Matapos ang mahaba-habang biyahe ay nakarating na rin sa may El Cuangco Hotel & Casino sina Dreanara at Manong Jules. Sa kabutihang palad ay hindi pa umaalis sa hotel si Miss Montemayor ayon sa ulat ni Lucas.
Pinagbuksan ni Manong Jules ang dalaga nang makatapat na sila sa main entrance ng hotel. Maingat namang bumaba si Dreanara.
May isang hotel bell boy na rin ang lumapit upang magpasok at magdala ng mga bagahe ng Dreanara. Binitbit ng mga ito ang luggages ng dalaga at tsaka sumunod sa likuran ng dalaga, na ngayon ay confident na naglalakad na patungo sa front desk.
“I have a reservation for Room 667 booked by Mister Lucas Valdemor,” wika ng dalaga. To save time ay advance na siyang nagpa-arrange ng room booking malapit sa Room na tinutuluyan ng kliyenteng hinabol pa niya rito sa Vestria mula Bronton.
Medyo nahirapan pa nga si Lucas na makuha ang Room Number ni Miss Montemayor dahil sa confidentiality code ng mga nasa front desks na empleyado. Ayon sa linagdaan nilang kontrata sa trabaho ay hindi sila allowed na mag-divilge ng mga personal at confidential informations ng mga customers nila, kabila na ang kanilang mga Room Numbers. Mabuti na lamang at tagumpay na nasuhulan ng tauhan ni Dreanara ang isang bell boy na naghatid ng mga bagahe ng nasabing dalaga.
It would be a big advantage para sa Vragus heiress ang maging malapit lamang sa tinutuluyan ng kilyente nito upang magkaroon ng mas mataas na tansiyang magkatagpo sila sa daan o di kaya’y sa harap ng kanilang mga kwarto.
She came here with the strong resolve to win over this probable investment at pigilan na makalapit pa ang mga taga-El Cuangco Corporation.
“Miss Dreanara Iris Vragus, right? May I please see an authentication card?” magalang at professional na ani ng front deskter.
Mabilis naman hinugot ng dalaga ang ID nito at ipinakita sa babae. Matapos kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng dalaga ay inabot na nito ang key card para sa nasabing room reservation.
“Thank you for your cooperation, Ma’am. Here is room key card.”
Walang segundong sinayang ang heredera at mabilis na nagtungo sa may elevator upang makapag-shower na rin at mag-stand by sa kung ano man ang maaring maging galaw ni Miss Eva Mira Montemayor.
Base mga litrato nito sa social media ay magkasing-edad lamang sila. At tila ba meron itong walang katapusang energy at palagi na lamang punung-puno ng mga lakad ang kanyang buhay.
Matapos ang nakakapagod na biyahe mula sa Bronton papuntang Vestria, hindi pa rin imposible para sa nasabing kliyente ang pumunta agad mag-party party kagaya ng nakasanayan niya. Dapat manatiling nakahanda sa lahat ng oras si Dreanara kung sakaling lalabas ito para masundan niya at personal na makausap at kaibiganin. Matapos makuha ang loob at atensiyon ay ipapasok na niya ang hiden business agenda niya.
Mabilis siyang nag-shower at tsaka nagsuot na rin ng isang strapless rutched mini dress na kulay itim. Pa-heart shape ang cut nito sa taas ngunit hindi masiyadong malalim para ibulgar ang cleavage nito sa publiko. Katamtaman lamang para i-match ang liberated fashion sense ni Miss Montemayor.
This outfit is both for casual wear and for party wear na rin kung sakaling magka-club ang sinusundan niya.
Napatingin siya sa kanyang watch at napagtantong alas sais na pala ng gabi. Nag-order na siya ng room service na magdala ng pagkain niya sa kwarto para makakain muna siya ng mabilisan.
Hindi naman nagtagal ay tumunog ang harapan ng kanyang kwarto bilang hudyat ng pagdating ng room service na rinequest niya. Pinatuloy niya ito at hinintay na i-set up ang pagkain sa hapagkain ng kwarto niya bago magsimulang kumain.
…
…
Cring! Cring! Cring!
Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang siya pagnguya nang tumunog ang kanyang cellphone. Galing ito sa namamatyag na si Lucas mula sa labas.
“Hello, did Miss Montemayor leave the place?” kaagad niyang tanong nang masagot ang tawag.
“No, Ma’am,” maiksing sagot ni Lucas. Nanatiling tahimik na lamang si Dreanara upang bigyan ng pagkakataon ang lalaki na mag-explain. Besides, maganda na ring ihabol niyang kumain pa ng ilang subo bago pa man din magsimulang mag-set into action. Mahalaga ring aspeto na hindi kumakalam ang sikmura sa pagtatrabaho.
“I just spotted Miss Levisha Fernillo, the fiancée of the El Cuangco’s heir, had just entered the hotel lobby. I thought this was an important fact, Young Miss, that’s why I reported it,” mahabang paliwanag ng lalaki gamit pa rin ang malamig, seryoso at kalmado nitong boses.
Minsan nga hindi maiwasang magtaka ni Dreanara kung may pagkakataon bang ngumingiti o tumatawa ang tauhan nilang ito. Sobrang composed at professional kasi nito everytime na magsalita at magtarabaho.
“Alright, then. I appreciate the initiave. Report anything that you think important right away,” saad ng dalaga. “And also, take time to order some food online and get it delivered in your car. Kailan niyo rin pong kumain Mr. Valdemor,” dagdag pa nito bago patayin ang linya.
Unfair naman kasi na kumakain siya ng masarap sa kanyang kwarto habang linalamig sa labas ang kanyang tauhan at kumakalam pa ang sikmura. Konsensiya na rin niya bilang employer nito kung magkasakit ito dahil sa pagsunod ng utos niya.
Habang kumakain ay hindi niya maiwasang magtaka kung ano kaya ang ginagawa ng dating ate sa hotel. ‘Why on earth Levisha Fernillo would be here? What would be her motifs be? Hindi kaya…Hindi kaya narito siya para makipagtransaksiyon na kay Miss Montemayor,’ bahagyang napatigil sa pag-iisip si Dreanara.
‘Ugh! Gosh, ba’t ko naman iyon naisip.’
Higit sa ibang tao, hindi hamak na mas kilala niya ang dating nakatatandang kapatid. Halos magkapareho lang din sa kliyenteng hinahabol niya nag personalidad nito ngunit kung tutuusin ay mas magastos pa si Levisha sapagkat mahilig itong mag-shopping samantalang hindi naman ganoon kagarbo si Eva.
The client is more prudent in terms of spending and values personal experience on fun and adventourous escapades rather than buying luxury items just like her former sister.
Imposible namang ibigay ng mga El Cuangco ang isang malaking negotiation na ito sa kanya. Not unless kung sa loob ng siyam na buwan ay nagbago ang kanyang kapatid, which is mahirap paniwalaan base sa pagiging hot tempered at war freak pa rin nito noong huli silang nagkita sa hallway rin ng parehong hotel na tinutuluyan niya ngayon.
‘Maybe, she was here for a personal reason. At hindi talaga necessarily na konektado sa negosasiyon.’
Iwinaksi niya nag pag-aalinlangan sa kanyang isipan at ipinagpatuloy na sa pagkain.
Saktong papatapos na siyang kumain nang tumunog muli ang doorbell ng kanyang kwarto. Napakunot ang kanyang noo.
‘Hmmm… sino pa ba ang maaring kumatok sa aking pintuan liban sa mga hotel staffs for room service. Pero dumating naman na ang room service request ko for dinner to be delivered in my room. So, sino naman ngayon ang maaring kumakalampag ng pintuan ko aber?’ takang-takang pagtatanong ng dalaga sa sarili.
Thinking it was just some sort of wrong addressed door ringing… baka may nagkamali lamang ng kakatuking pintuan, hindi na muna niya ito pinansin.
Ding! Dong!
Pag-uulit na pagtunog ng nakakabit na doorbell mula sa labas. Kahit medyo hindi sigurado ay naglakad si Dreanara sa may pintuan upang i-check kung sino ang nasa labas. Mabuti na lamang at may maliit na monitor ang nakakabit sa gilid ng door na nagpapakita ng CCTV footage sa harap ng kanyang pintuan.
At halos lumaki ang kanyang mga mata sa nakita…
May isang matangkad na babae na kulay itim ang buhok at nakasuot ng kulay red na spaghetti strap dress ang nakatayo sa harapan ng kanyang pintuan. Mula sa pagtayo at pigura nito ay makikilala na kaagd niya ang pagkakakilanlan nito. Mula kasi sa itaas ang kuha ng CCTV camera kaya hindi masiyadong malinaw ang mukha ng tao kung nakayuko ito.
“What is she doing here?” mahina ng tanong sa sarili bago unti-unting buksan ang pintuan.
“Dreanara,” malamig na pambungad ng babae na nakapula sa labas nang bumakas nag pintuan.
“Levisha.” Hindi naman papatalong usal ng dalaga. “What brings you here? And how the hell did you know about my Room Number?” taas kilay na pagtatanong nito.
Napatawa naman ang kausap. “Why can’t I be here? Eh, pagmamay-ari ng husband-to-be ko ang hotel na ito?” pagbabalik tanong nito.
Napa-roll eyes na lamang ang mayamang heredera.
“That’s totally not my point, Miss Fernillo—”
“Ah, ah, ah. Future Mrs. El Cuangco, you say,” pagpuputol ni Levisha sa statement ni Dreanara na mas nagpataas pa ng level of asar na nararamdaman nito.
‘If only you know who truly I am, maybe you would hold your tongue for saying insolent things like ‘future Mrs. El Cuangco when I already did become once before everything was ruined by your mom,’ hindi maiwasang sabihin ni Dreanara sa loob ng kanyang isipan.
She just hates the guts of Levisha. Kung matagal na siyang spoiled brat at b***h noon pa man, mas lalo pang lumala ngayon na na-engage siya sa pinakamayamang angkan dito sa Vestria. Mas lalong lumaki ang dati na niyang malaking ulo.
If only hindi masisira ang orihinal na plano nila ni Mrs. Vragus na gawin siyang tagapagmana ng Vragus Empire sa pamamagitan ng pag-aaktong si Dreanara, ay malamang kanina niya pa binulgar ang tunay niyang pagkakakilanlan para ipakain sa mukha ng kapatid ang mga salita nito.
But of course, Hariet is thinking of far greater things than satisfying her own ego. They have a plan and she should not ruin it for her own selfish sake. Marami na ring naitulong ang ginang sa kanya, at hindi niya rin maitatangging lately ay napapamahal na rin talaga siya sa pamilyang Vragus. Maging ang lolong minsan pa lamang niya nakita at nakausap ay napapalapit na rin talaga ang kanyang loob. Hindi niya rin lubos maintindihan pero pakiramdam niya… she is finally home at the arms of the Vragus Family.
Maybe, it was because… sa pamilyang ito pa lamang niya maramdaman ang mahalin at bigyan ng pagpapahalaga. Mga bagay na hirap niyang makuha at maransan noong nasa puder siya ng kanyang biological na ama at kinalakihang nanay-nanayan.
“Ugh! Whatever. Call yourself anything you want,” pagsuko niya sa childish demand ng kausap. Lumabas siya at tsaka sinara ang pintuan. “So, why are you here again? I mean, why are you knocking at my door for Pete’s sake, this is what I mean,” pag-uulit niya ng tanong na may kasama ng additional specific backup question para hindi nanaman ma-misunderstand ng kausap ang ibig sabihin.
“Huh! I am supposed to be the one to ask you about that? What are you doing here in Vestria? Wasn’t Bronton your territory? Ba’t ka biglang narito at bakit saktong dito talaga sa hotel ng mapapangasawa ko?!” sunud-sunod nitong tanong. Ramdam na ramadam ang intensidad ng galit na nararamdaman nito habang nagsasalita.
‘Oh girl? Are you seeing me as a threat to your so-called fiancé? Ni wala pa nga akong kabala-balak na paghiwalayin kayo hangga’t hindi pa kayo naikakasal. Wel, unlike you, I have patience. For all my life, living under the roof of our parents, everyday I was taught to be patience everytime na you get everything while I barely sustain my needs.’
Nanatili lamang tahimik si Dreanara at hinayaang matapos ang napakahabang reklamo at tanong ng kausap. Sa bilis naman kasi nitong magsalita, para bang imposible ng makasingit pa siya.
Ngunit hindi inaasahan ng dalaga na ang pagiging tahimik niya ay magbubunga ng isang napakalaking bagay dahil sa mga sumunod na sinabi ni Levisha.
“Ah! Don’t tell me you are here in our hotel to intentionally collide paths with my husband tomorrow night where he will be meeting with an important client at our casino downstairs? How dare you, fiancé stealer?!”
Habang umuusok sa galit ang ilong ni Levisha ay napapintig ang mga tenga ni Dreanara.
‘Did Levisha just revealed the whole scheme of the El Cuangco Corporation tomorrow with regards to a VVIP client like Miss Montemayor? Gosh! I never thought Levisha’s reckless war freak behavior could be of help for my plan until now.’
“And why are you smiling, huh?! You’re mocking me?!” muling sigaw ni Levisha.
“Oh gosh, did I?” Medyo nabigla rin si Dreanara na napapangiti na pala siya ng hindi niya inaasahan.
“Answer me, b***h!” bulyaw pa ulit nito.
Awtomatiko namang napatakip ang mga kamay ni Dreanara sa kanyang mga tengga bago pa mabasag eardrums niya sa tindi ba naman ng boses nito.
‘Oh gosh! I just learned a very important fact. Now, I have the advantage of time since bukas ng gabi pa pala ang naka-schedule na meet up nila. I can utilize the time remaining before that to already closed a deal with her,’ masayang pagpaplano ng dalaga sa kanyang isipin.
Since wala naman siyang balak na magsimula ng gulo ay itinaas niya ag kanyang kamay sa hangin upang pigilan ang pag-akusa ni Miss Fernillo sa kanya.
“Stop overthinking, Levisha—”
“What? Me? Overthinking? No, I am just being beware of snakes that’s trying to enter my territory to take is rightfully mine!” pagdepensa nito.
Pilit na lamang na tinanguhan ni Dreanara anfg kausap. May iilan na kasing mga guests na naka-checkin na malapit sa kanila ang dumudungaw upang tignan kung ano ang ingay na naririnig nila sa pasilyo ng kani-kanilang mga kwarto.
Sa kabutihang palad ay hindi kabiling si Miss Montemayor sa mga dumangaw kahit na malapit lang din kwarto nito sa kanya. Hindi naman kasi magiging maganda para sa imahe ni Dreanara, ang business representative ng Vragus Empire, na nakikipagbasag ulo sa ibang tao sa mga harap ng ibang tao. It’s a big turn off with regards to professionalism.
“Alright, let’s just say you’re not. But seriously girl—”
Akmang puputulin ulit niya ang sasabihin ni Dreanara kung kaya naman sinenyasan siya nito na pakinggan muna siya.
“Hear me out first. I am not here for your man or whatever you’re thinking. I am simply here for a business-related stuff,” pag-reveal niya ng honest motives ng pahpunta niya rito sa Vestria para matahimik na ang kalamnan ng kapatid at matapos na rin ang ikapuputok ng butchi niya.
It might be too reckless for Dreanara to reveal na nandito siya for business stuffs, pero alam niya naman sa kanyang sarili na hindi mangingialam si Levisha sa mga ganitong bagay kung kaya safe lang na banggitin ito. Tsaka isa pa, wala naman siyang ibang maidadahilan na mas magiging kakumbikumbinsi.
“Are you sure about that? I mean, how can I be sure you’re not lying?” pagbabalik tanong ng kausap na halatang hindi na hundred percent na convinced. Iba rin talaga kausap ang mga praning at threatened na maagawan. They make even the smallest thing a big deal. Maybe ang maa-appreciate niya lang ay ang bahagyang pagbaba na ng boses ng boses kumpara kanina na halos pasigaw.
Bumuntong hininga si Dreanara para pakalmahin ang kanyang kalamnan. Aminado siyang nasasayang lamang ang kanyang oras sa pakikipag-usap rito gayong may mas mahalagang bagay siyang dapat trabahuhin.
“Dear, I will be leaving this hotel before tomorrow night. That would mean na hindi na magtatagpo ang schedule ng pagdating ng fiancé mo sa pag-alis ko. You have nothing to worry about. That is if you were confident, he loves you.” Hindi maiwasang magtapon ng kunting shade ang dalaga sa huling part ng kanyang statement.
“O…Of course, he loves me very well,” nauutal na mabilis na depensa nito. Halatang hindi ito sigurado sa sinasabi.
‘Alam ba niyang sa gawa nakikita ang tunay na nararamdaman ng tao kaysa sa salita. And her very act of personally coming here in front of my doorstep to talk me out to leave her fiancé alone is, but, an implication of her insecurities and unstableness with him. She is not confident enough about herself and she is definitely not confident about his love either.’
But since wala ng oras na makipag-aregluhan ang dalaga ay hinayaan na lamang niyang pagsinungalingan ng kausap ang mismong sarili nito sa delusiyong sinasabi niya.
It was not long when Levisha regained her composure and boastful nature again.
“Make sure to keep your word or else I would be repeating what I said last time,” pagpapaalala muli nito. “Don’t ever think of stealing my future husband or else I’ll make your life a living hell,” matapang nitong ani bago tumalikod at umalis.
Sakto namang may mga papalabas na mga security guards mula sa end ng corridor kung saan may elevator. Marahil ay may nag-report ng ibang guests about sa pag-iingay nila sa labas ng mga kwarto. Nasa around 7 PM na rin kasi ng gabi.
“Nothing’s wrong here. Get back to work!” rinig ni Dreanarang wika ni Levisha sa mga paparating na mga security guards.
“Noted po, Ma’am,” magagalang namang pagsunod ng mga security guard sabay yuko bilang respeto. Lahat na kasi ng mga emplyedo ay kilala siya bilang fiancée ng kaisa-isang apo ng chairman ng El Cuangco Corporation, na ngayon ay nagsisilbi ng vice-chairman bilang preparation ng nalalapit nap ag-takeover niya sa posisyon ng lolo pagkatapos ng kasal.
Tumalikod na rin si Dreanara at bamalik sa loob ng kanyang room. Dali-dali niyang tinakbo ang naiwan niyang selpon sa ibabaw ng kanyang lamesa.
“Ugh! Damn it! Tumawag pala si Mr. Valdemor,” hindi maiwasang mura nito ng makita ang two missed calls sa kanyang screen ten minutes na ang nakakaraan. Hindi niya namalayan na ganoon na pala katagal ang naging pagtutuos nil ani Levisha.
Kung kasi magsalita ito parang wala ng bukas sa haba ng mga binibitawan nitong mga salita.
Mabilis niyang tinawagan pabalik si Lucas upang alamin ang na-miss nitong report kanina dahil sa hindi inaasahang istorbo sa labas.
“What’s the update?” dali-dali niyang tanong na kaagad namang sinagot ng lalaki.
“The bell boy I hired as a secret spy inside said that he saw the guest in Room 665 having her dinner at the dining hall of the hotel,” pagsasalaysay ng kausap sa kabilang linya.
‘I must say magaling talaga spy at imbestigador ang lalaking ito. Magaling rin itong mag-employ ng sarili niyang tauhan sa maiksing panahon,’ hindi maiwasang pagpupuri niya sa kanyang isipan.
“Alright, then. I will be heading there right away. Contact me again for new updates,” saad ni Dreanara bago ibaba ang cellphone.
‘Ugh! Paano ba iyan? Tapos na akong kumain pero need kong magkaroon ng rason para pumunatang dining hall at magkuwaring makipagkilala sa kanya.’
Hinablot na niya ang kanyang purse at nagsimula ng maglakad para isagawa ang plano. O-order na lamang siya ng light meals para magkaroon lamang ng rason.
‘Go Dreanara! Kayang-kaya mo ito. Make sure to get her attention, then her trust, then finally her sweet yes in the investment offer. Don’t disappoint Mrs. Vragus and Chairman Vragus,’ mariin niyang pagpapaalal sa sarili.
Nasa elevator pa lamang siya nang tumawag ulit si Lucas. Tahimik niya itong inangat at hinayaang magsalita ang nasa kabilang linya. May kasabayan kasi siyang mag-asawa sa loob ng elevator at hindi naman niya gustong magsimula ng suspicion.
“New update. The client is now heading to the casino extension at the back of the hotel. Ask for assistance towards the said casino. Good luck, Young Miss. All is left in your hands,” ani ng kausap.
“Got it,” maiksing sagot ng dalaga bago patayin ang tawag. Hindi niya maiwasang matuwa sapagkat naiba ang venue na pupuntahan niya.
Busog na busog na kasi siya at wala siya sa mood na kumain pa ulit kung kaya blessing in disguise na rin ang pagbabagong ito.
‘Here I come now, Miss Montemayor to persuade you to join our side. For the sake of building my own credibilities as the Vragus Empire Heiress, I should give it my all for the company.”