Kabanata 47

3282 Words
“Welcome Madame to the tricky and wonderful place for all fun seekers! El Cunagco’s Bar and Casino!” punung-puno ng energy na pambati ng lalaking nasa entrance ng casino hall ng nasabing hotel. Mabilis na in-explain ng lalaki sa entrance ang kakaibang kalakaran sa loob ng nasabing casino. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong hindi magandang impression ang pagsusugal kung kaya naman gumawa ng ibang paraan ang management ng casino na kumite ng hindi literal na nagpapasugal. Mahigpit na pinagbabawal ang paglagay ng money bet sa mga laro. Tanging one time entrance fee lamang ang babayaran ng mga papasok. Siyempre hindi rin biro ang laki ng halaga nito kung kaya naman tanging mga mayayaman lamang ang nakaka-afford na pumasok sa lugar na ito. Inabot ng dalaga nag kanyang unlimited black credit card upang magbayad ng entrance fee bago tuluyang makapasok sa loob. Sa dating buhay niya bilang si Hariet, never pa naman siyang napadpad sa ganitong klaseng lugar. Ang mga ganito kasing klase ng lugar ay halos para sa mga mayayaman at may pera lamang. Sa katunayan, isa ito sa pinakasikat na lugar libangan ng mga rich personalities. Idagdag mo pa at my kasama na ring bar counter ang casinong ito. Ngunit nagawa naman ni Hariet na pag-aralan ang ilang klase ng mga casino games throughout her training and preparation to act as an impostor of Dreanara kung kaya naman may basic knowledge siya patungkol rito. Batid kasi ni Mrs. Vragus na hindi malabong magkaroon ng mga elite businessmen meetup sa mga ganitong klaseng kung kaya in-include na niya training ng dalaga ang mga bagay na ito. Kahit hindi na ganoon kagaling, basta’t alam ang basic rules upang makisama sa laro. Kaagad na maririnig ang intstrumental, semi-classical music background na plina-play sa may pwesto ng DJ sa gilid. Kasabay ng musiko ay mga nagsasabayang mga alingawngaw mula sa pag-uusap ng mga natipong mga guests na halos may sari-sariling mga mundo kasama ang maliliit nilang grupo. Mapapansin rin sa mga kasuotan ng mga ito ang sophistication at glamour na halatang mamahalin at designer’s items. Lahat ng mga naroon ay either mayaman, anak mayaman, o di kaya’y may koneksiyon sa mayayaman. Mabilis na inilibot ng dalaga ang kanyang paningin sa loob upang hagilapin ang kinaroroonan ni Miss Eva Montemayor. Sa lawak ng lugar ay medyo nahirapan siya. Kinailangan pa niyang maglakad-lakad upang ibahin ang anggulo ng kanyang paningin at mapadali ang paghahanap ng nasabing dalaga. Ayon sa ulat na nakuha ni Lucas mula kay bell boy ay nakasuot ito ng kumikinang na silver na halter dress na may malalim na slit sa isang bahagi ng binti. Medyo neutral color kasia ng silver kaya hindi ito agad mag-sta-stand out sa crowd. “Up for some punch, Madame? We have a special hearts of heaven light drink just for you,” pag-o-offer ng isang naglalakad na waiter na may hawak na mga baso ng inumin sa tray na hawak nito. At para hindi magmukhang tanga sa kakalakad ay kumuha na siya ng isa baso upang may gamitin itong props. Nilasahan niya ito at halos bawiin niya ang una niyang pahayag na parte lamang ito ng props at cover up niya upang hindi maging kahina-hinala habang naglalakad upang hanapin ang kliyente. ‘Gosh! Why didn’t the waiter warn me of how heavenly good it is just like its name? He…Hearts of Heaven, you say? It definitely tastes like heaven!’ tahimik niyang komento sa kanyang isipan. The taste of rich flavoured fresh fruits with a right punch of that small alcohol content is perfectly blended in a single cup. Sa pangalawang higop niya ay may hindi inaasahang pagkinang ang namataan niya sa may hindi kalayuan. Galing ito sa isang shimmering silver clothed lady sa harap ng roulette game. Kaagad na napakurba ang magkabilaang gilid ng kanyang bibig dahil sa saya. “Miss Eva Montemayor… finally are paths came to cross after the long chase earlier,” mahinang usal ng dalaga sa sarili. Humigop siyang muli sa kanyang inumin upang mag-ipon ng confident at lakas na makipagsabayan sa mga mayayamang nakapalibot sa may roullete spinning board. Sa maliit na crowd na natipon sa gilid-gilid ng nasabing sikat na casino game, matatagpuan ang babaeng pinakarason kung bakit napabalik siya sa Vestria ng wala sa oras. “Mind if I join you, ladies and gentlemen,” una niyang pambungad bati nang makarating na siya sa harap ng iilang mga guests na kasalukuyang naglalaro na ng laro. “No problem, sweetheart. All gorgeous and sexy lady like you deserves a slot in a game like this,” ani ng isang medyo may katandaang lalaki na bahagyang umurong sa pwesto nito upang ibigay ang gaming slot nito para sa kanya. Mahahalata sa mga mata ng medyo may edad ng lalaking ito ang hindi kanais-nais na implikasiyon sa dalaga. Akmang tatabihan siya nito at akbayan nang itinaas niya ang isa niyang kamay upang pigilan ito. “You’ve already given up your space. You cannot take it back until I’m done playing here. Besides, I don’t intend to share my gaming slot with you,” malaming na ani ni Dreanara sa lalaki. ‘You should know your place, old man. I mean, magiging mabait pa naman ako sa’yo if hindi mo lang ako binabastos sa nakakasuklam mong paningin.’ The Vragus heiress felt like she was being mentally undress by this old man in front of him. At hindi niya ito gusto. Walang babae ang may gusto ng ganitong trato kung kaya naman hindi niya maiwasang maging cold at rude. Akmang susugod ang may katandaang mama sa dalaga dahil sa asar ng may isang bouncer ang lumapit tsaka may ibinulong sa tenga ng nito. “She’s the heiress of the Vragus Empire. Surely Sir, you do not want to mess with a big-time personality like this,” mahinang bulong ng bouncer sa lalaki. Lahat kasi ng mga pumapasok sa casino, lalo na ang mga may malalaking pangalan sa kumunidad ay sikretong minamanmanan at prinoprotektahan ng mga security guards na naka-standby lamang sa mga gilid-gilid. Ang iba pa nga rito ay naka-civilian disguise upang hindi mag-stand out. The casino cannot allow na magkaroon ng bad experience ang mga kliyente at customers nila lalo na ang mga maiimpluwensiya, mayayaman, at malalakas na tao. Between sa may katandaang mama na nagmamay-ari ng isang maliit na kumpanya ng ricemill, at sa kaisa-isang apo ng isang napakalaking kumpanya, hindi na kakwesiyo-kwesiyon na mas pipiliing panigan ng mga bouncer ang dalaga. Sa kabila ng sobrang galit ay wala ring magawa ang may katandaang lalaki na iyon. Batid niyang hindi magiging maganda para sa isang maliit na kumpanyang kagaya niya ang bumangga ng isang higanteng korporasiyon. “Let go of me, douchebags! I can walk on my own!” pilit na pagtataas ng boses ng lalaki kahit na alam na wala na itong laban upang pagtakpan ang sarili niyang ego. Mabilis naman siyang pinakawalan ng bouncer at pinanood itong maglakad paalis sa roulette wheel game. ‘Serves you right for being bastos.’ Hindi maiwasang mapangisi ni Dreanara. Clap! Clap! Clap! Napukaw ang atensiyon ng lahat sa babaeng naka-silver dress nang biglang itog pumalakpak. Sa mga pagkakataong ito rin naman nahimasmasan si Dreanara mula sa bahagyang pambabastos sa kanya kanina at pili na ibinalik ang focus sa pangunahing layunin kung bakit siya narito sa casino. Ito ay ang personal na kilalanin at kunin ang loob at tiwala ng VVIP investor nila. Ngunit tila ba nasa kanya ang basbas ng tadhana sapagkat ito na mismo ang kusang kumukuha ng atensiyon niya sa pamamagitan ng pagpalakpak. “That was quite a great show, Miss. Kicking that old fart’s ass is just so cool. Kanina pa talaga ako nagtitimpi sa kayabangan at kabastusan niya,” masayang saad ni Eva Mira Montemayor. Well, just