CHAPTER 3

2615 Words
REAGAN FAYE ALA-SYETE ng gabi ang pasok ko sa unibersidad. Tinulog ko buong mag-hapon ang binigay na oras sa ‘kin ni Jiji para makapag-recharge ang katawan kong lupaypay na. Pagdating sa department namin, reporting kaagad ang bumungad at kami ang unang mag-r-report sa gitna. Hindi naman ako leader. Pabigat nga ko sa grupo ko dahil wala akong ginawa ‘kun ‘di matulog habang gumagawa sila ng report namin. Mabuti na lang at mabait ang leader namin. Hinahayaan lang ako dahil alam n’yang working student ako. Nagpapakatotoo ako. Hindi kaya ng utak ko na maging top or honor student dahil kulang lagi sa oras para matutukan talaga ang pagaaral ko. Ang goal ko lang bilang mababa ang IQ, wala dapat akong ibabagsak kahit isang subject kaya kinukumpleto ko lahat ng mga activities namin. Batchelor of Science in Fisheries ang kinuha ko ng kurso. Pansin kong kanina pa umaasim ang tingin ng prof namin sa ‘kin dahil dalawang beses na akong humikab. Nakakaantok pa rin talaga kahit mahaba ang tulog ko kanina. Nagbabawi lang ako ng pahinga at ilang araw akong sabog. “Reagan, kakape kami, sama ka?” Minulat ko ang mga mata ko at pinantayan ko ng tingin ang kaklase kong tinatanong ako. “Baka hindi na ako makatulog ‘pag uminom ako n’yan. Kayo na lang,” nahihikab kong sambit. Break time na namin at umiidlip pa rin ako hanggang dito sa school. “Ayaw mo ng libre?” Tuluyang napa-dilat ang namimigat kong mga talukap. “Bakit hindi mo sinabi agad?!” Tumayo ako sa pagkakaupo. “Tara na ba?!” Umangkla ako sa braso n’ya at natatawa s’yang nag-lakad kami paalis ng classroom namin. Pumunta kami sa cafeteria. Um-order s’ya ng dalawang kape na nasa sealed cup at dalawang malaking shopao. Umupo kaming dalawa sa separate na table. “Kainan na!” Masaya kong kinagatan ang siopao at napa-tirik ang mga mata ko sa sarap. “Mas masarap talaga ‘pag libre… Salamat, Ella…” “Para kang puyat na energetic na hindi ko maintindihan. You looked stressed and haggard but you always have a bright smile on your face…” “Hindi naman ‘no. Problemado kaya ako, ilang dekada na,” natatawang sambit ko. “And even so, you still smiling positively. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, walang dahilan para ngumiti ako.” “Ayaw kong magpaapekto sa problema. Lagi na nga akong kulang sa tulog at kung sisimamgot pa ako, baka mabawasan ang ganda ko na ‘yan na nga lang ang puwede kong ipagmalaki.” Maganda raw ako. Iyan lagi ang naririnig ko sa mga tao. Muse pa nga ako simula high school hanggang ngayon. Naniwala tuloy ako na maganda ako. “Tama ka naman, puwede kang maging hostess or dancer sa bar since nasa legal age ka na.” “Lagi mo na lang ‘yan sinasabi sa ‘kin.” Itong si Ella, ‘yan yata ang business nila. Inaaya nga n’ya ako para mag trabaho roon para triple ang sasahurin ko pero inaayawan ko dahil baka ibalibag ako ng tatay ko sa dagat at ipakain sa pating. “Thank you pala sa libre mo. Nabusog ako.” “No probs.” After ng break time namin, hindi ko pinagsisihan na uminom ako ng kape at mahaba-habang discussion ang naganap. Bago mag alas nuebe y media, naka-uwi na ako sa ‘min at inaantok na ulit ako. Hindi yata tumalab ang kape na ininom ko kanina. “Faye, hali ka rito.” Pagkapasok ko sa kuwarto namin ni Ate Eva, naudlot ang paghihikab ko nang mag salita s’ya. Nasilayan kong naka-upo s’ya sa kama na parang may hawak na dukomentong papel. “Ate, naka-uwi na po pala kayo.” Lumakad ako palapit sa kan’ya. “Ano po ‘yang hawak mo po?” “Gumawa ako ng biodata at resume mo, Faye. Extra sheets lang ito at ipinasa ko na kaninang hapon pa pati copy ng valid ID mo.” Nangunot ang noo ko. Hinarap n’ya ako. “Matutuwa ka sa ibabalita ko sa iyo, bunso!” Na-curious kaagad ako dahil ngayon ko lang ulit nakita na ganito na-excite ang ate ko. “Bakit po?” “Hi-nire ka na ni Faith na maging personal assistant ng isang sikat na sikat na author ng children’s book, bunso!” “Si… Ate Faith po?” Mabilis akong tinanguan ni Ate Eva. “Nag-resign na raw kasi ng PA ng fiancé n’ya at namatayan daw ng asawa! Pagkakataon mo na ‘to, bunso! Ang laki-laki ng sahod! Sikwenta mil! Wala pa ang overtime mo! Saan ka pa?!” “Bakit po ako? Baka hindi ko kayang pagsabayin ‘yan, ate…” “’Wag kang mag-alala, alas singko ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon ang duty mo. Walang pinagkaiba sa salon na pinagtatrabahuhan mo, right? Triple ang sahod, bunso… ikaw lang ang in-offeran ng opportunity na ‘to. Kahit strikto pagdating sa empleyado ang fiancé ni Faith, ikaw talaga ang naisip n’yang kunin!” “Kung kayo na lang po?” “Over age na ako, bunso…” “Kung ganu’n, sige po. Kailan po ba ako maguumpisa?” Hindi ko na papalagpasin ‘to. “Bukas ng umaga agad! Urgent hiring kasi… need na need n’ya ng PA kaya galingan mo, okay?” Tumango na lang ako. “Pero ano ang ginagawa ng PA? Wala akong alam pa diyan, ate… ngayon lang ako makakasalamuha ng professional na boss. Okay lang kung pang-kalye na boss pero ‘yong sikat pa? Sa tingin n’yo makakaya ko kaya?” “Sundin mo lang daw ang lahat ng utos at mga basic lang naman ang gagawin mo dahil may secretary naman ang author na ‘yon. Kum baga, ikaw ang uutusan ng mag-timpla ng kape, mag-linis ng office n’ya at may iba pa pero... kaya mo na 'yon. Iyan lang naman ang sinabi sa ‘kin ni Ate Faith mo…” Kung hirap man kami sa buhay, biniyayaan naman kami ng mga yayamaning kaibigan. Si Ate Faith, bff ‘yan ni Ate Eva. Kung may Jiji at Eunice ako, mayroon din si Ate. Pero kahit mga mayayaman sila, never kaming nanghingi o inaabuso ang estado ng pamilya nila. Kami na nga lang ang nahihiya at sila pa ang nagooffer ng tulong. “Kung gano’n, maaga pa pala po ako bukas…” “Oo, bunso kaya matulog ka na.” “Pero kinakailangan kong mag-paalam kay Madame na aalis na ako sa salon n’ya... ‘E ‘di mas maaga pa pala dapat ako?” “Kaya matulog na nga at marami ka pang dapat gawin bukas. Ako na ang bahalang kakausap kay papa about sa bago mong trabaho at ‘wag na ‘wag mong babanggitin kay mama ang tungkol sa sahod mo ha?” Natawa ako ng pagak. “Hindi dapat sabihin na personal assistant ang trabaho ko at alam kong kukunin n’ya halos kalahati ang sahod ko.” Nag-bihis na ako at humiga na sa kama. Nawala ang antok ko sa binalita sa ‘kin ni Ate Eva. Na-e-excite akong kinakabahan pero hindi ko nga talaga sasayangin. Para ko na ring naging baker si Ate Faith. Mabuti na lang talaga may mga mababait kaming kaibigan. Saka ko na lang sasabihin kina Jiji at Eunice kapag natapos ko ang first day ko. Anong oras na ako naka-tulog at imbes na alas kuwatro ako nagising, alas singko na. Unang araw ko pa naman kaya puwede naman sigurong magpalate. “Ano? May bago kang trabaho? Saan? Anong salon o restaurant ‘yan?” Pumarito muna ako sa salon ni Madame. “Hindi ah.” “Kung ganoon, ano?” “Personal assistant ang work ko,” pagmamayabang ko. Pero imbes na magulat, tinawanan ako. “Nananaginip ka ng gising. Umalis ka na nga lang!” “Totoo ang sinasabi ko! Personal assistant ako ng sikat na author ng children’s book!” Lalong lumakas ang tawa n’ya. Sumimangot na ako. “Bahala ka dahil kung aalis ka, hinding-hindi na kita tatanggapin kapag naisipan mong bumalik sa salon ko.” Tumalikod na ako at nilisan ang building n’ya. Pinasalamatanan ko na naman na s’ya. Late na ako kaya sumakay na ako ng taxi papunta sa company building na sinabi sa ‘kin ni Ate. *** DEVILLION VERNO I GLANCED my wristwatch for the 10th time. It’s six twenty-nine already but my personal assistant hasn’t arrived yet. Faith hired him since my former PA’s wife had passed away. Dumalo ako sa burol kahapon. Si Faith ang aking pinakiusapan na mag-hanap kaagad s’ya ng makapagtiwalaan na personal assistant. She messaged me last night that she already hired my new PA for me but he sure is late. I am currently typing a soon-to-be-published book under my company. I already have published more than 200 books and all of those stories are best sellers. “Mr. Reagan is very late…” Dapat kanina pa s’ya nandito dahil gagastos pa ako ng ilang minuto para maibigay ko lahat ng instructions ko sa kan’ya. “Dean, call the front desk. If someone is looking for me named Reagan Rodriguez, tell them that he must proceed to my office.” “Yes, Boss,” my secretary responded. I want to fire him already for being tardy. *** REAGAN FAYE “Wow… ang laki… lapad at ang tarik!” Tinitingala ko ang ilang palapag ng building kung saan ako naka-tayo. Bigating kompanya itong pinasukan ko. Gusto ko tuloy ipagmayabang kaso baka malaman ng mama ko kaya ‘wag na lang. Tinungo ko na ang entrance. May sumalubong kaagad sa ‘kin babaeng staff. “Ano ang ipaglilingkod ko sa inyo, miss?” magalang na tanong sa ‘kin. “Ah, personal assistant po ako. First day ko po ngayon…” Umangat ang magkabilang mga kilay n’ya. “Ikaw ba si Reagan Rodriguez?” “Opo, ako nga po.” Nginitian n’ya ako. “Our boss has been waiting for you in his office on the fourth floor. Proceed to the elevator…” At tinuro n’ya sa ‘kin ang mga elevator sa dulo. “Sige po, salamat po.” Patakbo akong lumakad doon at pumasok na saka nagpahatid sa ikaapat na palapag. Dinala ako sa hallway. Agaw pansin kaagad sa ‘kin ang sliding door na agad akong nag-lakad patungo roon. Naka-sarado kaya kumatok muna ako pero parang high tech yata ang pinto nila kaya ang ginawa ko, paulit-ulit kong pinindot ang kakaibang pindutan sa itaas ng door knob. “Ang tagal naman—“ Napa-tigil ako sa pagsasalita dahil bumungad sa ‘kin ang matangkad na lalake. Ito na siguro ang boss ko. “Good morning, boss!” Sumaludo agad ako sa harapan n’ya pero imbes na matuwa, nangunot ang kan’yang noo. “Is that him?” Gusto kong silipin ang nag-salita mula roon sa loob pero naka-harang ang boss ko. “Perhaps, boss?” Nangulubot ang noo ko sa tugon n’ya sa nag-salita. Humakbang s’ya patagilid para umalis sa harap ko. “Who are you?” Naagaw ulit ang aking pansin. Dumiretso ang pagkakatitig ko sa loob nitong silid at nasilayan kong may lalakeng naka-upo sa swivel chair. Naka-salpok ang mga kilay, naka-busangot ang mukha at naniningkit ang mga mata. Hala, ito na yata ang fiancé ni Ate Faith na boss ko. Akala ko 'tong nag-bukas ng pinto 'eh. Pero bakit parang galit? “Are you looking for your mom?” Nanginig ang leeg ko nang umusal ulit ‘yong sumalubong sa ‘kin ngayon lang. “Hoy! College student na kaya ako!” “Show me your ID, then.” Lagi na lang ganito. Napagkamalhan akong bata! Ganito na ba ako ka-baby face?! Naiinis ako na natutuwa ha! Lumapit ako sa lalake at nilabas ang ID ko sa university. Nilahad ko ‘yon sa kan’ya. “’A ‘yan oh. Porke baby face, pinagkamalhan mo akong batang nawawala!” Tinanggap n’ya ang inaabot ko at tinitigan ang ID ko. “It’s not about face, bansot ka kasi.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng kupal na ‘to! “Wait, you are… Reagan… Faye Rodriguez?” Bago ko pa s’ya masupalpal, natigilan ako sa tanong n’ya. “Oo, halata naman ‘di ba?! May picture kaya ang ID!” Doon n’ya tinapunan ng tingin ang boss kong nabato sa upuan. “You are… a woman?” Sinalubong ko ng naniningkit na tingin si Boss. “Mukha po ba akong lalake?” “It doesn’t make sense. All I need is a male PA, not a woman in a kid’s form. Sinabi sa akin ni Faith na Reagan ang pangalan ng personal assistant ko, so, I believed that you were a man.” Lalo pang namilog ang mga mata ko. “Reagan Faye ang pangalan ko, hindi Reagan lang!” “I don’t care. Just go.” Iniwasan n’ya ako ng tingin. “S-Sandali! Anong go-go?! Sabi ni Ate Faith, hired na ako! Kasalanan ko bang Reagan ang pangalan ko?!” “No, but blame your parents.” Aba, napaka-antipantiko at suplado pala ang Fiance ni Ate Faith! “I will escort you outside.” Sinamaan ko ng tingin ang lalakeng sinabihan akong bansot. “’Wag kang lalapit sa ‘kin at masapak kita.” “Abot mo ba?” Aba’t talagang— “Dean, that’s enough. Just take her away.” Hinarap n’ya si Boss. “Yes, Boss.” Akma n’ya akong kakapitan sa pulsuhan pero mabilis akong umiwas at tumakbo palapit sa office table ng boss ko. “Please naman po! ‘Wag n’yo akong itaboy!” Tumigil ako sa harapan n’ya habang nagtitipa s’ya sa keyboard at tutok na tutok ang mga mata sa screen ng monitor. “Umasa pa naman ako na tanggap na ako pero papalabasin n’yo lang ako na hindi ako sinusubukan?” “Come on now, I will buy you an ice cream.” Sumulpot na agad ang lalake sa likuran ko at sinisubukan akong hilahin pero pinatigas ko ang katawan ko para hindi n’ya ako matangay. “Bossing… please naman… nakasalalay sa inyo ang kinabukasan ko!” “I don’t hire a woman,” madiing tugon n’ya. “Kaya ko rin naman gawin ang gawain ng mga lalake, boss! Tingnan n’yo ang muscle ko!” Nilabas ko pa talaga ang kanang braso ko. Inangat ang sleeve sa itaas ng braso ko at pinilit na ipakita ang muscle kahit walang lumitaw. “Erm…” Tinapunan ko ng masamang tingin nang marinig kong nagpipigil ng tawa itong lalakeng tauhan ni Boss. “Boss…” Hinarap ko ulit s’ya. “Sige na, Boss… tanggapin n’yo na ako…” pagmamakaawa ko. “I can even break your arm like a twig,” komento n’ya na agad kong binaba na lang ang braso ko. “You can’t carry heavy loads like a man, you are so short that I can step on you.” “Kahit maliit ako, kaya kong gawin ang lahat—“ Bigla kong inurong ang dila ko nang tumayo s’ya sa pagkakaupo. Doon ko s’ya tiningala na parang mas nanliit ako sa sarili ko. Ang laki at ang tangkad n'ya namang tao. “Lumayas ka na sa harapan ko.” Ilang words lang ‘yon pero parang titiklop na ako sa lakas ng aura n’ya. “Dean, get rid of her. Hindi ko kailangan ng pandak na personal assistant.” “Yes, Boss Devillion.” Umanting ang mga tainga ko nang marinig ang kan’yang pangalan. “Let’s go.” Kinapitan na ako sa braso ng tauhan n’ya ang hinila palayo sa office table. “DEMONYITO!” Bago pa ako tuluyang maka-labas sa office n’ya, sinigaw ko talaga ‘yon at nilabas ko pa ang dila ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD