Chapter II: Memories of the Young Heiress

2638 Words
Tinanggal ng labing-apat na taon na si Gail ang cover at maingat na iniangat ang litrato mula sa photo album na hawak. Pagkuwa'y isinama isinama iyun sa mga nauna ng nakuha doon. Hindi mapagnit ang ngiti habang muling binubuklat ang naturang album. Bumukas ang pinto at iniluwa niyun ang kaibigang si Angela na agad siyang nilapitan. " Ano nakapili kana... Gail kinuha mo na yata lahat!" Nanlaki ang mata nito nang mapansin ang hindi baba ng sampung larawan sa tabi niya. "Exaggerated ka masydao hindi naman." Namewang ito. " Ano ba kasi gagawin mo diyan? Mapapansin na ni mommy yan eh."  Sumimangot naman si Gail. "Sige na nga ok na ito. Parang ilan lang  eh. Kj nito,"  inayos niya ang ilang photo album  na ipinuslit pa nila kanina mula sa reading room ni Aurora. "Uubusin mo naman kasi ang litrato ni kuya Aaron." Napakamot nalang si Angela sa kabaliwan ng kaibigan. "Kung picturan mo nalang kaya siya at ikaw nalang magpa-develop noh. " Kumislap ang mata ni Gail sa suhestyon ng kaibigan. "Oo nga Angel. That's a brilliant idea." Tuwang-tuwang bulalas niya Kaya naman pag-uwi sa bahay ay agad niyang nilambing ang amang si Lorenzo na ibilhan siya ng sariling camera.  "Daddy, please, please" Gail begged her father. "Are you getting interested in photography, hija?" may pag-aalala sa tinig ni Lorenzo. Hindi nais na mapunta sa ganoong direksyon ang interest ng anak. She will inheret his empire when she grows up at sa tingin niya'y distracton lang ang hinihingi nito. "Not really, but I just want to try," she said in a warm tone of voice. Umupo sa armrest ng sofa at yumakap sa leeg ng ama. "I promise to be a good girl." Si Rosana na nakamasid sa mag-ama ay hindi napigilang mapangiti. Alam niyang hindi mapahihindian ng asawa ang nag-iisang anak.  "No, boyfriends, okay?" "Daddy?"Pinanlakihan niya ito ng mata. "Why? may napupusuan naba ang unica hija ko?" She was caught off-guard pero hindi siya nagpahalata. "I'm too young to have a crush." "That's good. When you reach eighteen birthday ay pwede kanang i-date ni Arthur." komento ng matanda na agad niyang tinutulan. "What's wrong, hija. He's just three years older than you. A handsome young man, at higit sa lahat ay kilala natin ang pamilya." Tinanggal niya ang kamay  pagkakayakap sa ama. "You will not decide kung sino ang idi-date ko, daddy. You will not manipulate my lovelife." naka-labing sabi niya. Hindi naman lingid  sa kaalaman niya ang mga ganoong set-ups ng mga mayayaman. A marriage for convenience. Ilang kasal ng mga anak ng kasosyo ng daddy niya ang na-attendan niya. At nangako siyang hindi siya magpapakasal dahil lang sa negosyo.  "But I will have the last say, just in case hija. At ngayon palang ay inuunahan na kita, gusto ko na si Arthur para sayo. And he adores you, he told me once." "Daddy!"  "Stop you two." Si Rosana na hindi napigilang magsalita sa pag-diskusyon ng mag-ama. "Napaka-bata pa ng anak mo Lorennzo para pag-usapan ang tungkol sa bagay na yan. She was just asking for a camera, heaven's sake." "Alam mo ang mga kabatan ngayon, Rosana. Ang sa akin lang ay pinaalalahan ko ang anak mo to reserved herself for someone that I consider to be a son-in-law in the future." "She's just fourteen, Lorenzo. Are you even ready to give her away?" paalala ng babae sa asawa. "To the right person? Why not." "Excuse me, I am here." awat ni Gail sa magulang.  "Basta, no boyfriend until you reached eighteen." pinal na sabi ni Lorenzo.  "Deal! So can I have my camera then." "Allright. Allright."  Napangiti ng maluwang si Gail at muling niyakap ang ama  sa sobrang kasiyan at humalik pa sa pisngi nito bago lumabas mula sa reading room ng mag-asawa sa mansyon ng mga Sebastiano.  "What?" tanong ni Lorenzo sa asawa. "If I were you titigilan ko ang pagpapasaring ng tungkol kay Arthur. Mana sayo ang anak mo, Lorenzo, matigas ang ulo. The more you insist, the more she rejects the idea." Tumayo ang ginang at naupo sa kaninang kinauupuan ng anak at yumakap sa leeg ng asawa. "You really adores the Martinezes, minsan ay nalulungkot akong hindi ko naibigay ang anak na lalaking pinapangarap mo." Ibinaba ni Lorenzo ang hawak na papeles at tuluyang inalis ang salamin sa mata. At forty-nine, he was still inlove with his wife. Masuyong hinila si Rosana at kinandong na parang bata. "You are more than enough for me, Rosana. You and Abigail are the most important thing that had ever happened to me. At tungkol sa sinasabi mong adoration ko sa mga anak ni Augusto, hindi ko idi-deny iyun. Ako ang magiging pinaka-masayang ama sa mundo kung isa sa kanila ang mapapangasawa ng unica hija natin." "But it seems like she doesn't like any one of them." "Hindi ka nakakatiyak diyan, Rosana." Gumuhit ang ngiti sa labi ng matanda at sinimulang tanggalin ang butones ng suot na damit ng asawa.  "Baka muling pumasok ang anak mo Lorenzo." worried na sabi ng ginang. "I bet she wont. Paniguradong paalis na yun para pumili ng gusto niyang camera" Nanuksong bulong ni Lorenzo. Hindi na nagawang sumagot ni Rosana dahil tuluyan ng sinakp ng labi ng asawa ang labi niya.  Nang sumunod na araw ay dala na ni Gail  ang latest version ng  canon dslr.  "Ang mahal nito ah. Grabe, iba talaga kapag only daughter." Maanghang bulalas ni Angela habang iniinspeksyon ang hawak na camera. "Aba, kung magsalita ka parang can't afford niyo yan. Baka nga kapag humiling ka ng yate sa daddy mo, bukas na bukas din ay nakadaong na yun sa Manila Yacht Club " biro niya. Lumabi ito. "Grabe ka naman. Hindi magbibigay ng ganoong expensive na gift si daddy. Saka anong gagawin ko sa yate eh takot ako sa dagat." "Sabagay. Teka andito ba ang kuya mo?" pag-iiba niya. Bumalik ang sigla nito. "Sakto nasa likod si kuya kasama ang mga friends niya. Tara" Palabas na ito nang pigilan niya. "T-Teka lang Angel ano ang sasabihin kong dahilan. Tiyak magtataka yun kung bakit ko siya kukuhan ng picture. " "Oo nga noh." Sang-ayon nito. Napaisip silang dalawa. "Aha, alam ko na. Sabihin natin project natin to,"suhestyon ni Angela. Umaliwalas ang kaninang malungkot na mukha ni Gail. Ang akala niya ay mawawalan ng silbi ang pagpapabili niya ng camera.  "Tara na." Hinawakan siya ni Angela sa kamay at hinila palabas. Mas mukha pa itong excited sa kanya. Naabutan nilang naglalaro ng basketball sa likod bahay si Aaron. Napahinto si Gail nang makitang hindi ito nag-iisa. Totoong sinabi ni Angela na kasama ng binata ang friends nito. Pero ang nasa isip niya'y isa o dalawang kaibigan lang. Pero mali pala siya dahil all in all ay lima lahat ang inabutan including Aaron himself. Ang isa'y siyang tumatayong referee sa paglalaro ng mga ito. Muli'y naipilig ni Gail ang ulo as she focused on Aaron,  her young eye's is full admiration for him. Parang slow motion ang paggalaw nito habang nagsho-shoot ng bola. Parang literal na may mga paro-parong nagsisilipana sa sikmura niya habang nakatitig rito. "Pare wala ka paring kupas sa basketball. Kung mag-PBA kana lang kaya. Kami nalang ang bahalang magpatakbo ng kompanya." Biro ng kalaban nito. "Sira. Break muna." Hingal na sabi ni Aaron at kinuha ang towel na nakasampay sa upuan. Saktong bumaling ang tingin nito sa kanila ni Angela. Bigla siyang napaunat ng tayo. And that feeling of giddiness and shyness sa tuwing dadako sa kanya ang mata ng bente tres anyos na binata.  "Angela, what are you doing there? Come over, ipakikilala ko kayo sa mga friends ko. Gail." he looked at her and he gave her his contagious smile.  Nagkatinginan silang magkaibigan. Panunukso ang nasa mata ni Angela. Sabay silang humakbang palapit sa mga ito.  Aaron was in sweat pero pakiramdam ni Gail ay napaka-bango parin nito. Kahit siya pa ang magpunas ng pawis ay ikasisiya niya. "Girls ,this is Matt, Brye, Stephen and Chad. They are my friends and at the same time kasosyo ko sa kompanya. Guys, my only sister Angela and her bestfriend Gail. She's like a sister to me too. " Nakita na ni Gail ang dalawa sa mga kaibigan ng binata sa ilang pagkakataon pero hindi ganito kalapit. Katulad ni Matt na sa pagkakaalam niya'y high school classmate ni Aaron. At si Chad nang minsang mag family dinner sila at may double date ito at si Aaron na sobrang ipinagngitngit niya nang araw na yun. And in fairness sa mga kaibigan nito. They all looked so attractive. "Lorenzo Sebastiano's only daughter, right." pangungumpira ni Chad na kakaiba ang kislap ng mata habang nakatunghay sa dalagita. Dumako ang curious na mata ng tatlo lalaking naroon kay Gail.  "You mean the great Lorenzo Sebastiano?" manghang tanong ni Brye and looked at her in amazement.  Pinamulahan ng mukha ang dalagitang si Gail. Kahit kailan ay hindi siya nasanay sa ganoong atensyon samantalang sa tuwina'y nakakatanggap siya ng ganoong reaction whenever someone finds out who her father is.  "We really adore your father, Gail." "He's one of the best businessman in the country." dugtong ni Matt. "Come on you guys, stop it." awat ni Aaron na siyang nakapansin sa pamumula ng dalagita. "Don't make her uncomfortable." Gail gaved Aaron a smile. He smiled back and winked at her. Nahawi niya ang buhok at nagbaba ng mukha. She became nervous and happy. She felt like a swarm of butterflies has just hatched in her stomache and they're trying to escape.    "Oh, si Angela kana ba? Wow tignan mo nga naman parang nilalaro lang kita dati."hindi makapaniwalang bulalas ni Matt na dumako sa bunsong kapatid ni Aaron. "Naks, anong laro naman ang ginagawa mo sa kanya bro. Sa pagkakaalam ko iisang laro lang alam mo." Biro ni Stephen na biglang nanahimik nang sikuhin ito ng katabing si Brye at inguso ang biglang pagdilim ng mukha ni Aaron. "Its nice to meet you ladies." Yumukod si Brye at akmang aabutin ang kamay ni Angela upang halikan nang tabigin ni Aaron. "Not my sister, bro."  may himig ng warning ang tinig ng binata.  Pero lalong nagdilim ang mukha ni Aaron sa sunod na ginawa ng kaibigan. Si Gail ay labis na pinamulahan nang halikan ni Brye ang likod ng palad niya. "It's nice to meet you young lady. How I wish you weren't that young." Anitong hindi parin binibitawan ang kamay. Dahil sa pagkabigla'y hindi niya nagawang bawiin ang kamay. Kaya naman si Aaron ang kusang humila nun para sa kanya. "Come on guys, not these two. They were just fourteen for gods sake." Nagkatawanan naman ang apat. "Ganyan ka pala ka-overprotective pagdating sa kapatid mo bro. Ang sweet." Tukso ng mga ito. Samantala, parang pinanigasan ng katawan si Gail. Nakahawak kasi si Aaron sa magkabilang balikat mula sa likod niya. Gosh, she was just wearing sleeveless kaya naman nararamdaman niya ang init na nagmumula sa palad nito. Grabe ang pigil ni Gail na huwag humarap rito at yakapin ang binata. "Pero hindi mo naman kapatid si Gail, hindi ba. Bat ganyan ka ka-possesive sa kanya?" nakangising tanong ni Stephen. Nagpalitan naman ng makahulugang tingin ang tatlo.  Hinintay ang magiging tugon ni Aaron na sandaling natigilan. "I told you she's like a sister to me." Sagot ni Aaron na halos mag-isang linya na ang kilay.  Muling nagkatinginan ang magbabarkada. Kumislap ang mata ng mga ito. "Eh kung sabihin kong parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Pwede ko rin ba siyang hawakan na tulad nito." At dahil wala sa sarili si Gail ay nawalan siya ng panimbang nang kunin ni Stephen ang kamay niya at hilain palapit rito. At dahil matangkad ang binata ay napasubsob siya sa malapad nitong dibdib. Si Aaron ay dagling naningkit ang mata.  Anger flashed like lighting in his eyes. Ipinulupot ang kamay sa bewang ni Gail at hinila ito palayo sa kaibigan. Biglang tumahip ang dibdib ni Gail sa ginawang iyon ng binata.' Oh my gosh. Oh my gosh. Oh my gosh. ' Sa loob-loob niya ng hindi agad tinanggal ni Aaron ang kamay. "Back off bro." Galit na sabi ni Aaron. "Do you want Lorenzo Sebastiano to kill you." Sabay-sabay na humalakhak ang apat na lalaki. "Were just kidding Aaron. Nakakatawa ang itsura mo. Para kang inagawan ng girlfriend eh." Humagalpak ng tawa si Matt na nakahawak pa ang kamay sa tiyan. 'No.' Sigaw ng utak niya nang unti-unting lumuwang ang pagkakahawak ni Aaron sa bewang niya. Hanggang sa tuluyan na itong lumayo sa kanya at iiling-iling na naupo sa naroong silya. "Mga siraulo." Anito pero hindi na madilim ang mukha at sa halip ay napapangiti nalang. "Kantihin niyo na lahat huwag lang ang dalawang batang yan." "We got you there bro. Sana nakita mo ang itsura mo." Nagsisunudan ang mga kaibigan nito. "Gail okay ka lang?" worried na tanong ni Angela sa pananahimik niya. Tumango siya, Aaron called them bata. Well, compare naman kasi talaga sa edad ng mga ito ay mas bata pa sila ni Angela. Pero bakit naninikip ang dibdib niya. "Hindi natin siya makukuhanan ng picture," lalo siyang nalungkot.  "Ano kaba wag ka ngang agad-agad susuko. Halika akong bahala." At hinila siyang muli sa kinaroroonan ng kapatid. "Kuya Aaron can we take pictures of you and your friends?" malambing na tanong ng dalagita.  Halatang nagulat si Aaron. Bumaling ang nagtatanong na mata sa kanya. Napalunok si Gail sabay ng pamumula ng pisngi. 'Gosh makisama ka naman wag kang mag-blush sa harap niya please. ' "Para saan?" kunot noong tanong ni Aaron na bumalik ang mata sa kapatid.  "Project namin," patay malisyang sagot ni Angela. Laong lumalim ang gatla sa noo ng binata at inabot ang isang baso ng juice sa mesa. " What kind of project is that." "Sige na kasi kuya, ikaw rin baka bumagsak kami ni Gail kapag hindi namin ito natapos on time. Gagawa kasi kami ng autobiography para sa mga taong naging successful." Ipinagpasalamat ni Gail na mabilis gumana ang utak ng kaibigan. Dahil ang kanyay walang silbi sa oras na yun. "Kung ganun hindi ba dapat si daddy ang ilagay mo. Mas successful siya or si Tito Lorenzo kaya." baling sa kanya ni Aaron." Your father is a brilliant businessman. Compare to us who just barely starting with our business. " Lihim siyang napangiwi. Mukhang hindi na sila lulusot. "Eh ikaw nalang kuya. Busy si daddy, at si tito Lorenzo. Atleast kapag may question ako mas madali kitang matatanong. " Pumapalakpak sa kaloob-looban si Gail dahil sa perseverance na ipinamamalas ni Angela ngayon. Walang nagawa si Aaron kundi pagbigyan ang bunsong kapatid. "Okay pero sandali lang. May pag-uusapan pa kami tungkol sa trabaho mamaya." "Yehey thank you kuya. " tuwang-tuwang bulalas ni Angela. Pati si Gail ay hindi napigilang sumilay ang isang maluwang na ngiti sa labi. Bago umuwi kinahapunan ay dumaan muna sa printing shop si Gail at ipina-print ang mga litratong nakunan. Ipinagpasalat niyang hindi tinignan ni Aaron o kung sino man sa mga kaibigan nito ang mga larawan, kung hindi'y nalaman sana ng mga ito ang pinaggagagawa ng kaibigan. Itong si Angela naman kasi'y puro ang kuya lang nito ang kinuhanan. Naalala niyang may pakunwaring 'Kuya Matt smile naman diyan solo mo eto.' Pero wala naman siyang nakitang solong litrato ng binata.. Pero laking pasasalamat parin niya para kay Angela at sa mapagkakatiwalaang mga ideas nito. "Thanks frenitch" bulong niya sa hangin. Pagkatapos ay dali-dali siyang umuwi sa bahay at agad dumiretso sa kwarto. Agad siyang nagpaka-busy pagkatapos.  Nang sumunod na mga araw ay laging nasa bahay ng mga Martinez ang dalagita. Niloloko na nga siya ng ibang kapatid ni Angela dahil tuwing pupuntahan niya ang kaibigan ay lagi niyang dala ang dlsr niya. Sinabihan pa siyang photography nalang ang kunin niya na ipinagkibit-balikat niya. Dahil ang totoo ay lihim niyang kinukunan ng larawan si Aaron. Napangiti siya ng maalala ang insidente sa likod-bahay ng mga Martinez. "Okay!, Done!" Ipinunas niya sa suot na shorts ang glue na naiwan sa kamay.  Hanggang tenga ang ngiting tinunghayan ni Gail ang kanyang sariling obra. Ang parteng iyon ng maluwang niyang walk in closet ay ginawa niyang malaking album. At syempre ang bida doon ay walang iba kundi ang kanyang nag-iisang si Aaron. May malaki at maliit na picture ng binata na pinaghalo-halo mula sa mga litratong ipinuslit niya sa bahay ng mga Martinez, hanggang sa mga litratong kinunan ni Angela at syempre mga litratong siya mismo ang kumuha. 'Hay ang sarap sigurong mayakap niya. Yung totoong yakap. ' Kinikilig siya mag-isa habang pinagmamasdan ang bahaging iyon ng silid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD