Kabanata 49

1495 Words
Pagkauwi kaagad sa Bronton ay kaagad na nag-set ng small business dinner si Chairman Dmitri Vragus kasama ang mga board of directors ng Vragus Empire upang ipagdiwang ang maliit na tagumpay ng kanyang kaisa-isang apo. Kinuha rin ang oportunidad na ito upang pormal na i-welcome muli sa kumpanya ang dalaga matapos ang siyam na buwan nitong pagkawala.   Kung nagdiriwang angVragus Empire sa Bronton, kabaliktaran naman ang kaganapan sa El Cuangco Corporation Vestria dahil sa hindi inaasahang balitang natanggap nila.   ***   Walang imik at tutuk na tutok sa pagbabasa ng mga papeless si Maxen, na ngayon ay naatasang maging vice-chairman ng kanilang kumpanya, nang biglang nakarinig ito ng katok mula sa labas.   “This is Ace De Lara. May I come in Sir?” pormal na pag-request ng lalaking nakasuot ng full black suit, slacks pants, at malalaki at makakapal na salamin sa kanyang mata. Ito ang secretary ng vice-chairman.   Halos kasi lahat ng mga babaeng naging sekretarya ng binata ay nasa hanggang tatlong araw o di kaya’y isang linggo lamang ang itinatagal. Lahat na lamang ay kusang nagpapasa ng resignation letter sa kadahilaang hindi niya halos maintindihan.   Lingid kasi sa kaalaman niya ay tinatakot o di kaya’y binabayaran ng fiancée nitong si Levisha ang mga babaeng sekretaryang ito upang umalis sa posisyon. She was too paranoid that they might steal her precious gem from her lalo na at alam niyang halos araw-araw nagkakasama ang mga ito sa trabaho. Natatakot siyang baka magka-develop-pan ang mga ito at masira ang inaasam-asam niyang kasal.   Heaven knows how much she silently celebrated when she learned na tumakas ang kapatid sa gabi ng honeymoon nito at kalaunay permanente ng mawala sa buhay nila. Though kahit papaano ay nakaramdam siya ng kunting kirot sa kanyang puso ng malaman mula sa ina ang kagimbal-gimbal na pangyayaring iyon.   But this small fragment of sadness and pity was immediately consumed by her envy and selfishness… she started feeling glad na wala na siyang kaagaw sa mga bagay na mahalaga sa kanya. Wala na siyanag kaagaw sa atensiyon ng ama, at ang pinakamahalaga pa rito ay wala na rin ang hadlang para makuha niya ang apelyido ng mga El Cuangco.   Kung alam niya lamang na ang apo pala nito ang magpapakasal at hindi mismo ang matandang chairman, edi sana hindi na lang niya binigay ang pagkakataong yaon sa kanyang nakababatang kapatid. But now, with all things going smoothly, she is confident na malapit na niyang makamit ang inaasam-asam na apilyedo at mga yaman at karangyaang kaakibat nito.     “Come in,” maikling sumbat ng vice chairman sa boses na nagpapaalam sa labas.   Kasunod nito ay ang pagbukas ng double door na pintuan ng kanyang malawak ngunit minimalistic na opisina. Pumasok ang nasabing sekretarya at yumuko bilang paggalang bago magsimulang magbigay ng ulat patungkol sa na-receive lamang na balita.   “Pardon my interruption, Sir, but there is an urgent fact you need to know,” panimula ng lalaki.   Dito naman dahan-dahang napataas ang paningin ni Maxen mula sa hawak na papeless pataas sa mukha ng kanyang sekretarya. Kasisimula pa lamang nitong magtrabao sa kanya noong isnag linggo ngunit nagkakasabay na ito sa mga baga-bagay at mga trabaho ng isang sekretarya. Kung kaya naman ramdam ng vice chairman ang kahalagahan ng sasabihin nito na kinailangan talagang disturbohin siya sa gitna ng tambak-tambak niyang trabaho.   “Speak,” maikli niyang utos.   Humingang malalim ang sekretarya upang hugutin ang lakas ng loob na sabihin ang masamang balita.   “The scheduled negotiation set tonight is being cancelled earlier this time. Miss Montemayor had affirmed that she is no longer interested in investing in the El Cuangco Corporation,” pagbagasak ni Ace ng balita.   Kaagad na napadiin ang hawak ng binata sa ballpen na nasa kamay nito. Ramdam niya ang pagtaas ng kanyang dugo sa kanyang mukha. Alam niyang isang malaking deal ang nawala sa kumpanya dahil sa hindi inaasahang pangyayaring ito.   Sa kabila ng matinding emosiyon na nararamdaman ay pilit niyang pinakalma ang sarili. Isa sa mga bagay na palaging pinapaalala ng kanyang lolo sa kanya simula noong nagsimula na siyang magtrabaho sa kumpanya ilang buwan na ang nakalipas ay ang palaging pagkontrol ng emosiyon. Kung hindi niya makokontrol ito, maaring siya naman ang kontrolin nito at masira ang radikal niyang pag-iisip at pagpapasiya.   Matapos ang ilang segundong pananahimik at pagpapakalma ng sarili ay bumalik sa normal at kalmadong estado ang binata.   “Look on the reasons why the client suddenly withdrew the scheduled meeting?” seryoso niyang utos na tinanguhan naman ng sekretarya.   Tumalikod na si Ace upang magsimulang mag-imbestiga nang may isang spekulasiyon ang namuo sa isipan ni Maxen kung kaya naman muli itong nagsalita.   “Also…” Napaligon ang sekretarya upang pakinggan ang sasabihin ng kanyang amo.   “Look whteher the client had already entered a deal with the other companies here in Vestria or in the nearby areas. Report to me directly,” dire-diretsong anito.   ‘It’s just a possibility that some company had intervened first with the deal, but still, with the rather vague situation, he could only treat such possibility as the reason of the sudden cancelation on the part of the client,’ tahimik na pagtatagpi-tagpi ng binata ng kanyang kaisipan.   “Got it, Sir. I will start doing it now. If you’ll excuse me,” sagot ng sekretarya bago tumalikod at tumungo palabas ng opisina. Bilang sekretarya ay batid niyang malaking deal ang nawala sa kanilang kamay kung kaya naman ramdam niya ang pangangailan ng agarang imbestigasiyon.   Since kahapon lamang dumating sa Vestria ang kliyente sana nilang si Miss Montemayor, ang pinakaunang kinontak ng sekretarya ay ang hotel na tinutuluyan nito. Doon, na siya magsisimulang magtanung-tanong ng kung anu-anong mga lugar ang pinuntahan ng nasabing kliyente simula noong dumating ito sa siyudad; at kung sinu-sinong mga tao ang mga nakasama o nakasalamuha niya.   ***   Hindi nagtagal ay nakatanggap ng report si Maxen mula sa kanyang inatasang sekretarya na mag-imbestiga patungkol sa bigalaang pagkansela ni Miss Montemayor sa schedule meeting nila.   “What did you find out?” kalamdo nitong tanong sa kabila ng napakaraming bagay na iniisip niya.   “According to the CCTV footage from the El Cuangco Hotel where Miss Montemayor is staying, it appears that a certain woman had negotiated with the client this late morning where she got Miss Montemayor sign something…”   ‘F*ck it! Just like what I’ve speculated it to be. Someone had gotten hold of Miss Montemayor before we could even have the chance to meet. Damn it! If only we had made the arrangement quite earlier, which we can’t kasi meron na akong mga naunang appointments. Kung alam ko lang sana, I sould have put this one as the top priority.’ Hindi maiwasang pagsisi ni Maxen.   “Though we cannot zoom the details of the documents being signed, we have a presumption that it’s an investment deal, Sir,” dagdag pa ni Ace sa kabilang linya. Napapintig naman ang mga tenga ng vice chairman.   “How do you say so?” malamig niyang tanong. Sa maliit na panahon na nakatrabaho niya ang kanyang masinop na sekretarya, alam niyang mautak at radikal itong mag-isip. Hindi ito basta na lamang nagsasabi ngmga bagay-bagay na walang kaebi-ebidensiya. So now, he supposes there’s a valid reason why he’s assuming it.   Maririnig ang pagbuntong hininga ng kausap bago magpatuloy.   “Brace yourself for the bad news, Sir,” pagpapaalala pa nito bago magbigay ng konkretong sagot. Ang kalamadong si Maxen ay hindi maiwasang bahagyang mapabilis ang takbo ng kanyang dibdib dulot ng pagtaas ng anticipation niya sa sagot.   Despite all the strengths and good sides of his secretary, his tendency to deliver a report in a suspenseful manner is one of its weaknesses. Well, at least in the eyes of the vice chairman that’s the case.   “Speak up already. Direct to the point,” nabubugnot na demand ng binata.   “Sorry, Sir,” pagpapaumanhin naman ni Ace. “Ahem, the woman on the video who handed a document to Miss Montemayor is identified to be te Vragus heiress – Dreanara Iris Vragus. Plus, one of the spy employees working in the Vragus Empire had reported that the members of the board of directors had somehow got invited by the chairman himself for a lavish dinner tonight,” mahabang salaysay nito.   Mabilis na ibinaba ni Maxen ang cellphone na gamit sa lamesa.   ‘The Vragus’s heiress, huh? I thought according to the recent report we received; their company’s negotiator had failed closing the deal with Miss Montemayor. That’s only the time we step in. we didn’t barged in while their negotiation was ongoing. Yet when it is our time for the negotiation, they intervened…   Fair competition you say? I guess that’s not possible in reality…   Right. If that’s what you want, then we’ll be giving you that,’ taimtim na pagre-reflect ng binata sa kanyang kaisipan.   ‘And of all people, it was you…   Dreanara…’   Napahalakhak ng mag-isa si Maxen sa loob ng kanyang opisina.   “Alright, then. Game on!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD