Chapter 1

1593 Words
  Annica's POV For the nth time tumingin ulit ako sa relo ko. 6:40am palang packing tape! 6:30 ako dumating, 10 minutes palang akong nag hihintay pero feeling ko 1 hour na! Well ganun talaga ang pusong umiibig.   Anyway 5 minutes na lang at darating na sa wakas ang pinakahihintay kong—   "DAY AFTER TOMORROW AHHH!" napatakip talaga ako ng tenga sa narinig ko. Parang nakakita lang ng ipis si Ate kung makasigaw.   Muli akong tumingin sa gate, mas lalong dumami ang tao kesa kanina. Buti na lang napagdesisyunan kong dito na lang sa room at wag ng makipagsisiksikan dun. Nasa 3rd floor naman kami kaya kitang kita ko parin sila.   Tumingin ulit ako sa relo ko, 6:45am at saktong pumasok sa gate si—   "AHHH ZEKE!" "ZEKE PA HUG!" "PA-KISS!" "PA-CHENESS BEBEZEKE!" Ezekiel Williams, ang half American half Filipinong drummer ng sikat na sikat na day after tomorrow. Ang official band ng school naming Silva west Institute. Ayon sa Silva Student Body Poll si Zeke ang nangunguna sa kagwapuhan at sa dami ng fans. A man of a few words, ni hindi ko pa nga nakikitang ngumiti man lang o mag salita. Pero di na ako magtataka. Gwapo naman talaga si Zeke eh.   "MICAH AKO NAMAN GIRLFRIEND MO PLESSS" "NO! MICAH AKO NA LANG!" "MICAH  ISANG KISS LANG!" Micah or Micael Ramirez, ang pumangatlo naman sa survey, pinaka easy-to-get sa totoo lang. Hindi ko na mabilang kung gaano karami ng babae ang dumaan dyan. Once a week lang akong bumisita sa cafeteria pero mind you! Iba iba ang nakikita kong babae nya. Micah is pure Filipino. Walang halo ang dugo, meaning maganda ang genes at combination ng parents nya, swerteng bata sana all. Sya naman ang Guitarist ng Day after tomorrow.   "ADRIAN! ADRIAN! ADRIAN!" "AHH ADRIAN BA'T ANG GWAPO MO!!" Napatayo ako sa kinauupuan ko, naninikip ang dibdib ko at di ko na maitsura ang mukha ko sa saya. Obvious naman siguro, kung sa isang kpop group may isang member kang gustong-gusto, pinagpapantasyahan at hinahanap sa lahat ng music video nila o yung tinawag nilang bias. Well ako rin meron   And that is Adrian Jung. Ang bassist ng Day after tomorrow, sya din ang vocalist nila, although lahat sila kumakanta pero madalas sya. Sya ang pangalawa sa Poll pero unang-una naman sa puso ko gorl. Friendly sya, at marami na ring nalink sa kanya pero wala pa ni-isang naging girlfriend nya talaga, which is good for me! Malay natin ako mauna.   4 years ko na rin syang gusto.  kakatransfer ko lang nun at mula noon lagi ko na syang sinusundan ng tingin. Isa rin ako sa invisible member ng club nila. Member pero di active. Proud to be #SaMakalawaForever   Nawala ang atensyon ko kay Adrian Baby ng biglang humina ang sigawan. At hindi nga ako nagkamali. Si Andrea, ang keyboardist ng Day after tomorrow at nag iisang babae. Di naman ako galit sa kanya, well ewan ko sa ibang fans ng Day after tomorrow.   Medyo ilang ako sa kanya at syempre nahuhurt. Sino ba namang hindi kung nakakasama nya yung crush mo. Or sige aminin ko nalang din na bitter ako.   Anyway, ang dami kong alam sa kanila noh? Tulad nga ng sinabi ko "ganoon talaga ang pusong umiibig".   "HOY!!—"   "Ay plaka!" sigaw ko na agad sinuklian ng sama ng tingin ni Faye "Sabi ko sayo eh, mukha kang palaka" asar ni Dayle   "Aba't---"   "Tatanggi pa yan" singit na naman ni Dayle kaya nasiko na talaga ni Faye.   Si Faye at si Dayle ang tinaguring bestfriends ko kuno. Mga dakilang extra sa storyaheng ito, wag na nating lagyan ng apelyido at di naman ganoon kahalaga. Kahit naman pangit ang dalawang babaeng yan eh mahal ko pa rin.   "Ano bang kelangan nyo!" pagalit kong sabi, agad naman silang napatingin sakin.   "Aba! Galit-galitan si ateng!Upuan mo yan?Upuan mo?Kay Dayle yan! Umalis ka nga dyan!" sabay hatak patayo sakin ni faye. Ang kapal talaga ng mukha, umakto akong babatukan ko sya na agad naman syang ng cross sign.   "Shupi masamang ispirito!" sabi nya pa   "Mag si tigil nga kayong dalawa dyan! Bumalik na kayo sa upuan nyo!" Sabat ni Dayle, ang pinaka tahimik samin. Pinalayas nya si Faye at nilagay na nya ang bag nya sa upuan nya bago nya kami hinarap.   "At ikaw naman Annica Suzy Rivera, kaysa araw-araw kang mang-agaw ng upuan at pagmasdan ang pagdating ng walang kwentang banda na yun—"   "At umasang mapapansin ni Adrian" pasimple ni faye na agad kong binatukan.   "Bakit di mo try sumali sa banda nila? Naghahanap sila ng isa pang guitarist diba? Marunong ka namang mag gitara, o hindi kaya sample-an mo ng flight of the bumblebee sa piano para ikaw na ang pumalit kay Andrea" suggest ni dayle na inirapan ko.   "Or much better, sample-an mo mismo si Andrea ng piano, ihampas mo sa piano para siguradong ikaw na ang palit! " sabay hagalpak nya ng tawa. inirapan ko rin si Faye.   "Ayoko!" simpleng sagot ko at dumiretso na sa upuan ko, sa 5th row tabi ng bintana, nandyan na rin kasi si Mrs. Vergas. Sumunod din si faye sakin.   Ni minsan talaga di pumasok sa utak kong sumali sa banda nila. Kailangan kong mag-aral ng bonggang bongga. Distraction na nga si Adrian sasali pa ako? Edi napariwara ako? Wag ganun. Di naman sa sinisisi ko si Adrian pero parang ganoon na nga.   "AHH SI ZEKE! SI ADRIAN!" napahinto ang lahat sa room namin, pati kami ni faye napahinto sa paglalakad, pareho kaming napalingon sa unahan. Pero lahat kami natahimik at napahinto sa ere ang ginagawa ng pumasok si Mrs. Vergas kasunod si ADRIAN AT ZEKE   SHEET of paper   Lahat kami kahit lalaki, tulalang sinundan ang tatlo ng tingin. Ibinaba ni Mrs. Vergas ang mga gamit nya sa table samantalang sina Adrian at Zeke naman ay tumayo sa unahan.   "Oh? Ba't kayo tulala? Go back to your seats!" utos ni Ma'am Vergas at agad naman kaming nagtakbuhan. Muntikan pa kaming madapa.   Pagkaupong-pagkaupo ko ay pinisil pisil ko kaagad ang braso ni Faye.   "Faye anong ibig sabihin nito?Ito na ba? Ito na ba? Ito na ba ang reward ng pagiging mabuti kong mag-aaral?anak?kaibigan?kapatid—"   "Kalma te! Baka atakihin ka sa puso, mawalan ka pa ng pag-asa!" tinikom ko ang bibig ko at tumingin sa unahan   SHEET of paper! Ang gwapo nya talagaaa! Naramdaman kong ang paulit-ulit na pag galaw ng binti ko. Mannerism ko pag excited ng bonggang bongga!   NO ANNICA! Deep breathes! Wag kang umasa, ang mga umaasa, nasasaktan, nadi-disappoint. Kalma girl. Kalma--- di ko kaya bhie, di ko keri! Eto na ata ang pagkakataon ko! Magiging classmate ko na ata sya! Though 1 month na mula ng nagsimula ang klase bakit may pag lipat pa sila.Pero wala akong PAKE, ako pa choosy?   Eto na friend! Eto na ang pinakahihintay ko mula grade 9, ngayong grade 12 lang natupad, save the best for the last nga naman telege.   "Faye, di ko kaya! Kelangan kong sumigaw!" bulong ko kay faye. Agad naman syang napalingon sakin.   Deep breathes. Deep Breathes   "ha?An—" hindi ko na sya pinatapos, mabilis akong tumayo, nakita ko pa ang panlalaki ang mata nya   "Shit Annica—"   "AAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!" sigaw ko habang nakahawak sa pisngi ko na parang nakakita ng multo. Napalingon lahat sakin, pati si Adrian.   Si Adrian!!! SHITTT OF PAPER!   "AAAAAHHHHHH" Sigaw ko ulit pagkatapos tumigil ako. Nakatingin lahat sakin. Gulat na gulat. Si Faye nag ub-ob na lang.   Natahimik silang lahat   "Ah, ha-ha-ha. So—sorry po, ano, may quiz po pala kami mamaya, nashock lang! ha-ha-ha" palusot ko sabay upo sa upuan ko.   Nakatingin lang sakin si Ma'am at kumunot ang noo. Yung ibang kaklase ko parang natatawa na nailing na lang.   Sorry not sorry guys. I needed to appease my heart or baka ma mental breakdown ako ditto.   "Okay? Anyway, as you can see magiging classmate nyo na sina Zeke at Adrian,para raw mag pantay ang number ng students per room sa Year 12. At silang dalawa ang nag volunteer." PRAISE THE LORD!Salamat s pag vovolunteer. Pinasaya nyo ang nalalabing highschool life ko.   Teka! Teka! Teka! Saan sila uupo? Inikot ko ang paningin ko May available chairs sa unahan ko, at sa 4th row, tapat lang naming ni Faye.   "Hoy faye lumipat ka dun!" sabay nguso ko sa bakanteng upuan. Umirap sya at kinuha ang bag bago pasimpleng lumipat. Nakuha nya agad ang gusto kong mangyari   Friendship goals! I love you faye.   "Alright para sa sitting arrangement. Zeke, lumipat ka dun sa unahan ni Ms. Rivera" Yes! Pinikit ko ang mata ko at nag dasal. Sa tabi ko sana si Adrian!   "Sino pong Rivera?" tanong ni Zeke, at talaga namang narinig ko ang mura ng ibang classmate ko. Sa gwapo naman kasi ng boses ni Zeke eh.   "Yung walang hiyang sumigaw kanina" poker face na sinabi ni Ma'am   "ARAY!" react ko naman, pero close kami ni Ma'am. Bah! Sa talino kong to di nya ako ikoclose. Well close naman lahat ng star section sa kanya.   Umupo na si Zeke sa upuan nya.   "At ikaw Adrian, dito ko sa pwesto ni Neil, neil dun ka sa tabi ni Rivera." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Rinig na rinig ko rin ang malakas na tawa ni Faye.   WALANG HIYA TALAGAAA. NOTE: Please like my author page on facebo0k for more updates, tips, facts and to connect with me. Please search "Donya Ecrivaine". Also if you're interested please visit my other stories as well; Seatmate, Meeting Supladong Heartthrob, The Billionaires Blind Date, The Queen,. Hey Back-off She's Mine. Keep safe and Happy Reading! xoxo, Don
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD