Isang buwan na ang nakalipas simula noong nagiging matagumpay na pangyayari sa Vestria. Nagsimula na ring regular na pumasok sa trabaho si Dreanara sa company. Binigyan siya kaagad ng sariling opisina ng kanyang lolo sapagkat napatunayan nitong kaya niyang mag-close ng mga business transaction kagaya ng yumaong niyang ama.
Kagaya ng inaasahan, hindi ito nagustuhan ng mag-inang Estrella at Jackson ngunit wala rin lang silang magawa. Naging madalas na rin ang pagkakaroon ng complete family dinner sa Vragus main house na mas dumagdag pa sa init ng ulo ng mag-ina.
Gayun pa man ay hindi pa rin nagpapanaig sina Mrs. Vragus at Dreanara sa mga tinatapong masasamang tingin at pagpaparinig sa kanila. Ang salita at kagustuhan pa rin naman ng chairman ang masusunod sa malaking mansiyon.
Kahit ano pang pagmamakaawa ang gawin ng ikalawang asawa ng chairman sa matanda ay hindi pa rin nito nababali ang desisyon nito. Hindi rin kasi maikakailang napapalapit at napapalalim na ang koneksiyon niya sa kanyang kaisang-isang apo na hindi lang maganda, pero magaling at marunong mag-isip ng mga plano at desisyon para sa ikabubuti ng kumpanya.
Sa bandang ito kasi nagkakaiba sina Jackson at Dreanara. Di hamak na mas effective at efficient ang dalaga pagdating sa trabaho sa kumpanya kumpara sa tiyo nito na kalimitang napapalpak o nahuhuli sa pinapagawa sa kanya. Ito ay marahil sa lumaki itong spoiled at madali na lamang nakukuha ang lahat ng gusto niya. Isang suhol lang ng kanyang ina sa chairman ay pagbibigyan niya kaagad ito.
Lubhang kabaliktaran ng naging pagpapalaki sa dalaga. Pinagtatrabahuhan niya ang kung ano mang kakarampot na allowance na natatanggap niya sa kanyang magulang kung hindi ay pagsisigawan at paparinggan siya ng masasakit na salita ng kanyang nanay-nanayan na si Myrna. Tahimik na tao ang kanyang ama at halatang under de saya ito na hindi marunong tumutol sa kagustuhan ng asawa. Gayun pa man, sa ganitong klaseng buhay na naranasan niya marami siyang natutuna kagaya ng pagtitiis, pagsisikap, determinasiyon at paggawa ng paraan.
“Congratulations, apo! You just closed a deal again with that expremely picky Australian businessman. That would be fifth of your successful business negotiations handled since you worked for the company. If we continue in this kind of pace, we might overtake the El Cuangco Corporation very soon,” masayang wika ni Chairman Vragus sa harap ng mga natipong mga board of directors na natipon sa kanyang malaking mansiyon.
Siyempre kasama na rin sa dinner ang second wife ng chairman at ang anak nito since parte sila ng Vragus Family.
Tumayo naman si Dreanara mula sa kanyang upuan at bahagyang yumuko sa lahat. Itinaas naman ng mga directors ang kanilang mga baso sa ere at gamit ang maliit na kutsara ay tinapik-tapik nila ito para patunigin. Ito ang sosyal na paraan nilang magbigay ng malaking kagalakan sa dinadalang tagumpay ng dalaga sa kanilang kumpanya.
“Thank you for making Vragus Empire great!” sabay-sabay na pagpapasalamat ng mga directos na natipon.
“That was no biggie to do. My Jackson could do it too when given a fair chance,” pagpaparinig naman ni Estrella matapos ang happy glass cheering ng mga natipon.
Tinignan naman siya ng malamig ng chairman para pahintuin ito sa sinasabi.
Hindi naman nakapagtimpi si Leonora sa inasal ng ikalawang asawa ng father-in-law niya. Halata namang diretsa itong pasaring para sa new position na nakamit ng kanyang anak na di hamak na mas mataas kaysa sa anak nito.
“He got all the time before when my daughter is New York. Isn’t it sufficient time for him to accomplished things as much as Dreanara?” hindi papatalong sagot nito na nakapagpasama pa ng tingin ni Estrella.
Bago pa tumindi ang bangayan sa hapagkainan ay mabilis na nagsalita si Chairman Vragus.
“Save your immature talks after this. We have guests in the house!” malamig at seryosong wika ng matanda.
