildhood bestfriend na si Angela, kaya naman alam niyang mahabang diskusyunan at paliwanagan ang kailangan nito. "What can I do, it's company's decision. Bakit may problema ba?" "You know I just can’t go. Kararating ko lang from out of the country. And I have a lot of appointments. B-Besides, hindi pa kasi ako nakakapag-paalam sa mga kuya ko." Angela's a model at ang alam niya'y kagagaling nito sa isang ginanap na fashion show sa abroad. Matagal na silang hindi nagkikita nito mula nang ma-assign siya sa field at ito’y nagsimula na ring mag-aral ng pamamahala ng hotel and restaurant business ng pamilya. This trip is supposed to be their bonding na si Angela mismo ang nag-insist to her great shock. Pero hindi iyon ang dahilan ng ikinatahimik ni Gail. She mentioned the word kuya. Iyon ang keyword upang sandaling matigilan at magbago ng mood. "Problema ba yun , di mag-paalam ka ngayon." Hindi niya intensyong maging sarkastiko ngunit hindi niya napigilan maging ganun ang himig. "Kung magsalita ka parang mga batang musmos yang mga kapatid mo eh kalalaking mga tao. Dapat sa kanila ay maghanap na ng kanya-kanyang mapapangasawa para may mag-aasikaso na sa kanila. Hindi yung puro mga pambababae nalang ang inaatupag. At nang hindi mo na sila inaalala pag may pupuntahan ka." Bahagya pa siyang hiningal sa mahabang litanya. "And what about my works?" Muling umikot ang mata ni Gail sa tinuran ng kaibigan." Besides walang babaeng makakasama sina kuya kapag umalis ako. Nasa ibang bansa sina mommy at wala ang mga katulong." Napaangat ang likod niya mula sa kinauupuan. "Your work? Hello, Angela Yuri del Castillo Martinez." Ipinagdiinan niya ang apelyedo nito. "Anak ka ng may-ari ng hotel. Kaya pwede kang hindi pumasok kahit kailan mo gusto. And as if maraming paperworks ang pag-aaralan mo. Kung tutuusin pipirma lang naman ang gagawin mo." "Grabe ka naman mahirap din ang trabaho sa hotel, kailangan pag-aralan ang lahat ng aspeto para makasabay sa trends." Nahimigan niya ang bahagyang tampo sa tinig nito. "O siya sige na, may point ka doon. You still have one day to finish your works. And please Angela stop using your brothers as an alibi dahil hindi ko talaga bibilhin yan. " "Why do you suddenly sound so bitter?" "Who? Me?" aniyang pinasundan ng marahang tawa. "Pinaglalaruan ka ng imaginations mo frenitch." Ngunit bigla ri siyang natahimik. Na sinamantala ng kaibigan. "Ano ba kasi ang nangyari nun sa inyo? Until now I'm still curious. Before I went to New York ay okay pa naman kayo. Akala ko pa nga, kuya Aaron's already courting you. Tapos pagbalik ko ganun na kayo? Ilangan at iwasan effect na,especially you. Come on Gail you know you can rely on me. Malay mo makatulong ako." Bahagyang nagkaroon ng lambong ang mata ng dalaga. Pilit iniignora ang pamilyar na kirot ng dibdib na akala niya'y naitago na sa pinaka-sulok-sulukang bahagi ng puso. Napabuntong-hininga siya. "Just do your best to get their permission, Angela. I badly wanted to talk to you personally.” She’s got to do some reprimanding on her dahil sa mga bali-balitang nakakarating sa kanya. Partly, ay nakukunsensya siya. They are best of friends, pero dahil sa issue niya sa kuya nito ay nadamay ito sa bahagyang pag-distansya sa pamilya nito. "Changing the topic huh, hanggang kaylan mo ba iiwasan ang mga ganitong confrontations." "Come on Angela, kaylan ka pa natutong maging makulit. Sige na at may importante pa akong gagawin. " Walang nagawa ang kaibigan ng magpaalam siya. Pagkababa ng cellphone, imbes na ituloy ang ginagawa ay hinila niya ang nakatabing laptop at minimize ang inumpisahang article na sinusulat. Tinitigan ang wallpaper na naroon. Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi kasabay ng pag-angat ng palad at hinawakan ang screen as if she can feel the familiar warmth by touching his face. Close up ang picture na iyon ng binata kaya kitang-kita ang magandang features ng mukha nito. Pinaglandas niya ang palad through his thicked define eyebrows, down to his sparkling eyes, to his proud nose and landed on his lips. Pinakatitigan ang labi ng binata na minsang sumamba sa mga labi niya. She felt her lips burned as she remember his kisses. Parang nararamdaman pa niya ang labi ng binata roon. Kusang bumaba ang kamay at tuluyang isinara ang laptop. Ihinilamos ang kamay sa mukha at nanghihinang isinubsob ang mukha sa sariling desk. Aaron. Bulong ng puso niya. At hindi napigilan ni Gail ang maalala kung kaylan nag-umpisa ang kabaliwan niyang iyon... Ngiting-ngiti ang labing isang taong si Gail habang inihahanda ang mga gamit sa pag-bake. "This time I'm gonna make it right." "Goodluck with that."Nakaismid ang isa pang kaibigan at kaklaseng si Rebecca. "Masyado naman kayong seryoso." Sabay ikot ng mata ni Angela. Tuwing sabado kasi'y dito sila nakatambay sa bahay ng mga Martinez para hasain ang baking skills nila. "Oh ano handa naba kayo?" Si Manang Nelia na kapapasok lang sa kusina. "Yes Manang." Sabay sabay na bigkas ng tatlo. At iyon ang pinagkaabalaahan nilang tatlo habang naka-supervised si Manang. Tinuruan na kasi sila nito dati na mag-bake kaya hinahayaan nalang sila. At sa ilang beses na iyon ay palaging palpak si Gail. Kaya naman nag-practice siyang mabuti sa bahay at ipinangakong ipeperfect niya ito this time. Lalo na andito ang mga kuya ni Angela, for sure ipapatikim nanaman ng kaibigan ang gawa nito at malamang pati sila ay madadamay. Narito pa naman si Arthur na hari ng pagka-bully. "Done!" itinaas niya ang kamay at manghang pinagmasdan ang chocolate chip cookies na naisalansan na niya sa magandang lalagyan. "Same here." Halos magkapanabay sina Rebecca at Angela. "Hmmm magaling. At dahil espesyal na araw ngayon meron tayong mga bagong judges. "Si Manang Nelia na nagsimulang magligpit ng mga ginamit. "Sino?" "Na-excite ka nanaman diyan Rebecca. For sure sina tito at tita ang judges." Nakita niya kanina ang mag-asawang Martinez at panigurado si Gail na ang dalawa ang tinutukoy ng matanda. "Mali ka Gail umalis sina mommy at daddy before we start" pagbibigay-alam ni Angela. Napatigil siya sa paglilinis ng area niya. "Tama si Angela, kaya naman sina Aaron, Andrew, Anthony at Arthur ang magiging judges niyo." Tuwang-tuwang bulalas ng matanda na ikinalaki ng mata niya. Bigla'y na-concious siya sa sariling gawa. Hindi pa naman niya iyon natitikman. At pagkatapos nga nilang maglinis ay pinuntahan na nila ang magka-kapatid. Nadatnan nila ang apat sa likod habang naglalaro ng basketball. Naipilig ni Gail ang ulo habang pinapanood si Aaron na kasalukuyang nagdi-dribble ng bola. He was wearing a simple white shirt at jersey short. Napaka-gwapo at neat tignan. Panay ang siko ni Rebecca sa kanya. " Ang gwapo nila,Gail. " kinikilig na bulong nito sa kanya. Kinuha ni Manang Nelia ang atensyon ng apat na agad ding tumigil sa paglalaro. "Halikayo at ng makapag-meryenda. Nag-bake ang mga batang ire ng mga cookies. " Inilapag nila ang mga platong hawak kasunod ang juice na dala ng mga katulong sa kalapit na mesa.. "Wow, sakto gutom na ko." Naupo sa silya si Arthur at tangkang kukuha ng cookies ng tabigin ni Manang Nelia ang kamay nito. "Hmm maghugas muna ng kamay"paalala ng matanda. Napakamot sa ulo ito ngunit sumunod sa mga kapatid. Naiwan silang tawang-tawa. "Hay ang gwapo ni Anthony." "Akala ko ba si Arthur ang crush mo Rebecca?" manhang tanong ni Angela. "Ano kaba sister di pa ko nakakapili noh. " Nangalumbaba ito." Ang gwapo kasi ng mga kuya mo. Ang tatangkad pa. At si kuya Aaron mo parang lumaki ang katawan. The last time I saw him medyo lean lang, ngayon macho na. So manly. Hay hindi ko alam tuloy kung sino ang pinaka-gwapo."she said dreamily. "Isa-isa lang kasi." Aniyang naupo na rin sa isang silya. "Yes Ms. Prim and Proper." Ang tinutukoy ni Rebecca ay si Gail. Ito ang tawag ng karamihan sa dalagita ngunit ang totoy walang katotohanan iyun.. Sa unang tingin marahil. Sa murang edad kasing eleven ay mukha na siyang dalaga except her height na kung tutuusin ay sa isang average Filipina lang unlike sa kaibigang si Angela na matangkad talaga. Palagi pang nakapusod ang curly hair sa likod. At dahil half albanian ang ina'y natural ang pagiging sobrang maputi niya na parang coupon bond. Ipinagpasalamat na nga lang niya at natural na namumula ang pisngi at labi kundi'y mapagkakamalan siyang white lady. Napaunat siya nang maulinigan ang paparating na tinig ng apat. "Pwede na siguro manang." Excited na lumapit si Arthur sa mesa at sa nagniningning na mata'y pinaglipat-lipat sa tatlong platong kinalalagyan ng mga cookies. "Try mine Arthur. Masarap to" Itinaas ni Rebecca ang sariling gawa at inilapit sa laping-apat na taong si Arthur. Halatang na off-guard ang huli ngunit agad ring nakabawi. "Sure." Kumuha ng cookies at sumubo ng hindi inaalis ang tingin sa kinikilig na si Rebecca. Samantala, sari-sariling kuha ang iba ng cookies at tahimik na kumain. "This is good, good job, brat" puri ni Andrew sa gawa ni Angela sabay ginulo ng bahagya ang buhok ng kapatid.  Young Angela made a silent complain/ "Ang sarap naman ng gawa mo Rebecca parang ikaw." Binatukaan ng nakakatandang si Aaron si Arthur sa tinuran. "Youre flirting in front of us. Dinaig mo pa kami ah." Nagkibit balikat si Arthur sabay kuha ng cookies sa harap niya at isnubo. Napaubo ito bigla. "Who did this. Ibinuhos ata lahat ng asukal rito." Hindi maipinta ang itsura nito. Napasimangot siya. "I did!" Natigilan ito. Nagsikuhaan naman ang iba at tinikman. Napangiwi ang mga ito pag-kanguya. Maging si Manang Nelia ay pagka-disgusto ang nasa mukha. Ganoon ba kasama ang lasa ng gawa niya. Kumuha siya ng isa at isinubo. Unang kagat palang ay napaubo na siya. May basis pala ang disgust sa mukha ng mga ito. "I-I’m sorry." napayuko siya. "Can I try one?" Si Aaron na agad  kumuha ng cookies bago pa man niya ito mapigilan. Lahat sila ay hinintay ang magiging reaksyon nito. Maya-mayay "It’s good." Anito sa pagka-gulat nilang lahat. "May sakit kaba kuya?" biro ni Arthur na hinawakan pa ang nakakatandang kapatid. "I’m just kidding" itinaas ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko nang tignan siya ng masama ni Aaron. "Masyado lang matamis but it’s not bad." Muling kumuha at isinubo. Hindi naman ito mukhang napipilitan lang at sa halip ay enjoy na enjoy pa. Na-touch  si Gail sa ginawang iyon ni Aaron. Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa labi.. Huling-huli pa niya nang kumindat ang bente anyos na si Aaron sa kanya sabay mulingsubo ng gawa niyang cookies. Hindi niya tipo si Aaron kung tutusin. Ang totoo’y mas crush niya si Arthur dahil mas malapit ang edad nito sa kanila compare sa kuya nito na siyam na taon ang agwat. Pero nang oras na iyon hindi napigilan ni Gail ang hindi kiligin.    "Tapus? Anong nangyari?" bulong ni Angela. Pero wala doon ang atensyon ni Gail. "Woi Gail, pagkatapos anong nangyari?" pukaw ni Angela sa pagkakatulala ng kaibigan. Nasa den sila nito habang gumagawa ng project sabay chismisan na rin. Bumalik ang atensyon niya rito nang mawala sa paningin si Aaron. Kanina'y nahuli niyang nakatingin ito sa kinaroroonan nila ng kaibigan mula sa verandah ng silid nito. Kanina paba ito roon? Bakit ito nakatanaw sa kanila? Ipinagkibit- balikat nalang iyon ni Gail. "What did you say?"baling niya sa katabi. "Sabi ko anong nangyari pagkatapos mo siyang sabihan ng ganun?" "Eh di syempre hindi siya nakasagot. Akala niya makukuha niya ko sa mga ganun-ganun niya." Nakasimangot na kwento niya. Ang tinutukoy niya ay si Dan, kababata nila na nakatira sa village nila Angela. Matagal na itong nagpapahaging sa kanya pero hindi niya pinapansin. At kaninay nagtapat ito sa kanya sa harap ng school, sa harap ng maraming tao. "Ang yabang talaga niya noh. But honestly frenitch hindi mo siya feel?" "Hindi no!." Mariin niyang tanggi at kunwa’y ipinagpatuloy ang paggupit ng colored paper. "Siguro may crush kang iba noh." Sabay sundot sa tagiliran. Sabihin pa’y bigla siyang namula. "Woh si Gail may crush na..” Napasinghap si Angela at natakpan ang bibig. Itinapat niya ang hintuturo sa labi. "Shhh" Lumapit si Angela sa kanya "Sino? Kilala ko ba siya?"excited na tanong nito. Pigil ang tawang nagkibit-balikat siya. "Sige na kasi Gail." "Saka na angel." Pilit pinipigil ang ngiti sa labi. Namewang ito. "Ikaw ah naglilihim kana sakin." Lumabi ito kunwa’y nagtatampo. "Ikaw may crush kana ba?" usyuso niya upang ibahin ang topic. "Ako? Wala no. First year palang tayo diko pa alam yan. Pero ikaw ok lang kasi wala ka namang mga kj na kuya hindi tulad ko." "Buti ka nga may mga kuyang magpoprotekta sayo. Ako mag-isa ko lang." malungkot na komento ni Gail. Sa totoo lang ay naiinggit siya sa kaibigan. Having a big brother is annoyance para rito pero para sakanya ay magandang bagay iyon. Mas mahirap kaya ang maging only daughter, lahat ng pressure ay nasa kanya. "Tapus puro mga gwapo pa." Lalo na si Aaron. "Teka lang ano yang kislap sa mata mo?" pilit siyang pinaharap ni Angela at hinuli ang mata niya. Tumikhim siya at umayos ng upo sabay iwas ng mukha. "Hindi kaya.” "Aha. Sino sa mga kuya ko ang crush mo?" At lalo siyang pinamulahan "Si kuya Arthur no? Hmm. Sigurado ako.” Nangingiting sabi ni Angela. "Hindi no!" Agad niyang tanggi. Well, she used to have a crush on him. Pero habang lumilipas ay nawawala iyun at sa halip ay pagkairita ang pumapalit dahil sa pagiging bully nito. "Huh sino sa kanila?" takang tanong ng kaibigan. "Alangan naman si kuya Anthony or si kuya Andrew. Matanda na sila para sayo Gail." "Age doesn't matter when it comes to love angel." "Wow!” Namilog ang mata nito. “At may ganyan ka nang nalalaman ngayon ah." Kantiyaw nito ulit. "At love na talaga ah!” she uttered in a pitched voice. "Kasabihan lang yun. exaggerated lang ako." Pagtatama niya sa maling kaisipan nito saka binuntunan ng tawa. "Sino nga sakanila?" muling hirit nito. Mukhang hindi siya titigilan hanggat hindi nakukuha ang sagot na gusto nito. "Eh nahihiya ako." "At ngayon ka pa talaga nahiya." Humalukipkip ito. Itinuloy niya ang ginagawa nila. "Eh syempre kuya mo kaya siya. Saka hindi pa naman siya talaga totally crush" Kumislap ang mata ng kaibigan sa excitement sabay bulong. " Sino nga Gail. Hindi ako makapaniwala may crush kana talaga." "S-Si Kuya Aaron." Mahina niyang sabi. Napatayo si angela sa gulat at nabura ang ngiti sa labi. "Si kuya Aaron!" medyo may kalakasang bigkas nito. Napatayo siya sabay takip sa bibig nito at agad luminga sa paligid. Wala namang tao kundi sila lang. Nakahinga siya ng maluwag. Ayaw niyang may makaalam na iba tungkol sa feelings niya. Besides, tulad ng sinabi niya ay hindi parin talaga siya sigurado na crush nga niya ang nakatatandang kapatid ni Angela. Baka kasi simpleng paghangga lang iyun dahil sa sobrang kabaitan nito sa kanya. "S-Sorry." Hinging paumanhin nito. "Nagulat lang ako. Si kuya Aaron talaga?' hindi pa rin makapaniwalang bulong nito. Tumango siya. "Kelan pa Gail? Saka ang tanda na na kaya ni Kuya Aaron. Twelve ka lang siya twenty one na. " eksaheradang bulalas ng kaibigan. Gail shrugged as a response. Maging siya ay hindi alam kung kelan ba siya nag-start magka-gusto sa nakakatandang anak ng mga Martinez. "Basta Angel, secret lang natin to ah. Walang makakaalam." Tumango ito. "Promise?" she asked. "Promise."sabay taas ng kanang kamay. "Cross my heart hope to die." Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito. Hindi napigilan ni Gail ang mahawa. "Parang ikaw ang mas kinikilig diyan ah." Tukso niya sa kaibigan. "Hindi no, natutuwa lang ako. Si Kuya Aaron talaga? " “Bakit ang gwapo kaya niya. Tapos mabait pa. Tapos macho pa." "Tapos tapos na.." singit nito. Sabay silang napa-bunghalit ng tawa at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD