Chapter 2

1424 Words
Annica's POV 6:00am palang. Maagang-maaga pa pero nasa school na ako. Bakit? Kailangan pa bang imemorize iyan? Inspired ako. May kaklase akong mga pogi at crush ko pa! Ako na talaga ang bida. Walang lugar ang late comers' para sa pusong umiibig. Pumunta na ako sa classroom. Maliban sa akin, si Neil at naomi palang yung nasa classroom. Mga tropa din natin yan. Hello fellow classmates na madaming time at maaga gumising.   "Goodmorning!" Bati ko kay neil na seatmate ko na ngayon. Tumango lang sya sakin at patuloy na nag basa ng libro. Sorry sa istorbo kaibigan.   Tahimik nalang akong naupo at nag hintay ng tamang oras. Mukha naman kasing ayaw akong kausapin nitong si Neil. Siguro bukas mag 6:30 nalang ulit ako. Para akong mababaliw sa sobrang katahimikan eh. Ng nag check ako ng time at nakitang 6:40 na, tumayo ako at dumayo na naman sa upuan ni Dayle. Malapit sa bintana ang upuan ko kasi nasa banda ko kasi nakaharang yung puno kaya puro dahon at minsan salagubang ang view ko.   Mayamaya ay dumating na nga ang mga gwapong nilalang na binayayaan ng lahat. Sabay-sabay silang pumasok. Nag tatawanan sila na para bang may joke na pinag uusapan. Grabe, pare-pareho lang naman kami ng Grade pero bakit parang ibang level sila. It's like there's some kind of wall between the 4 of them at sa aming mga normal na students lang. Sorry normal lang kami ha.   Pero saludo din ako sa kanila at sabay-sabay talaga silang napasok at eksaktong oras. Ano yon may hintayang nagaganap? Pasali naman dyan mga labs. Patuloy ang sunod ko ng tingin sa kanila habang nakapangalumbaba, nangangarap na kapiling sila char.   Bakit kaya ang gwapo ni Adrian? Gusto ko sanang makausap ang magulang nya may ilan lang akong katanungan. May tao talagang lahat bagay sa kanya. Pati hairstyle nya ang ganda, pero mas bet ko ang hairstyle ni Zeke. Ang tanong ako ba bet ng hair nya? Syempre hindi. Basta bet ako ni Adrian okay na. Patuloy lang ang pag sunod ko ng tingin sa kanya dahil iyon lang naman ang kaya ko. Napansin ko na may parang hinahanap sya dahil palinga-linga sya sa kung saan-saang side. Kung saan-saan pa kasi tumitingin eh nandito lang naman ako.   I was busy admiring his facial features with my dreamy and in love look ng bigla syang tumingin sa akin. Kahit anong side talaga ang gwapo nya, lalo ngayong nakatingin sya sakin. Wala sa sarili kong nag finger heart ng marealize ko kung anong tumakbo sa isip ko.   Sinabi ko bang ang gwapo nya lalo pag nakatingin sa akin? NAKATINGIN SA AKIN?   Mariin kong pinikit ang mata ko at dinilat ulit nakita ko pa syang natawa bago bumalik ang tingin sa akin. Nag salute sya at finger heart din bago umalis.   Sa hiya at kilig ko umubob nalang ako sa lamesa ni Dayle. Buong araw akong lutang dahil sa nangyari. Hindi ko na nga naisip na kaklase ko si Adrian dahil masyado akong busy mag pantasya.Nakakahiya man na nahuli nya akong pinagpapantasyahan sya at may pa finger heart pa, wala akong pake! Paniguradong ngayon alam na nun na crush ko pero wala pa rin akong pake. Maganda ng alam nya pero sana naman next time yung cool side yung makita nya sa akin. Ang last subject namin ay computer kaya kailangan naming pumunta ng computer Lab. Kahit nag lalakad at patuloy pa rin ang pag papantasya ko hanggang makarating sa com lab. Kahit sa gitna ng lecture.   Sinasabi ko na nga bang distraction talaga itong si Adrian eh. Salute at finger heart nga lang ginawa nya buong araw na akong lutang eh paano pa kaya kung nag tapat sya ng lihim na pag ibig sakin?   "Miss Rivera!" napabangon ako ng biglang may humampas sa table ko " Natutulog ka ba sa klase ko?" Sigaw ng Computer teacher naming.   Shit nakatulog pala ako? Kasalanan mo ito Adrian!   "Hindi po sir! Pinikit ko lang yung mata ko kasi nasakit sa radiation" palusot ko.   "Sigurado ka?"   "Ako ba pa sir?" loko ko sa teacher. Grabe ka naman sir! Alam mo namang wala akong palya sa 90 kong grade sayo every term.   " Okay, but you clean the lab after class" at nag hahanap lang pala sya ng taga linis.   After class dinamay ko si Faye at Dayle para hintayin ako mag linis dahil true friend sila, inalok ko silang mag linis din pero ayaw nila. Naka music ang phone ni faye dahil pare-pareho kaming takot sa lab room na ito. Masaya akong naglilinis habang masaya akong nag kukwento ng tungkol sa nangyari kanina . Ang pinnacle of highschool life ko.   "Feeling ko nga kahit pag linisin ako ng buong school ayos lang eh! Ganoon ako ka good mood mga mars!" Masaya akong sabi habang nag lalampaso.   "Girl ikaw pala yung mystery girl daw na nag pangiti sa Adrian na iyon?" tanong ni faye sa akin.   "Anong mystery girl?"   "Syempre maraming nakakita ng ginawa ni Adrian, hindi lang ikaw. So lahat sila nag tingin sa bintanang tinitignan ni Adrian pero wala namang tao" paliwanag ni Faye.   "Ah, nilagutan kasi ako ng hininga ng mga 10 secs kaya nawala ako sa bintana"   "Buti nalang dahil lagot ka sa fans club nun"   "Bakit naman, hindi ba sila masaya na co-member nila ang nag pasaya kay Adrian?" Mga toxic tong fans club na to ah! Support lang tayo kung saan masaya ang Baby Adrian natin. Kung sa akin sya liligaya eh buti nalang.   " At the end of the day Ann, you all like the same guy, and you all want him to be your guy, so it's basically competition " She's right at ako ang nangunguna sa karera!   Natahimik si Faye dahil mukhang nag iisip din, si Dayle naman tahimik sadya, kahit ata makakita yan ng multo tahimik pa din. Nagulat nalang ako ng biglang lumakas ang volume ng music ni Faye at biglang tumugtog ang isang sikat na kpop song.   At dahil kpop supremacy is life at paborito ko ang kanta, mas lalo ko tuloy na feel ang pag lilinis. It concert and cleaning time! " Ah yeah Ah yeah!" kanta ko. Hindi lang lyrics and alam ko, pati ang dance steps at English translation.   Hindi ako makanda ugaga kung sasayaw ba ako, kakanta o mag lilinis kaya sabay sabay ko nalang ginawa lahat. Because frankly you can't listen to this song and sit still. You've got to hit it with the ddu-du-ddu-du. Samantalang si Faye naman at hindi na maka hinga sa kakatawa at si Dayle ay nangingiti lang.   I'm glad you're happy my friends. Halos himatayin ako dahil over the top performance ang ginagawa ko. I think I deserve grammys for this.   "Blackpink!" Sigaw ko bago huminga ng malalim "Jigeum naega geoleoganeun geolin BLACKPINK 4 way sageori, Dongseonambuk sabangeulo run it Need a bucket list ssak da I bought it—" napatigil ako sa pagkanta ng may bigla akong narinig na halaklak.   Mas gusto ko sanang isipin na multo iyon pero kilalang kilala ko ang tawa na iyon.   " I didn't know you were such a passionate performer" bakas pa din ang tawa sa sinabi ni Adrian. At patuloy syang tumatawa, siguro naalala nya yung pinag gagagawa ko.   I'm proud of my performance pero sana hindi nya nalang nakita. Kahit si Zeke na may bakas ng ngiti. Ngiti lang! Kulang pa din ba Zeke? Saan ako nag kulang?   "Kanina pa kayo dyan?" awkward kong tanong. Si Faye naka talikod sa amin para siguro hindi matawa.   "Ngayon lang naman" Sagot ni Adrian. Buti nalang—" Mula nung sumigaw ka ng Ah yeah Ah yeah ata?"   Awit, Intro pa nga. Paano natin lulusutan ito Annica? Mag panggap kang walang narinig.Walang nangyari.   "Ah may kukunin ba kayo? Patapos na kasi ako mag linis, baka I lock ko na to"   "Ah akala ko patapos na performance mo" natatawa pa din si Adrian. Masaya ako na masaya ka Adrian.   Lumapit sya sa pwesto nya kanina, at kinuha yung libro nyang naiwan ata.   "Ikaw din yung nasa bintana kanina diba?" bigla nyang tanong. Shit, naalala nya. Tapos sumayaw pa ako ngayon. Lahat nalang ba ng kahihiyan kailangan sya ang makakita? "Ako nga ata" sagot ko.   "Man, you're so energetic and lively. Annica right?" napatango ako. Kilala ako ni Adrian Baby. Shit, eto na ata ang simula ng love life ko. Thank Lord!   Tinapik nya ako sa braso bago sila umalis. Pinag masdan ko syang lumabas ng pinto at hinawakan ang balikat kong tinapik nya. Thank you Lord! Bawi ako sayo. "Hindi ko na lalabahan ang uniform na to" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD