REAGAN FAYE RODRIGUEZ
“Mawalang galang na ho, pero hindi ako lampa at mas lalong hindi ako bobo. Med’yo lang pero hindi ganoon kalala at may common sense naman ako ano. ‘Yan ang mas importante.” Bumakat ang buto ng panga ni demonyito nang dahan-dahan n’ya akong binalingan ng tingin.
“I want a skilled employee.”
“May skills din naman ako! Masipag pa at mabait! Kayang-kaya ko naman i-mute ang bunganga ko kung gusto n’yo ‘e. Ang hindi ko lang nagustuhan ay ‘yong nilait mo akong pandak. Nakakatampo lang.” Diniin n’ya ulit ang bagang n’ya na parang gigil na gigil sa presensya ko.
“Faith, this is not a good idea.”
“Just give her a try, Devillion,” pangungumbinsi pa ni Ate Faith.
Napa-masahe ng sariling sintido si demonyito na parang pinagiisipan pa kung tatanggapin ako. “’Wag ka nang magdalawang isip, bossing. Hindi mo pagsisisihan kapag ako ang naging empleyado mo!”
Kinakailangan namin s’yang mapapayag at ayaw kong umuwi ng luhaan. Maghahanap ulit ako ng hanap buhay kapag talagang pumalpak ako.
“Devillion, I made a promise to her sister that I will give that job to her…” Napa-pikit ng mariin ang demonyito. Hindi pa rin s’ya nag-salita. Hindi naman ako nagmamadali kaya hinayaan muna namin s’yang makapagisip-isip.
Hanggang sa minulat na ang kan’yang mga mata at tinutok ang sa ‘kin.
Nginitian ko na lang s’ya ng hilaw. “Fine but I will decrease her salary.” Biglang nag-laho ang pag-kurba ng mga labi ko.
“Why not?” Inangat n’ya ng tingin si Ate Faith.
“In that physique, do you think she can do anything?” Sabay tinuro pa ako at tinitigan ko naman ang katawan ko.
“Wait, bago mo babaan ang sahod n’ya, tingnan mo muna ang performance ni Reagan.” Tumango-tango naman ako para segundahan si Ate Faith.
"Ibig sabihin ba nito boss, hired na ako?” Imbes na sagutin ako, tinapunan lang ulit ako ng tingin habang sinasalpukan ng mga kilay at binalik ulit ang buo n’yang atens’yon sa monitor. Pinagpatuloy n’ya na ang pag-t-type.
“Ate?” Hinarap ko s’ya. Humarap din si Ate Faith sa ‘kin at nginitian ako ng ka’y lapad.
“Yes, baby girl. You are hired.”
Doon namilog ang mga mata ko at kuminang-kinang pa ng husto. Tinikom ko agad ang bibig ko para tumili ng palihim pero mukhang hindi yata natutuwa ‘yong lalakeng nag-ngangalang Dean dahil napapahinga s’ya ng malalim at umiling-iling pa.
“Reagan, starting tomorrow formal attire na ang outfit mo ha?”
“Wala naman po akong disenteng damit pero ‘pag sumahod na ako, bibili po ako!” masiglang sambit ko.
“Okay, good. Maiwan muna kita rito. Kung may gusto kang itanong sa ‘kin, open lang ako lagim” Mabilis kong tinanguan si Ate. “Dean, ikaw na ang bahalang mag-guide kay Reagan since baguhan pa lang s’ya sa ganitong larangan.”
“Yes, miss.” Nag-yes pero mukhang labag sa loob ah.
Nag-paalam na si Ate Faith. Nilisan ang office ng demonyito n’yang fiancé. Kaming tatlo na lang ang natira rito sa office pero nabibingi ako sa katahimikan. Si Dean, lumabas din kaagad at may sarili s’yang office. Napapakamot ako sa likod ng ulo dahil mukhang wala namang utos pa itong demonyito kaya ang ginawa ko, hinila ko ang rolling chair. Inupuan ko iyon habang kaharap ko s’ya rito sa office table n’ya.
Kitang-kita ko ang repleks’yon ng screen sa iris ng demonyito. Bilang na bilang ko kung ilang beses s’yang kumurap at rinig na rinig ko ang bawat pag tipa sa keyboard n’ya. Naagaw ang aking pansin nang hinawakan n’ya ang wireless mouse. Ang ugat ng likod ng kamay n’ya at pati na rin ang kan’yang lower arm. Hindi ko na makita ang biceps n’ya dahil nakatago sa loob ng kan’yang manggas na hanggang siko lang.
“Boss, ano ang mga dapat kong iwasan bilang personal assistant n’yo? Baka kasi magulat ako at may mga bawal pala.”
“Ayaw ko ng mga tanga at lampa.” Sinalubong n’ya ang mga mata ko na parang pinapatamaan n’ya yata ako. “At higit sa lahat, ang tamad, maingay at hindi sumusunod sa oras.”
“G-Grabe, parang halos lahat yata, qualified ako riyan ah?” Iniwasan n’ya ako ng tingin. “Anyway, ilang taon na pala kayo, boss?”
“Twenty-four.” Napa-awang ang bibig ko.
“A-Ano?! Kaedad lang pala tayo?!” Sa gulat ko, tumaas ang boses ko na ikinasingkit ng mga mata ng demonyito.
“Why are you so surprised?”
“Kasi parang mukha na kayong tatay sa porma at katawan n’yo ‘eh.” Nangisay saglit ang lower eyelids ni demonyito na parang na-offend s’ya sa sinabi ko.
“Hindi rin naaayon ang edad sa height mo.” Sinimangutan ko s’ya.
“Ikaw nga, hindi kayo bagay ni Ate Faith. Mas matanda si ate sa ‘yo ng ilang taon. Thirty-three years old na s’ya, hindi lang halata sa hitsura. Pero… ang tinutukoy kong hindi kayo bagay, ‘e… ang sama ng ugali n’yo pero si ate, para s’yang living angel—“
“Stop taking. I have no mercy to a dwarf like you so be quiet.”
“Wala rin po akong awa sa kapre na katulad n’yo.”
“By the way, your salary is 20 thousand pesos.” Nilakihan ko s’ya ng mga mata.
“Ano?!” Napa-tayo ako.
“Hindi ka ba nakakaintindi ng Ingles?”
“Sandali, bakit ang baba naman yata?!” Inangat n’ya ako ng normal na tingin.
“Do you think you are worth it to get paid that much?”
“Ang kuripot mo naman! Kahit trenta mil, papatol ako! Mas malaki pa yata ang sinasahod ko sa salon kapag pagsasama-samahin ko pati ang natatanggap kong tip eh!”
“Good, then get out.”
“Gawin mo nang 30k, Boss!”
“Tataasan ko lang ang sahod mo ‘pag maayos ang pinapakita mong serbisyo sa akin.”
“So, may chance?” Umiwas ulit s’ya ng tingin. Huminga ako ng malalim. “Sige na nga, hindi na masama. Kakaumpisa ko pa lang kaya okay na… payag na ako.”
“Bansot, paki lagay ang librong ito sa room 3, shelf number 4. Don’t misplace it, okay?” Dahan-dahan kong tinapunan ng tingin ang nag-salita. Kakapasok lang ulit ni Dean habang patungo sa kinatatayuan ko.
Humarap ako sa kan’ya at sinisingkitan ko s’ya ng mga mata. “Here.” Tumigil s’ya sa harap ko at inabot ‘yong isang malapad sa libro na hindi naman gaanong kakapalan.
“Sige, payatot.” Pahablot kong kinuha ang libro na kapit ng kamay n’ya.
“Mas matanda ako sa iyo kaya igalang mo ako," maawtoridad n'yang utos.
“Ilang taon ka na ba?”
“Twenty-three years old.” Doon ako natawa ng pagak.
“Sira ulo ka pala ‘e. Mas matanda ako sa ‘yo ng isang taon kaya ako ang igalang mo!” S’ya naman itong nginisihan ako.
“Not a chance. Bakit ko naman igagalang ang isang bansot?” Uminit ang mukha ko sa inis.
“Be professional.” Narinig kong sinaway kami ni Demonyito.
“It’s fine, Devillion. Tayo-tayo lang naman ang nandito,” natatawang tugon ni Dean.
“’Pag may client kayo, ipapahiya talaga kita,” pagbabanta ko.
“Ayos lang, hindi naman ako ‘yong mawawalan ng trabaho.” Lalo pa akong naasar. “Bilisan mo na, bansot. Dalhin mo na ang libro sa book collection room.
“Oo na, payatot.” Tinalikuran ko na agad s’ya at padabog na nag-lakad patungo sa dulo nitong kaliwang bahagi ng pader. Pumasok ako roon. Nasilayan ko agad ang mga naka-hilerang mga book shelf.
Lumakad ako sa shelf number 4. Nang maiharap ko na, napagalaman kong wala nang space sa lower shelves na kaya kong abutin.
Dahan-dahan kong tiningala ang vacant shelf sa itaas. Sinubukan kong iunat ang mga kamay ko at nag tip toe pa ako pero hindi ko pa rin maabot. Nahingal lang ako sa paulit-ulit kong attempt. “Bakit kasi ang kakapre ng mga tao rito! Kahit shelf ladder, wala!”
Nag-hanap pa ako ng maaapakan ko man lang na bangko pero pati ‘yon, pinagkait pa sa ‘kin.
“That is why I don’t want to hire you.” Nanigas ang mga braso kong unat na unat para maipasok ko sana itong libro sa tallest shelf.
“Kasalanan ko bang pinanganak akong ganito?!” Hindi ko s’ya nilingon at sinusubukan ko pa rin na maabot ang shelf.
Narinig kong hiningahan ako ng marahas ni demonyito at lumakad palapit sa ‘kin. Mukhang kukunin n’ya yata ang libro sa kamay ko para s’ya na lang ang maglalagay sa shelf pero hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. “K-Kaya ko ‘to!” Naramdaman ko kasing tumigil na s’ya sa aking likuran.
“‘Wag mo akong pakealamanan—“ Naudlot ang sinasabi ko nang naramdaman kong may malalapad na mga kamay na kumapit sa magkabilang gilid ng aking baywang at biglang lumutang sa ere ang aking katawan.
“Damn, you are quite heavy.” Nanigas ang mga kasu-kasuan ko nang inangat ako ng demonyito! Naramdaman ko ang pagbaon ng dulo ng kan’yang mga daliri sa balat ko na nakakakiliti!
Tumindig tuloy ang mga kabuhok-buhukan ko! “What are you waiting for? Put that book on the shelf already.” Bumalik ako sa katinuan.
“S-Sige!” Mabilis kong pinasok ang libro at binaba agad ako ni demonyito.
Nilihis ko ang ulo ko dahil naramdaman kong umakyat ang dugo sa mukha ko.
Bakit naman kasi biglaan n’ya akong binuhat na parang maliit na bata?! Nakakahiya tuloy! “Reagan, I have a request.” Nilunok ko ang sariling laway at tumikhim.
Tiningala ko si demonyito. “Bakit po? Ano po ‘yon?” Naka-baba lang din ang tingin n’ya sa ‘kin.
“Next time don’t wear a short skirt like that. You are not a child anymore.”
“H-Ha?” mahinang sambit ko.
“Nakita ko ang panty mo.”