like Dreanara, she was not excluded on the malicious s****l looks of that old man earlier. Naghinhintay lamang siya mapunuan bago tumawag ng security guard para paalisin ito sa harap niya. But before that could even happen, biglang nag-step in na si Dreanara para gawin ang bagay na ito para sa kanya. Napahalakhak naman ang iilang marespetong mga kalalakihan at kababaihan na kasama sa laro. “I agree, Miss Montemayor. No one actually likes that man here,” dagdag ng isang ginang na may kasamang lalaki sa kanyang tabi. Animo’y mag-asawa at matagal ng nagsasama dahil sa sobrang dikit ng body language nila. Medyo may katandaan na rin kagaya ng lalaki kanina. “I just merely arrived but I could already tell he’s a rotten s****l maniac!” pagsang-ayon naman ni Dreanara upang pakisamahan ang mga kasama. May lumapit ng casino staff sa kararating na dalaga upang bigyan ito ng mga chips na ipangtataya niya roullete game na sasalihan niya. Gamit ang black card na binigay ni Mrs. Vragus sa kanya na mayroong unlimited crediting power ay nakabili siya ng maraming chips. All these people around her had as much as half as the chips she had. Right, of course she would like to put a display of sophistication and wealth in front of Miss Montemayor to get her interest. Sino ba naman ang makakalimot sa isang mayamang kakilala? Dahil sa kakulangan sa experience, given ng hindi ganoon kahusay ang dalaga. Pero ang larong roulette ay larong base sa pure luck at hindi as in sa talino at husay ng mga manlalaro, kung kaya naman may chance pa rin ito laban sa mga ekspert niyang mga kalaban. Nagsilagay na ng mga bets sa mga numero ang mga manlalaro kabilang na si Dreanara at Miss Montemayor. Para maging sigurado ay parehong tinayahan ng dalaga ang section ng kulat black at red na mga slots. Naglagay rin siya ng mga chips sa mga even at odd numbers para pataasin ang tsansa niyang manalo. Pinaikot na ng dealer o ang taong nag-a-administer ng laro ang roulette at tsaka hinagis ang maliit na bola. Ang pagtitigilan ng maliit na bola na numero at kulay ang siyang magiging jackpot numbers. Kung sino man sa mga manlalaro ang nakataya sa parehong kulay at parehong numero ang siyang makakakuha ng premyo. Ang laki ng chips na itinaya ay siyang magiging basehan ng halaga ng magiging premyo ng makakatsamba sa numero at kulay. Nagpatuloy na umikot-ikot ang bola sa pagitan ng ng mga paikot na mga number slots. Lahat ng mga mata ay nakatitig lamang sa galaw nito. Hindi naman ganoon ka-pressured si Dreanara sapagkat ginamit niya ang pinaka-safest way to play. Ang ikalat ang mga chips niya sa iba’t-ibang mga numero at color slots. Mas malaki ang chance niyang makatama sa number sapgkat mas marami siyang tinayahan. Ngunit kapalit ng strategy na ito ang kaliitan ng premyong makukuha niya sakaling manalo siya sapagkat watak-watak ang mga tinayahan niya. Para sa isang safe player na kagaya niya, ito ang pinakamainam na strategy niya. Sa kabilang banda naman ay exact opposite ang strategy ni Miss Montemayor. Ilinagay niya ang kanyang mga chips sa iisang numero. Mas maliit ang chance na manalo, pero kapag nakatama ay swak na swak ang panalo. Isa itong aggressive move na kabaliktaran ng safe play move ni Dreanara. “Looks like we have a differing strategy, Miss…?” komento ni Eva patungkol sa style of playing ni Dreanara na ngayon ay hindi pa niya pormal na kilala. “Miss Dreanara,” mabilis na pagbubuo ng dalaga sa kanyang pangalan. “Oh, Dreanara. My name is Eva by the way,” pagpapakilala rin nito. “Maybe, we’ll have to see which of our game style is more effective with the result of the ball.” “Yeah, right. My scattered strategy or your concentrated one?” saad naman ni Dreanara. Unti-unti nang bumagal ang pag-ikot ng bola hudyat na papalapit na ang paglabas ng resulta ng laro. Ikot pa ito ng ikot hanggang sa mag-stay na ito sa red slot number 19 ng roullete board. “Yay! I won!” masayang ani ginang na kasama nila. “That was a good bet, my wife,” masaya namang pag-congrats ng asawa nito. “You forgot I was also part of the game,” medyo nagpaparinig na wika ng ginang sa dalawang dalaga na sina Dreanara at Eva habang hinahakot na ang mga chips na napalanunan niya. Kapwa natahimik na lamang ang dalawa sa pagpapasaring ng ginan. “Let’s go for another bout,” malakas na suhesiyon ni Dreanara. Iba rin kasi talaga ang epekto kapag natalo ka sa isang laro. Gustung-gusto mo rin talagang bumawi. ‘Have fun self, but you should not also forget your real purpose for coming here,’ pagpapaalala ng maliit na boses sa isipan ng dalaga. Akmang magsisilagayan na ng mga chips bet ang mga manlalaro nang may biglang pumitik na ideya sa utak ng dalaga. “Let me have a proposal, everyone,” panimula ni Dreanara. “Let’s all have an aggressive strategy and bet all our chips in one slot. Whoever wins can not only win the prices but also can demand one justifiable demand from anyone he/she wants to ask,” suhesiyon niya. Napapisip naman ang iba. Karamihan ay medyo hesitant sa suhesiyon ng dalaga. Putting all their chips were too risky of a move. Tanging ang fun, daring and adventourous type of a person na si Eva lamang ang sumang-ayon. “Alright. Let’s do it then! I couldn’t wait to boss someone around. It would be so much fun!” excited na anito. “How about the others?” baling ni Dreanara sa iba upang alamin ang kanilang mga tugon. Dito naman nag-step in ang kapapanlo lamang na ginang kanina upang ipahayag ang saloobin niya. “Since, only the two of you are into that challenge, we supposed we should step back a bit for the two of you to duel in this game. We’ll have the dealer throw a maximum of five bouts if no one hits the jackpot until then. In cases, no one does wins until the fifth rounds, both of you loses and would be forced to exit this game,” mahabang pagpapaliwanag ng ginang sa new rules na magagamit. “How about that?” “Agree!” mabilis na tugon ni Miss Montemayor. Tumango naman si Dreanara bilang pagsang-ayon. Medyo umatras na ang ibang mga manlalaro mula sa roulette wheel at tsaka nagsimula nang mag-isip ang dalawang kalahok kung anong numero ang tatayahan. Sa huli ay napagdesisiyunan ni Dreanara na ilagay lahat ng chips niya sa black slot number 05 habang sa red slot number 14 si Eva. Hinagis na ng dealer ang bola sa umiikot na roulette wheel sa pinakaunang pagkakataon. Halos hindi matinag ang mga titig ng dalawang dalawa sa paggalaw ng bola habang tahimik na nananalangin na tsumamba ito sa numerong tinayaham. Matapos ang apat na bout ay wala pa ring nakakatama sa dalawa. Hindi tuloy maiwasan ng dalawa ang bahagyang kabahan para sa huling bout ng pag-ikot ng bola. Ngunit sa kasawiang palad ay wala pa ring nakatama kahit sa ikalimang ikot ng roulette wheel. Kagaya ng napagkasunduan ay napaalis ang dalawang dalaga sa laro. Since pareho silang walang ka-partner na dumating sa lugar, napagpasiyahan na lamang nilang magtungo sa drink counter para uminom. Kahit naman papaano ay mahigpit at maayos ang security system ng hotel kaya panatag ang loob nilang walang magta-try na mambastos sa kanila. Sa kabila ng pagkadismaya sa laro ay hindi pa rin maiwasang mapangiti ni Dreanara sapagkat kung titignan sa ibang anggulo panalo pa rin nag pagkatalo niya kanina sa laro. She got to have a private time with this probable client na siyang pinakarason ng pagpasok niya rito sa casino. May legal license man ang El CUnagco Hotel & Casino na mag-operate ng ganitong klase ng business mula sa gobyerno ay hindi pa rin talaga siya masiyadong open sa ideyang paglaruan ang pera alang-alang lamang sa isang laro. Sadyang wala lang talaga siyang ibang choice kundi ang makilahok para mapalapit sa kanyang target. ‘You still did a great job, Dreanara! Now that you have her attention, you should also earn her trust and then later talk about your business agenda.’ “Ugh! That game was really a measurement of your own luck. No one can certainly win nor certainly lose since the result are at random. This is just so distressing! One punch of margarita please!” napapalakas na ani ni Eva sa bartender. Halatang inis n ainis ito sa naging kinalabasan ng laro. “Oh, come on, Eva. It’s just that it’s not your day. Let it slide,” pagta-try na pa-comfort ni Dreanara upang pakalmahin ang kasama. “Right. It’s just a freaking dumb game,” gigil na pagsang-ayon nito na halatang pinipilit na paniwalain ang sarili na hindi siya apektado kahit halatang sobra siyang apektado sa pagkatalo. Matapos ang kunting pag-inom ay napagpasiyahan ng dalawang makisayaw sa maliit na dancefloor sa opposite side ng room kung saan naroon ang iba’t-ibang mga palaro. Nang mapagod ay bumalik muli sila sa counter sa pamimilit ni Eva na uminom pang muli. Sa kabila ng pagtutol ni Dreanara ay mapalit pa rin ito hanggang sa halos hindi n anito makayanang igalaw ang katawan. ‘Oh, right. Paano ko naman ito makakausap patungkol sa business negotiation kung sobra na itong lunod sa alak? Maybe, I should just try again tomorrow during day time even before she meets up with the El Cuangco Corporation. Makukuntento na lamang ako sa maliit na tagumpay kong kunin ang atensiyon at loob nito sa ngayon. Bukas ko na talaga tatapusin ang aking nasimulan,’ mahabang ani niya sa kanyang isipan habang hinihintay si Lucas. Tinawagan niya kasi ito para may magbuhat sa kasama. Mayroon namang mga bouncer sa paligid pero mas gusto niya pa rin sa kakilala niya ipapabuhat ang kliyente. Kahit naman papaano ay pareho niya itong dalaga at batid niyang mas gugustuhin ng isang dalaga na mabuhat ng taong medyo kakilala niya kunti kaysa sa hindi niya talaga kakilala ni isa. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang nasabing lalaki. “Hello, Young Miss. Why did you call me over here?” seryoso at kalmado pa ring tanong nito. Tinuro naman ng dalaga ang katabi na ngayon ay nakasalampak na ang mukha sa may pahabang lamesa na konektado ng drinks’ counter. Mahimbing na ang tulog na animo’y hindi naiingayan sa mga ingay sa paligid. “You carry her over to her room. I already talked with the hotel manager over the phone to give us a spare key to access her room in order para ihatid siya,” paliwanag ni Dreanara habang pinapakita ang key card na hawak niya. “Very well then, I will carry Miss Montemayor,” pagsang-ayon ni Mr. Valdemor. “But how about you, Young Miss? Can you still walk yourself?” pagtatanong ng lalaki. Parte kasi sa kanyang trabaho ang siguraduhin din ang seguridad ng pamilya Vragus. Tumango naman si Dreanara. “I am. I mean, I didn’t drink as much as Miss Montemayor. Plus, I am really a drinker myself,” sagot nito tsaka tumayo na. Binuhat ni Lucas ang nakatulog ng si Eva at tsaka nagsimulang maglakad palabas ng casino hall. Nakabuntot lamang ito sa medyo gumegewang-gewang ng si Dreanara. Maliit man ang nainom ay sadyang mababa ang tolerance ng katawan nito sa alak. Kahit kunting pag-inom ay may epekto na sa kanya kagaya ngayon. “You know what mister… tonight’s plan is halfway successful,” hindi mapigilang komento ng dalaga nang maipasok na sa kanyang kwarto si Miss Montemayor. She is sure that with the helping hand they’ve showed Eva tonight, she will feel indebted towards them… towards Dreanara, who would appear as her guardian and protector for that night. Sa ganitong paraan ay mas mapapataas ang tiyansang mapa-oo ito sa ilalatag na formal business negotiation ng Vragus Empire’s representative.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD