Naging maayos ang takbo ng isang linggo ng dalaga simula nang maluklok ito sa pagiging bise chairman ng kumpanya. Medyo naging mas busy nga lang siya kaysa noong una. Prino-proxy niya kasi ang kanyang lolo kapag hindi nito magawang makadalo dahil conflict sa schedule.
Nagkaroon na rin siya ng sarili niyang sekretarya, isang medyo mas batang dalaga rin na malapit lamang sa edad niya. Siya na mismo ang pumili rito ayon sa kanyang taste and standard and sempre basic qualification standard ng kumpanya.
Since nasa early twenty’s naman siya, iniwasan niyang kumuha ng mas mataas ang edad sa kanya baka hindi siya makapagutos rito ng komportable. Lumaki kasi siyang mataas ang respeto sa mga nakatatanda. Baka mailing lamang siya kapag mas matanda ang maging sekretarya niya.
Sabado na ngayon at kasalukuyang nagpapahinga sa kanilang katamtamang laking bahay si Dreanara. Umalis ang kanyang mommy upang makipag-meet up sa mga long time friends niya kung kaya wala siyang matinong makausap sa bahay.
Dahil sa pagkabagot ay piniling buklatin muli ng dalaga ang makapal na bookbind ng mga mahahalagang impormasiyon at mga taong malalapit na kakilala ng tunay na Dreanara. Muli niya itong binasa upang isaulo.
Ngayong mas tumaas ang posisyon, hindi magiging impossible na baka one way or another ay makasalamuha niya ang ilan sa mga hindi pa niya nakakasalamuhang individual na nasa nasabing bookbind.
May mga iilang mga local na celebrities ang naka-include sa listahan. Nakasulat rin ang ilang mga importanteng bagay patungkol sa taong nabanggit at ipinakita sa litrato.
Nang balaktarin niya ang isang page ay halos makalimutan niyang huminga.
“Oh gosh! Why did I forget about this man?” hindi mapigilang usal nito ng malapat ang mata sa isang litrato ng isang sikat at poging-poging binata.
May maitim na buhok, katamtamang kayumangging kulay ng balat, gwapo at matcho ang pangangatawan. Halatang alagang gym ito sa bumabakat na chiseled abs nito sa kabila ng puting polo shirt na suot nito.
‘Austin Lim, 25 years old, suitor of Dreanara for almost two years now. A positive type of a person, loves singing and playing guitars. He was been scouted to Holywood by an American producers at age 23 for a debut and is continuesly making musics since then.’
Ito ang nakasulat na description sa ibaba ng litrato ng gwapong lalaki.
‘Siyempre ang isang kasingganda at kasingyaman ni Dreanara Iris Vragus ay magkakaroon ng love life rin sa buhay,” tahimik niyang pukaw sa kanyang isipan.
‘Wait— what? Suitor for almost two years? So ibig sabihin ba noon ay kailangan ko rin siyang i-entertain kapag maisipan niyang lumitaw na lamang bigla rito sa siyudad. By the looks of it kasi ay parang nasa Amerika pa itong si Austin sapagkat wala namang nagpaparamdam since bumalik ako sa normal na buhay ng tunay na Dreanara bago ang aksidente,’ tahimik na pagtatagpi-tagpi niya ng kanyang kaisipan patungkol sa nasabing bagay.
Wala kasing maituturing na best friend ang tunay na Dreanara kahit sa dami ng mga kaibigan niya sa industriya. As being the only legitimate granddaughter of the Vragus Family, she could not afford to fall into a pithole. Hindi siya dapat basta-basta na lamang nagpapakuha ng loob ng ibang tao.
With her vast and massive wealth, it is only natural and highly tempting for other people na makipagkaibigan lamang sa kanya dahil sa pera. At para makaiwas sa ganitong sitwasiyon – ang magamit, Dreanara had learned to always put a distance between all her friends para hindi siya maabuso.
Habang malalim ang iniisip ay tumunog ang kanyang cellphone. Napabalik siya sa ulirat at tinignan ang notification sa cp niya.
Hindi niya alam pero may isang bagong number ang nag-text sa kanyang cellphone. Hindi ito galing kay Mrs. Vragus, or kay Lucas or sino man na nandito sa bahay. Isa itong unknown number.
Kahit na medyo nag-aalinlangan ay binuksan pa rin niya nag message na ito. Mas mabuti pang mabasa niya ang nais ipaalam ng sender bago ito pagpasiyahang i-ignore o balewalin.
Ngunit hindi niya lubos in-expect ang susunod na mare-realize…
‘What’s up, baby? Just got back in the Philippines. Can you not at least treat me for a lunch. Btw, it is Austin L. Can’t wait to see you.’ Ito ang maikling linalaman ng mensahe.
Literal na napamura sa kanyang isipan ang dalaga.
‘Holy crap! I was just thinking about this man a moment ago, then now bigla-bigla itong magpaparadam sa’kin out of nowhere? Ugh! What a big twist of fate nga naman?!’
Ramdam ng dalaga ag bahgyang pagiging tense sapagkat tila ba wala siyang kawala sa lalaki. Kung naging manliligaw ito ng tunay na Dreanara ng halos dalawang taon at hindi pa rin pinpahinto kahit na sabihing hindi rin ito sinasagot, nangangahulugan lamang na kahit papaano ay mayroon itong puwang sa puso ng dalaga.
Kapag naman ang babae ay walang kaintere-interesado sa isang lalaking umaakyat ng ligaw ay kaagad niya itong pinapatigil kaagad para hindi masayang ang oras. Hinahayaan naman itong magpatuloy sa panliligaw kung may at least may kunting pagtingin o di kaya’y may nakikitang potential na magka-developan silang dalawa ng lalaki kapag napatunayan nito ang sarili sa kanya.
This undisputed fact just put a heavy burden unto Hariet’s, now Dreanara, shoulder. Ramdam niya ang need na bigyan ng atensiyon at kunting time ang lalaking batid niyang mahalaga sa puso at damdamin ng yumaong dalaga. It’s the bare minimum decency she could offer in exchange of living her life.
Nang mga mismong oras rin iyon ay tumunog muli nag kanyang cellphone. Ngayon hindi na dahil sa isag text, kundi galing na isang tawag mula sa parehong numero ring iyon.
‘Gosh! Why so soon? Hindi ko pa masiyadng napaghandaan ang mga sasabihin ko at mga magiging trato ko sa kanya,’ nag-aalangang iniisip ng dalaga.
Bumuntong hininga siya upang lipunin ang kanyang lakas ng loob na harapin ang lalaki sa kabilang linya. Batid niyang isa ito sa pinakamahirap na gawaing kinakailangan niyang panindigan bilang si Dreanara.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isang NBSB ang dalaga sa dati nitong buhay bilang si Hariet. Ang pinakanaging ka-close to intimate contact niya lamang ay ang dating asawa.
Pinindot niya ang kulay green na button sa screen at tsaka itinapal ang nasabing cellphone sa tenga nito.
“Hello Drea! Long time no talk,” malakas na pambungad ng boses lalaki sa kabilang linya. Mahihinuha sa pananalita nito ang medyo westernized accent sa kanyang dila. Ito marahil ay epekto ng matagal nitong pag-i-stay sa Holywood.
“Hmmm… he…hello,” medyo nauutal na sumbat ng dalaga.
‘Oh, come on Dreanara! You should not stutter or else bibigyan mo siya ng rason na maghinala. You cannot afford to have your real identity reveal,’ malakas na pagpapaaalala ng maliit na boses sa kanyang isipan.
“Are you sick or what? How come you’re talking like that?” sobrang diretsahang tanong ni Austin sa kabilang linya. Well, he could sense the small changes on the lady’s voice. Plus, hindi siya sanay na marinig na mag-stutter ang isang Dreanara Iris Vragus.
Dito naman mabilis na pumasok ang isang matinding alibi sa isipan ng dalaga.
‘Right. That’s it! I should just pretend to be a little sick para makaiwas rito.’
Kunwaring inubo si Dreanara bago sagutin ang katanungan ng binata. Ito ay para ilatag ang pundasiyon ng kasinungalinagan niya. Of course, a good lie needs a solid proof, or else it would be just an unbelievable lie dependent of the perceiver’s interpreting power.
“Yeah, I am,” sagot nito tsaka muli uling inubo ng pakunwari.
Sa kabutihang palad ay kaagad namang naniwala ang kausap nito at mabilis na pinaabot ang pakikiramay.
“Aw, I’m saddened to hear that. Actually, I’ve just book us a private lunch for today in a luxurious Michigan’s Cuisine in the city. I guess I’ll have to change plan,” mahabang ani ng binata.
‘Change plan?’ tahimik na tanong ng dalaga sa kanyang sarili. ‘Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa pagsabi ng change plan?’
At halos pagsisihan na lamang ni Dreanara ang ginawang pagsisinungaling nang marinig ang change of plan na prinopose ng binata.
“As much as I wanted to make our first meet up after for so long a bit more special, I’ll just settle with a simple home visit at your house since your sick,” anito gamit ang normal na masaya nitong tono.
‘Wait— what? Home visit?! Gosh! Hindi ko inaasahan ‘yun ah. Ugh! I’m doomed. All the staffs here know how healthy I am. I am neither sick or having a cold. Nakakainis!’ She felt so betrayed by her own scheme.
Tila ba bumalik sa kanya ng doble ang impact ang plano kanyang binuo at sinimulan. Karma at its finest, ika nga nila.
“Alright a silent treatment from my baby…” medyo nagtatampong ani ng nasa kabilang linya. At kahit na hindi literal na nakikita ang mukha, batid ng dalaga na naka-pout ito sa mga oras na ito.
Talagang tamang-tama ang description na ikinabit sa pangalan nito sa bookbind na binabasa niya. Isa nga itong positive type of a person. Isang masayahing nilalang. Mararamdam sa tono ng boses nito ang kagaanan ng loob ng nagsasalita.
“No… It’s not what I mean,” mabilis na naging pagkokorek ni Dreanara sa maling interpretasiyon ng lalaki. Parang nakak-guilty naman kasi sa kanyang part ang basta na lamang niyang hayaang bahagyang mahaluan ng lungkot ang masayahing tono ng kausap.
“Oh?! Of course, I know you wouldn’t just ignore me again after snine months long no communication at all. I thought you had already totally forgotten about me. I tried to reach your number, but I can’t contact it. I just learned from your secretary your new number,” mahabang pagpapaliwanag nito.
“My secretary?” halos hindi makapaniwalng pag-uulit ng dalaga.
“Shoot! My tounge slipped,” rinig ni Dreanarang ani ng lalaki sa kabilang linya. She sighs in disbelief! Hearing a young secretary comes with its own negative impacts rin pala.
“Hey, hey, hey. Don’t get mad at your secretary. I just asked her a favor of giving up you number in exchange of my personalized photograph and exclusive chance to take a selfie together with me,” pagpapaliwanag nito.
‘Oh, right. I almost forgot na isang sikat na musikero nga pala itong manliligaw niyang ito kung ito. It wouldn’t be had to believe na marami itong mga fans dito sa Bronton kabilang na roon ang aking sekretarya. Hindi ko ito masisisi sa pagkakanulo ng aking contact number,’ pakiwari niya sa loub-looban niya na kaagad niya rin namang binawi.
‘Ah kahit na! Even so she is a die-hard fan, she should have been more professional to not leak anything related to her work as personal assistance and secretary. I will make sure to give her a just and fair sanction.’
“Drea… you aren’t mad right?” muling tanong ni Austin sa kabilang linya. Halatang medyo concern ito para sa magiging lagay ng kanyang sekretarya once na pumasok sila sa trabaho sa Monday. Saturday pa naman ngayon kaya’t may time pa siyang baguhin ang isipan ng babae.
“I would lie if I said no,” diretsahang pagtatapat ni Dreanara. He should be smart and sensitive enough to figure that on his own.
“I’m sorry, babe. It’s my fault. I just missed yous o much so I couldn’t stop myself from pulling some strings to get in touch with you,” masuyong paliwanag nito.
‘Ah, he’s such a sweet man.’ Maging si Hariet ay hindi maikakaila ang ka-sweet-an ng manliligaw. Kauntin na lamang kasi ang ganitong klase ng lalaki sa mundo. And if you happen to have met one, then you are so lucky. Marahil ito ang rason kung bakit nagustuhan ito ng tunay na Dreanara.
Sa gitna ng pagninilay-nilay ng dalaga ay nakalimutan niyang magkunwari inuubo at napansin ito ng lalaki.
“Drea… I just notice you don’t cough anymore? I mean, I’ve been silently observing the intervals of your cough but it never came at all.”
‘Damn it! Oo nga naman. Ba’t ko ba kinalimutang mameke ng pagubo ko gayong diba sabi kong may sakit ako? Ugh! I forgot about it with all the deep thoughts running round my mind.’
Bumuntong hininga ang dalaga upang ipunin ang natitira niyang katapangang aminin ang pagsisinungaling niya. She just meets the dead end of her lie. It woul be wise to stop there and acknowledege it kaysa naman i-deny pa ang obvious na obvious na.
“Alright, I admit. I am faking it,” pagatatapat ng dalaga. At para hindi masaktan ang dadamin ng binata ay pinaliwanag niya ito. “I’m just so tired from work and I ought to have a rest this day,” aniya.
‘And also, I am still not ready yet to face you. I’m not the real Dreanara or Drea, just like you call it, and I definitely do not know for sure what should I do with you,’ tahimik na dagdag nito sa kanyang usap.
Hindi naman siya technically nagsinungaling sa kanyang naging paliwanag sapagkat totoong pagod siya sa trabaho. ‘Yun nga lang nakulangan siya sa pagtatapat ng pinakarason kung bakit siya nagsinungaling.
Imbes na magtampo o anuman ay mas naging malambot pa ang boses ni Austin.
“Understood, Drea. I’m sorry for not putting that into consideration. You are the vice chairman now so it’s only natural to receive tons of work and responsibilities. Take a good rest. I’ll just reschedule our supposed lunch for dinner tomorrow. Is it okay with you?” mahabang proposisiyon ng lalaki.
‘Gosh! This Austin guy is really one of a kind. I cannot really turn him down when he’s been too kind and understanding, can I?’
It’s a matter of being equally decent and respectful that Dreanara didn’t object on his plan.
“Sure thing. I will be verily happy to have it tomorrow,” sumbat nito.
Napangiti naman ang lalaki sa kabilang linya. Sobrang tagal na rin kasi talaga noong huli niyang makita at makausap ang dalaga. Since he randomly saw her in the streets before while performing in the city’s capital plaza to make a living, he cannot already take off his eyes of her. She’s like a goddess that stole his beating heart in an instant.
And from that day on, he swears to approach that young woman soon when he got enough savings to stand up in front of her. Mahilig kasing marinig ng mga street music performace ang tunay na Dreanara kung kaya naman madalas ito sa city capital plaza para makinood.
Sa istilo ng pananamit at pagtindig pa lang nito, alam na ng binata na walang-wala siyang binatbat sa klase ng pamumuhay na meron ang dalaga. Halata namang anak mayaman ito. Mapapansin rin sa mga malalaking tip na iniiwan niya ang estado ng pamumuhay niya.
That poor young man never ever thought in his wildest dream na balang araw, he could have the chance and courage to ask the lady’s name. Kung maituturing na langit ang dalaga, kapariso lamang siya ng putik sa lupa.
His life was in a literal dump when suddenly a big miracle happens. Habang nagpe-perform siya ay may napadaang isang sikat na American music producer na nagkataong nagbabakasiyon sa Bronton. Narinig niya ang kanyang boses, maging ang mismong sariling kantang kanyang na-compose, at hindi nito maiwasang mapahanga.
Pinaanyayahan siya nitong kumain sa isang mamamhaling restaurant na ang isang order ay katumbas ng halos isang linggo niyang kita sa pagkanta. Dito na niya natanggap ang pinakamahalagang offer sa tanang buhay niya.
Ito ang paanyayang mag-sign siya ng kontrata sa music studio ng producer para maging pormal na maging recording artist sa Holywood. Dahil minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon ay mabilis niya itong tinaggap.
Bago umalis ay naglakas loob siyang ipagtapat ang nararamdam sa dalaga kahit na alam niyang impossibleng magustuhan rin siya nito pabalik. Hamak na isang simple at pobreng musikero lamang siya.
Ngunit hindi niya inaasahan ang naging sagot na natanggap sa dalaga…
‘Since I am a very rational woman, I cannot accept you as you are even if I wanted to. With the kind of life I have, I am obliged to choose what’s good for the family and not necsessairly for my heart. If you came back to me successful, I might as well reconsider by then.’
Ito ang naging huling panata ng dalaga sa binata. Hindi sa pagiging selfish at maarte niya, kung hindi para sa ikabubuti ng kanyang pamilya at kanilang kumpanya ang naging dahilan ng hindi agarang pagtanggap nito ng pagmamahal ng binata. Gayun pa man, hindi nito isinara ang kanyang pintuan para sa kumatok na lalaki.
Nagtungo siya sa Amerika kasama ang producer at doon na siya nag-ensayo ng halos isang buwan. Pinakuha muna siya ng formal voice training workshop tsaka music writing workshop. At sa sumunod na buwan ay nakapag-record siya ng kauna-unahan niyang kanta na inilabas matapos ang masinsinang pag-aayos.
And from that day on, his life unexpectedly changed. He started to be known by thousands, millions, and billions of people around the world and not just in the local town of Bronton where he started his small music career as a means of living.
Kasabay rin nito ang pagkita niya ng milyon-milyones na halaga mula sa mga ticket tours at royalty shares sa mga produced CDs and digital copies ng kanyang mga kanta sa mga music streaming outlets at iba pa.
And despite all the overwhelming fame and blinding spotlights, he never had a changed of heart. Sa kanyang puso, naroon pa rin ang damdaming matagal na niyang itinatago para sa mayamang dalaga na nakikinig at tumatangkilik ng kanyang kanta noong siya isang simpleng musikero sa daan lamang.
Nagkaroon ng komunikasiyon ang dalawa via text exchange at video chats hanggang sa biglaan itong maputol ng may masamang nangyari sa dalaga. Hindi rin magawang umuwi ng Pilipinas ng binata sapagkat mayroong siyang big concert tour na naka-schedule at pinaghahandaan na.
Ngayon lamang siya nabigyan ng one month vacation. At ang pinakaunang pumasok sa kanyang isipan ay ang bumalik sa bansa, sa siyudad ng Bronton para balikan ang babaeng matagal na niyang inaasam-asam.
He knew that she was an heiress of a giant company, and he would have been terrified to eve try to win her heart kung hindi pa siya naging successful kagaya ngayon.
Ngayong may maibubuga at maipagmamalaki na siya, ramdam niya ang pagtaas ng self-confidence niya sa pag-aakyat ng ligaw.
And in tomorrow’s dinner, he would do the thing he long to do long ago when he’s just a street musician if only he can.
He will personally ask her out…
“I’ll hang up now, Austin. I gotta go back to sleep,” rinig ng binata mula sa kabilang linya na nakapagpabalik sa kanyang isipan sa realidad.
Hindi niya kasi maiwasang mapabalik sa nakaraan ngayon narinig niyang muli ang boses ng dalaga.
“Alright, baby. Sleep well,” malambing nitong saad gamit ang sweet endearment na paminsan-minsan niyang ginagamit rito, maliban sa palayaw na binigay niyang ‘Drea’. Wala naman itong naging reklamo kaya patuloy niyang ginagamit.
Nang mamatay na ang tawag ay nagsalita muli ang binata kahit alam niyang hindi na ito nakikinig.
“I love you, Drea…”