Walang magawa ang dalawang ginang kundi ang manahimik. Hindi naman as in ka-hot tempered ni Estrella si Leonora para mawala nito kaagad ang poise sa argumentasiyon pero iba kasi talaga ang epekto kapag ang anak mo na ang pinpuntirya. Mrs. Vragus cannot just sitback when people are trying to discredit Dreanara’s achievement.
Bumalik sa normal ang atmosphere ng dinner at nagpatuloy ang lahat sa pagkain. Sinimulan na rin nilang magkwentuhan at magpahayag ng mga suhesiyon at plano para sa kumpanya.
Nang dumating ang pinaka-last course ng food – ang desserts ay tumayo ang chairman upang ibigay ang pinakamahalagang anunsiyo na matagal na niyang pinaghadaang gawin.
“Attention here everyone,” panimula niya upang himukin lahat ng atensiyon ng mga family members at members of the board of directors ng Vragus Empire na nakaupo sa pahabang lamesa ng mansiyon.
Lahat ay napatingin sa matanda at hinintay ang sasabihin nito. Lahat ay paparehong curious sa mahalagang sasabihin ng pinakaulo ng kumpanya. Hindi naman kasi ito nagsabi na may mahalagang anunsiyo pala itong ibibigay ngayong gabi, liban na lamang sa paanyaya para sa matagumpay na partnership na nailakad ng kaisa-isa nitong apo.
“Dreanara, apo… come join me here in front,” request pa nito.
Kahit medyo nagulat ay tumayo ang dalaga mula sa kinauupuan nito at naglakad papunta sa pinakadulo ng lamesa kung saan nakatayo ang kanyang lolo.
Hinawakan siya nito sa kamay tsaka nagsalita.
“Everyone... It’s been long since the position for vice-chairmanship had been unoccupied since the death of my son, Emiliano Vragus. But not anymore.”
Napasinghap ang lahat. Nababatid na nila kung saan patutungo ang mga salitang binitawan ng chairman. Ramdam ni Leonora ang pagbilis ng kanyang puso dahil sa excitement, samantalang halos mapigil na ang hininga ni Estrella sa pinapahiwatig ng asawa. Maging si Jackson ay hindi rin maiwasang mapakuyom ng mga kamao.
“With my power as the chairman and head of Vragus Empire, I hereby appoint my granddaughters, Emiliano’s daughter, Dreanara Iris Vragus as the new vice chairman of the Vragus Empire, eefective immediately.”
“Honey!” sigaw ng pangalawa nitong asawa. Dumating na ang oras na pinakakatakutan niya. Ito ay ang maungasan ng anak ng unang anak ng chairman ang kanyang pinakamamahal na Jackson Vragus. Hindi niya tiniis lahat ng mga masasakit na salitang ‘kabit’ at pumapatol sa matanda para lamang sa wala!
Hindi na lamang siya pinansin ng asawa at nagpapatuloy.
“This position is to prepare her, mold her and shape her into the best Vragus version of herself before she inherits our much-loved, and upholded Vragus Empire someday!” dagdag pa ng chairman.
“Honeyyyyy! You can’t do this to your son?!” hindi mapigilang sigaw ni Estrella sa asawa. Maging ang kalimitang tahimik na anak nito ay nakisali na rin sa reklamo ng ina.
“Dad! You can’t be serious!” mapait na asik ni Jackson bago kusang nag-walk out sa dining hall ng mansiyon.
Sa kabila ng komosiyon ay tumayo ang mga natipong directors upang ibigay ang masigabo nilang palakpakan. Pagkatapos ay isa-isa silang nakipagkamayan sa dalaga.
Pilit na pinapakalma ng chairman ang asawa ngunit hindi ito nakikinig sa kanya dahil sa bugso ng damdamin. Pinaghalu-halong sama ng loob, galit, pagkadismaya, at lungkot ang nararamdamn nito na hindi na ito maawat. Kinailangan pang dumating ng mga butler upang kuyugin ito pabalik sa kwarto nito at hindi makasira sa selebrasiyon.
“Congratulations, Miss Vragus! You knew you were as capable as your father,” ani ng isang miyembro ng board of directors.
“Thank you po, Ma’am. I’ll do my best for the company,” sumbat ng dalaga na halos maiyak na sa umaapaw na saya. Malaki ang kanyang ngiti at sobrang gaan ng kanyang pakiramdam.
‘Gosh! Ganito pala ang pakiramdam na bigyan ka ng sobrang importansiya at pagpapahalag ng ibang tao,’ hindi niya maiwasang isipin.
All her life as Hariet, she’s barely even being recognize by other people. Madalang lamang siyang makapag-interact sa iba, liban sa mga kasamahan nila sa bahay. At wala pang ni isang tao sa kanilang tahanan ang nakapagparamdam sa kanya ng ganito kainit na pagpapahalaga.
“You’re sure a gem of the Vragus Empire! Accept my sincere congratulations,” ani ng isa pang director sabay lahad ng kamay.
Agad naman itong tinanggap ng dalaga suot pa rin ang malaki niyang ngiti.
“Thank you, Sir.”
Nagpatuloy-tuloy ang matagal-tagal na pag-congrats sa dalaga hanggang sa makapagkamayan na lahat na dumalo.
Huling lumapit si Mrs. Vragus. Imbes na makipagkamayan ay kaagad niya itong dinamba ng mahigpit na mahigpit na yakap.
“Congrats, Hariet,” mahinang bulong nito gamit ang tunay nitong pangalan.
Bahagyang nagulat naman ang dalaga sa naging tawag sa kanya ng ginang. Ito kasi ang pinakaunang tinawag siya nito gamit ang tunay niyang pangalan.
Hindi rin batid ng dalaga kung bakit… pero may kung anong mainit na pitik sa kanyang puso ang marinig muli ang kanyang kinalikahang pangalan. Hindi niya alam na ganito pala niya ka-miss ang matawag siya sa tunay niyang katawagan. Na kahit sa kabila ng lahat ng mga paghihirap at pasakit na na naranasan niya gamit ang pangalang iyon, hindi niya pa rin mabubura sa kanyang pagkatao na minsan na itong naging kabahagi ng kung sino siya.
And before she knew it, the tears she’s trying to suppress earlier, now fell from her eyes. She felt so move…
She felt so move that despite the fact that the name Hariet Fernillo is already buried sixth feet under the ground together with her faked death, she can’t be happy enough to have even just a single person that knows that the girl named Hariet is still toughing it out, alive and kicking.
Isang tao lang na alam na buhay siya… kontento na siya.
“You don’t know how proud I am. You exceeded my expectations. You deserve everything that you have now… my daughter,” taos pusong pagtatapat ni Mrs. Vragus.
Mas lalo pang humigpit ang pagyakap ng dalaga rito. The fact na tinawag siya nitong ‘daughter’ gamit ang pinaka-sincere nitong tono, batid niyang wala itong halong pagkukunwari.
‘Gosh! I just can’t get enough of this warmth.’
Matapos ang matagal-tagal na yakapan ay kumalas na rin sila sa isa’t-isa.
Nagpatuloy ang usupan kasama ang mga miyembro ng board of directors ng kumpanya. Kanya-kanyang bato ng tanong sa dalaga patungkol sa mga personal na plano nito para sa kumpanya.
Nakasama na nila ito sa trabaho at nakumbinsi na sila sa kakayahan nitong magpatakbo ng isnag malaking kumpanya ngunit kailan pa rin nilang alamin rin ang mga ideya nasa isip nito. Mas mabuti ng mas maging pamilyar sila sa susunod na magiging pinaka-head ng kumpanya.
Nang medyo lumalalim na ang gabi ay napagpasiyahan na ni Chairman Dmitri Vragus na magsiuwian na ang lahat para makapagpahinga. Hindi rin kasi biro ang isang araw na pagtatrabaho.
Bago tuluyang magsiuwian ay nagbitaw ng maiksing talumpati ang bagong naluklok na vice chairman ng kumpanya.
“First of all, I can’t thank you enough for all your unending efforts for helping Vragus Empire become what it is today. You all did a good job!” panimula nito.
“Thank you for the opportunity and channel that you’ve given to me to prove myself and be useful to our endeavor. I promise only one thing with my appointment as the vice chairman.” Huminto siya ng kunti upang bwelohin ang mabigat na pangakong bibitawan niya.
“That is to offer my all…devout my everything to uphold the vision and mission of Vragus Empire to be the No. 1 company in the whole country!”
Muli’t-muli ay nakatanggap siya ng masigabong palakpakan mula sa mga nakarinig.
“That’s my apo of course!” proud na proud pang komento ng matanda na sinang-ayunan naman ng lahat.
“There is no doubt indeed. No one can be as good as the Vragus,” pambobola pa ng isang director na halos kaedaran lamang ng chairman.
“You flatter us so much. You know that don’t work to me,” natatawa namang sumbat ni Chairman Dmitri.
Kalauna’y isa-isa ng umalis ang mga bisita. Pinilit pa ng matanda na mag-stay na sina Mrs, Vragus at Dreanara sa mansiyon sapagkat malalim na ang gabi ngunit nagpumilit pa rin ang dalawang umuwi.
Mayroon naman kasi si Manong Jules na naghihintay na sa kanila sa baba.