CHAPTER 4

1289 Words
REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Hey! Watch your mouth!” Doon ako marahas na hinila ng tauhan n’ya. Winaksi ko naman kaagad ang kamay n’yang naka-hawak sa braso ko at inangatan s’ya ng nanlilisik na tingin. Nasa na pala gitna kami ng hallway. Tinitigan n’ya ako pababa-pataas habang napapailing. “Bakit mo ako tinawag na bansot?!” Hindi ko puwedeng kalimutan na ininsulto ako ng lalakeng ‘to! “Ang liit mong babae pero ang tapang mo. Why did you disrespect my boss like that?” “Wow ha, ako pa talaga ang disrespectful nga s’ya nga itong sinupladuhan ako at hindi lang ‘yan, tinawag pa talaga akong pandak! Sinong hindi magagalit do’n, ha?! At ikaw, mas malala pa ang term na ginamit mo! Tinawag mo akong bansot!” malakas kong singhal sa kan’ya kahit rinig na rinig ko ang sarili kong boses sa buong palapag na ‘to at alam kong naririnig din ng demonyito na ‘yon! “Paki sabi sa demonyito, kung pandak ako, kapre s’ya! Narinig mo ba?! Ang sabi ko, kapre s’ya! Kapreeeeee!” Sinadya ko talagang lakasan at palawigin ang boses ko para iparinig sa boss n’yang nasa loob ng office. Nahingal tuloy ako. Napapakamot na lang sa likod ng ulo itong tauhan n’ya. “I don’t have time for this. You can leave all by yourself, right? You are not a kid anyway, you don’t need my company.” Hiningahan ko na lang s’ya ng marahas at tinalikuran. Padabog akong lumakad patungong elevator 3. Pumasok ako roon at padiin na pinindot ang ground floor button. Siningkitan ko pa ng mga mata ang tauhan ng Demonyito na nginingisahan pa talaga ako para asarin. Humugot ako ng maraming hangin. “Kung bansot ako, payatot ka naman!” Bago tuluyang sumara ang pinto, iyon ang hiniyaw ko na ikinahupa ng ngisi n’ya. Ito ang pinakaayaw ko, ‘yong pinipintasan ang height ko! Biniyayaan ako ng kagandahan pero kinulang naman sa tangkad! Nanggugulpi kaya ako ng tao kapag nilalait ang insecurity ko! Mabuti na lang at hindi ko ginawa ‘yon dahil baka kasuhan ako ng Demonyito. Ang salbahe naman pala ng fiancé ni Ate Faith. Hindi na nga ako binigyan ng chance, tinawag pa akong pandak! Ito na yata ang pinakaworst na araw na nangyari sa ‘kin! Hindi pa naman ako puwedeng bumalik sa salon ni Madame at masaklap pa, med’yo pinagmayabang ko pa na personal assistant ang trabaho ko pero napurnada pa! Sana dumiretso muna ako sa company building n’ya bago sa salon! “Ano na lang kaya ang sasabihin ko sa ate ko?” Nang maka-labas na ako sa gusali ng demonyito, tumungo muna ako sa palm tree at sumilong. Tumayo ako roon at nakipagtitigan sa damo. “Nakakainis! Bad trip—aray!” Sinipa ko ang katawan ng puno pero sinaktan ko lang ang sarili ko. Napapangiwi ako habang hinihimas kaliwang paa. Matatanggap ko pa na hindi matutuloy ang trabaho ko pero ‘yong pinabaunan pa ako ng sama ng loob?! Sa buong buhay ko, ngayon lang ako na-offend ng husto dahil sinabihan akong bansot at pandak! Grabe naman sila mag salita! Hindi nila alam na kaya kong paliparin ang kamao ko para maabot ang pagmumukha nila! “Reagan? Is that you?” Akma kong sisipain sana ulit ang puno pero narinig ko na lang bigla ang mala-anghel na boses ni Ate Faith. Dahan-dahan akong humarap. “Ikaw nga… bakit ka andito? Hindi ba’t nasa office ka na ngayon ni Devillion?” “A-Ate Faith…” Pinilit kong humikbi na ininalaki ng mga mata n’ya. “W-Why? What happened to you?” Mabilis n’ya akong nilapitan. Kinurap-kurap ko ang mga mata kong may namumuong konting luha. “Kasi po… hindi ako tinanggap…” “But I already hired you.” “’Yon nga po… akala po n’ya, lalake ako at Reagan kasi ang pangalan ko… Kaya pinaalis n’ya agad ako, Ate…” Umakto ulit akong naiiyak na ikinataranta ni Ate Faith. “Don't cry. Let’s go back... Hindi puwedeng sisantihin ka ni Devillion dahil may usapan kami ni Ate Eva mo.” Tumigil ako sa pagiinarte. “Talaga po?” Hindi ko na yata kinakailangang mag kunwari at parang kusa akong tutulungan ni Ate Faith. “Yes, he can’t fire you. I don’t want to disappoint your sister.” Kinapitan ni Ate Faith ang kanang kamay ko at hinila palayo sa lugar na ‘yon. “Si Devillion talaga…” Iyan ang bulong n’ya habang papasok ulit kami sa company building at tinungo ang office ng Demonyito. S’ya na ang nag-buzzer. Pag bukas ng pahati ang pinto, ginuhit ko agad ang nangaasar na ngisi sa aking mga labi nang bumungad ulit sa paningin ko ang presen ’sya ng payatot. S’ya kasi ulit ang nag-open ng pintuan Napansin n’ya agad ako na ikinasalubong ng mga kilay n’ya. “Miss Faith—“ “Devillion, bakit mo naman pinaalis si Reagan?” Dumiretso agad papasok si Ate at nilagpasan namin na parang langaw si Patayot. Habang patungo kami sa office table ni Demonyito, sinusundan n’ya ako ng tingin at nilabas ko agad ang dila ko para asarin s’ya. “You little…” Umakto s’yang parang gusto n’ya akong kutusan pero inikutan ko s’ya ng mga mata. Hindi lang ‘yan, pinakyuhan ko pa s’ya at mas’yado akong nasaktan sa bansot na term. Marami man na hindi maka-relate sa ‘kin pero naiinis ako ‘pag sinasabihan ako n’yan. Hindi na ako magpapabully ano. Dati pa naman akong kinukutya na pandak pero hindi na puwede sa ‘kin ngayon at namamatol pa ako kahit sinong kapre pa ang kaharap ko. “Faith, do you know that woman?” Tumigil kami sa harapan ng office table ni demonyito. Kausap n’ya si ate pero sa akin s’ya naka-tingin at para n’ya akong titirisin. “Yes, kapatid s’ya ni Eva. Nangako na ako sa ate n’yang si Reagan ang maging personal assistant mo.” “But I don’t hire a woman, especially with short limbs.” Kinagat ko ang lower lip ko at pinandidilatan ko ng mga mata ang demonyito. Kanina pa ‘to ah. “Just give her a chance, Devillion…” Tinapunan n’ya ng seryosong tingin si Ate Faith. “No.” Bahagyang namilog ang mga mata ko sa magaspang na tugon n’ya. “Bossing, fiancée mo ‘yang kaharap mo at hindi ibang tao pero ang maldito mo pa rin. Ang sama naman ng ugali mo.” Sa akin naman dumako ang matalim n’yang pagkakatitig. “Oh, totoo naman ah? Ang sama naman talaga ng ugali mo.” Binalingan ko ng tingin si Ate Faith. “Ate, alam mo po bang… kinutya n’ya akong pandak?” Napa-titig s’ya sa ‘kin saka binalik ang buong atens’yon kay demonyito. “Stop being mean, Devillion,” mahinahong saway ni Ate na parang nanlalambing pa rin kahit naiinis na. Hindi ganiyan ang dumisiplina ng kasintahan. Kung ako ang nasa puwesto n’ya, kanina ko pa binanatan sa mukha ‘yang demonyito. “At ‘yang payatot sa likod natin, tinawag n’ya akong bansot.” “No, I didn’t!” Nilingon ko agad s’ya. “And what did you call me?! Payatot?!” Tinuro n’ya pa ang sarili n’ya. “Talaga. Kung payat ako, mas payat ka pa! Para kang palito! Isang ihip lang sa ‘yo, tataob ka na agad!” Dadagdagan ko pa sana ang sinasabi ko pero agaw pansin ang malakas na hiningang binuga ng demonyito. “Faith, why should I hire her?” Hinarap ko ulit s’ya at tinititigan n’ya si ate. “Ayaw ko ng maiingay. You know that, right?” Gusto ko sanang sumabat pero hindi naman ako ‘yong kinakausap. “She looks clumsy and stupid.” Sumalpok ang mga kilay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD