Kabanata 48

2134 Words
Kinabukasan ay nagising si Dreanara sa pagtunog ng sinet niyang alarm clock sa kanyang cellphone. 6:30 AM ng umaga. Ito’y upang makapaghanda na siya na pormal na makapag-arrange ng business meeting with Miss Eva Montemayor.   After the long night yesterday, batid niyang natutulog pa ang nasabing dalaga sa kwarto nito. Mas mabuting i-set na niya ang lahat bago pa ito magising.   Una siyang nagpadala ng formal invitation card sa Room 665, kung saan nakahimlay si Eva. Ipinasabay niya sa morning room service ng kwarto ang paglagay ng nasabing invitation card sa maliit na lamesa sa tabi ng mismong kama nito. Siguradong makikita niya ito kaagad kapag nagising siya.   Estimating the time of waking up of Eva, baka umabot ito hanggang 10 AM – 12 Noon pa kung mapapasobra sa tulog. Until then, kailangang pairalin ng dalaga ang kanyang patience at diligence.   Nagpataas siya ng pagkain sa kanyang kwarto at nagsimula ng kumain. Matapos ay masinsinan niyang rin-review ang terms and clauses ng investment contract proposal na sinned sa kanya ng kumpanya kasabay ang basic information patungkol sa target client. Ang investment contract na ito siyang kailangan niyang ipa-sign sa dalaga upang maging legally binding ang magiging kasunduan nila sa oras na mapapayag niya itong mag-invest sa Vragus Empire.   …   Isa…   Dalawa…   Tatlo…   Halos tatlong oras na ang lumipas simula nang makakain si Dreanara ngunit wala pa ring natatanggap na tawag mula kay Miss Montemayor.   Sa invitation kasi na ipinadala niya ay nakalakip na rin ang contact number nito na siyang dapat ay tatawagan nito pagkapumayag ito. At sa mga pangyayari kagabi, halos kampante si Dreanara na papaya ito bilang pagtanaw na rin ng utang na loob.   Ganito ang nakasaad sa invitation card…   “Greetings of Fine Day!   The Vragus Empire’s representative, Dreanara Iris Vragus, would like to seek the honor of your presence at the El Cuangco’s hotel, third floor dining hall, for a hearty meal regarding the unfinished business negotiation in Bronton.   We deeply apologize for the unrealized shortcomings on our part which caused the delayment of the said matter. Prior to this, we seek your permission for the reopening of the negotiation table.   Yours Truly,   Dreanara”   Kahit naman siguro may kaunti itong hangover ay hindi nito basta makakalimutan ang pangalan ng kapwa niya babae na nakasama niya sa casino hall kagabi.   “Ugh! Naiinip na rin talaga ako,” hindi mapigilang saad ng dalaga habang nakaupo sa swivel chair sa labas ng veranda ng kanyang kwarto.   Mahirap din talaga ang magkaroon ng anomalya sa first attempt ng negotiation. Nauuwi kasi sa paghahabol ang mga bagay-bagay na hindi nagawang maisagawa ng maayos habang hawak mo pa ito sa leeg.   It’s quite a shame for the Vragus Empire to actually chase a client. But this one client is just very important that it might dictate the fate of the corporation if the worst thing happens… if the El Cuangco Corporation happen to win over this matter.   Napabalikwas sa kanyang upuan ang dalaga nang sa wakas ay tumunog na rin ang kanyang cellphone. Ang tawag ay mula sa isang unregistered number, na malakas ang kutob niyang mula sa pinakahinihintay niyang magising na kliyente.   “Hello, is this Dreanara Vragus?” diretsong tanong ng boses mula sa kabilang linya. No doubt, ito ay boses ni Miss Montemayor.   “Yes. Am I speaking with Miss Montemayor?”   “Aha,” maikling usal ng kausap.   “How was your sleep, Miss Montemayor? I am looking forward negotiating with you sober,” medyo pa-joke na prangkang ani ni Dreanara.   Nakasaad naman na kasi sa letter ang tunay na pakay niya sa pag-anyaya sa dalaga sa isang meet up sa dining hall ng hotel. There is no need na magpaliguy-ligoy pa.   To her good luck, napatawa niya babae sa kabilang linya.   “Dang it! I already know you were someone far different from that former representative that tried to win my investment over a heavily shrouded atmosphere,” mahabang pahayag ni Miss Montemayor.   ‘Hmmm… she must mean Jackson. Wait— what? Heavily shrouded atmosphere? Ibig bang sabihin ng kliyente ay hindi niya nagustuhan ang sobrang professional approach na ginawa sa kanya? ‘Yun ba ‘yung ibig sabihin niya sa heavily shrouded atmosphere? Either way, I think medyo nagugustuhan niya ang naging light approach ko noong una bago ako maglatag ng business agenda,’ paghihimay ni Dreanara ng mga pangyayari sa kanyang isipan.   “Ugh! I really hate boring and rule-stricken guys!” pagrereklamo pa nito. Hindi maiwasang mapatawa ng maliit ni Dreanara.   Mabuti na lamang at nag-conduct siya ng first hand research sa personalidad ng kliyente para makuha ang tamang timpla nito sa negosasiyon. Marahil ito ang bagay na nakaligtaan ni Jackson kung kaya naman nag-fail siyang mapa-oo ang babae.   “Alright, then. I’ll wait you at the dining hall, Miss Montemayor,” pormal na saad ni Dreanara na mabilis na pinabulaanan ni kausap.   “Gosh! Don’t be so formal with me. Just call me Eva. Parang hindi tayo nagkasama sa casino kagabi. I’m kinda considering you as a new found companion,” pagbibigay diin nito.   Napangiti na lamang si Dreanara. “If that what you say, Eva.”   “Very well then. I’ll follow after ten minutes. I’ll just gonna do my makeup and meet you downstairs. See you!”   “I’ll be waiting.”   Matapos ang magandang usapan sa tawag ay agaran ng nagtunga sa nasabing dining hall ang dalaga, bitbit sa kanyang kamay ang black folder kung saan nakalakip ang investment contract.   ‘Way to go self. You’re doing all good and great now. I’m just a step closer to sealing the deal with the client and then you’re good. You can finally prove yourself worthy for being the substitute of Dreanara to Mrs. Vragus; and prove capable of inheriting a multi-billion worth of company to the chairman.’   Pagkarating sa dining hall ay kaagad siyang pumwesto sa pinakagilid na bahagi ng hall, ‘yung tipong magkakaroon sila ng kunting privacy sa pag-uusap sapagkat walang masiyadong dadaan-daan sa kanilang table since nakadikit ito sa may wall.   Hindi naglaon ay dumating na rin si Eva at sabay silang um-order ng pagkain. Isang simpleng salad na lamang ang kinuha ni Dreanara sapagkat nakapag-almusal naman na kasi ito kanina pa. Sa kabilang banda, marami-raming putahe ang in-order ni Eva sapagkat ramdam na ramdam niya rin talaga ang pagkalam ng kanyang sikmura dahil sa late na pagkain niya ng breakfast.   Habang kumakain ang kliyente ay sinimulan nang i-explain ni Dreanara ang patungkol sa nilalaman ng investment contract na hawak niya; anu-ano ang mga benefits at risks nito; at bakit sa Vragus Empire dapat niya ipagkatiwala ang malaki niyang man.   Hindi naman ganoon kainteresado sa business matters si Eva kung kaya naman mabilis itong napapayag na mag-sign ni Dreara sa investment contract. Ang mahalaga lamang para rito ay ma-secure niyang may ilalaki pa ang kanyang pera at magkakaroon siya ng stable source of income.   Sa kabila kasi ng happy-go-lucky outlook niya sa buhay, matanda na siya para ma-realize na hindi siya basta na lamang mabubuhay sa ganoong istilo ng pamumuhay kung patuloy siyang magwawaldas ng magwawaldas ng pera nang hindi gumagawa ng paraan para palakihin ito. Now, that she was all in her own, she as to be very careful about her spending.   “I just have one condition to make, Dreanara,” anito bago ilapat ang tinta ng customized Vragus Empire ballpen sa papel.   Napaseryoso naman ng mukha si Dreanara upang dinggin kung magiging fair ba ang hihingin nitong additional condition.   “What is it?” promal niyang tanong gamit ang business tone niya. Even if they were now companions, when it comes to business stuffs, they have to drew a professional line in between.   Napaseryoso rin naman facial expression ni Eva.   ‘Oh, maybe I didn’t understand her totally at all. May ganito rin pala siyang side. I mean, despite acting all carefree and reckless, she can be this serious as well.”   “You saw my lifestyle, and I bet you already realized what I had realized. I cannot live that way forever,” panimula nito habang tinutusuk-tusok ang mga fruit slices sa kanyang pinggan. Nananatiling seryoso pa rin ang ekspresiyon nito maging ang tono ng kanyang boses. Halos hindi nga siya makapaniwalang nakikita niya si Miss Montemayor sa ganitong estado ng mukha.   “I need to settle down one way or another…” dagdag pa nito at bahagyang napahinto sa pagtutusok ng mga pagkain at tumingin ng diretso sa mga mata ng heredera.   “That is why I need you to promise me to give me a position in the Vragus Empire in exchange of my investment. In that way, it would be a win-win situation for the both of us. You got the additional funding, plus I got to find a direction in life,” mahabang anito.   Hindi naman maiwasang bahagyang magulat si Dreanara sa narinig. Hindi pa rin siya makapaniwalang sinabi niya ito. She just never expected this from her.   Matapos ang ilang saglit ay mabilis na naka-recover sa state of shock ang dalaga.   Ngumiti ito at sumagot. “Of course, I will. I will try to see some vacancy on the company and personally recommend you. Though, hindi ko masasabi ang exact date at time na magkakaroon ng vacancy,” pag-aamin ng dalaga.   Napahanga naman ang kliyente sa pagiging honest nito. Kahit na halatang desperadong makuha ang kanyang matamis na oo ay hindi pa rin ito nagbigay ng false hope para lamang mapapayag siya. And Eva Mira Montemayor commends her honesty.   Walang atubiling nilagdaan na niya nag kontratang nakalapag sa kanyang harapan bago iabot pabalik kay Dreanara.   Hiniwalay ni Dreanara ang double copy ng nalagdaang contrata at tsaka inabot sa kliyente bilang official copy rin nito. Tumayo siya at inilahad niya ang kanyang kamay bilang pormal na pagpapasalamat sa pagpayag nitong mag-invest sa kanilang kumpanya.   Kahit na sabihing heiress siya ng Vragus Empire, sa negotiation nila ngayon, siya ang agent at ang kausap ang kliyente. Kung kaya naman nararapat lamang na magpakumbaba siya nilang respeto sa kanyang kliyente.   “Thank you for having you be part of our large and successful Vragus Empire Family,” pormal niyang pagsabi.   Tumayo rin si Miss Montemayor upang tanggapin ang shakehand offer nito. Nagngitian silang dalawa at dahan-dahang bumalik sa casual nilang mga ekspresiyon ang kanilang mukha.   “Alright then, let’s finish our meal,” masayang wika ng dalaga.   Masayang-masaya siya na naging matagumpay ang pinakaunang trabahong binigay sa kanya ng kanyang lolo. At higit sa lahat masaya siya na nagkaroon siya ng sariling accomplishment na siya talaga ang nagpakahirap magtrabaho upang makamit ito. Well, sa kunting tulong na rin nila Manong Jules at Mr. Lucas Valdemor.   Nagkwentuhan pa ang dalawa bago tuluyang maghiwalay ng landas. Mamasyal pa raw si Miss Montemayor sa mga sikat na local toursists site sa Vestria dahil nandito lang din naman siya.   Si Dreanara naman ay halos hindi na makapag hintay na tawagan si Mrs. Vragus at si Chairman Vragus upang ipaalam ang pagiging matagumpay ng task na pinagawa sa kanya. Nais niyang sila muna ang unang makaalam bago siya pormal na mag-send ng report of the transaction report pabalik sa Vragus Empire as part ng polisiya nila sa trabaho.   Magkasabay na tinawagan ni Dreanara ang dalawang pinakamahalang tao ngayon sa kasalukuyan niyang buhay gamit ang conference call technique at sabay na winindag patungkol sa balita.   “Mom… lolo… It is a success!” masaya niyang wika ng makapasok na sa kanyang kwarto at panatag na walang ibang makakita ng sobrang kasiyahan niya.   “You mean success on Miss Montemayor’s case?” mabilis na tanong ng chairman sa kabilang linya na iniwan pa ang kanyang ginagawa para angatin ang tawag ng kaisa-isang apo. “Yes po. The Vragus Empire finally got Miss Eva Mira Montemayor to sinvest her inheritance into us!” masaya nitong salaysay.   “The depositting of the money will be done three days from now when she returns to Bronton after having a short tour here in Vestria. I have her sign the documents so there is nothing to worry if she stays here in the El Cuangco’s domain for a while,” mahabang pagpapaliwanag ng dalaga.   “Nicely done, Dreanara. I have no doubt you could be as good as your father,” pamumuri ng matanda.   “I am so proud of you, darling,” malambing namang pagsang-ayon ni Mrs. Vragus.   “Let’s talk more about this when I got back there, mom and grandpa. I have to packed up my things to return there in Bronton. See you later,” magalang na pamamaalam ng dalaga.   “Safe trip, apo/anak,” magkasabay na sumbat ng dalawa na nagpangiti sa dalaga.   They may not be blood related but they care about her genuinely. And she hardly knows about this feeling of being cared upon by a family not until now…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD