REAGAN FAYE RODRIGUEZ
Hindi naman ako matalino, wala akong hobby na ipagmamalaki o skill man lang pero naging kami noong second year college. Si Harvey, lagi kasi s’yang binu-bully noon dahil ang nerd ng dating n’ya pero napansin kong may kagwapuhan pala s’yang tinatago kapag wala s’yang suot na de-gradong salamin.
Loser ang tawag sa kan’ya ng mga kaklase namin. Hindi ko s’ya naipagtanggol sa mga bully dahil ayaw ko namang mabully ako pero lagi ko s’yang sinasamahan kahit saan s’ya mag-punta lalo na kapag break time.
Loner kasi. Tinataboy n’ya pa ko noong una pero hanggang sa nag-tagal, lagi na kaming magkasama at doon na rin ako napansin ng mga bully. Nu’ng pinagdiskitahan ako ng mga salbahe naming kaklase, doon natutong lumaban si Harvey. Hindi lang sarili ang pinagtanggol n’ya ‘kun ‘di, maging ako rin.
Doon na nag simula ang love story naming dalawa. Minahal namin ang isa’t isa dahil ang mga panahong nagiisa s’ya, ako ang katuwang n’ya at ako ang nagpapasaya sa kan’ya kaya kahit maraming babaeng umaaligid kay Harvey, hindi n’ya pa rin ako binibitawan.
Kahit minsan lang kami nagkikita, alam kong hindi ‘yon hadlang para sa aming dalawa. Hinihintay ko na nga lang na mag propose s’ya sa ‘kin at pagdating ng tamang oras, magpapakasal na kami.
Para akong tangang ngumingiti habang naglalakad.
Hindi alam ni mama na boyfriend ko ang anak ng mayamang business man dahil ayaw kong gumawa s'ya ng eskandalo. Alam kong pipilitin n’ya akong hingan ng pera si Harvey at hindi ko kakayanin ang kahihiyan kapag nangyari ‘yon.
Ni minsan, wala akong hiningi na kahit ano sa boyfriend ko. Ang mga natanggap ko lang sa kan’ya, mga monthsary and anniversary gifts namin.
Abala din s’ya araw-araw sa trabaho kagaya ko. Kanang kamay s’ya ng papa n’ya sa business nila kaya hectic lagi ang schedule. Malaki rin ang pinagpapasalamat ko kay Harvey dahil s’ya ang naging comfort zone ko kapag nalulungkot at nagagalit ako sa pamilya ng mama ko. Ako rin ang takbuhan n’ya kapag nangangailangan s’ya ng emotional support.
“Papa! Marami ka bang huli ngayon!” Halos twenty minutes din ang nilakad ko bago ako nakarating sa ‘min.
“Med’yo bunso! Ang aga yata ng uwi mo! Antok ka ba?!” Nagsisigawan kami at may kalayuan pa ako pero natatanaw ko s’yang naka-upo sa bangko habang inaayos ang lambat n’ya.
Patakbo akong lumapit kay papa.
“’Pa, dumaan ako sa lecho-nan ng manok. Bumili ako ng dalawa, isa sa mga hari at isa rin para sa ‘tin…” Inangat ko ang dalawang plastic bag kung saan nakapalood ang letchon.
“Mamayang gabi na lang natin ‘yan ulamin, bunso. May adobong pusit na akong niluto roon pero ibigay mo na lang ang kila mama mo at para maka-kain na sila.”
“Sige po, ‘pa. Papasok na muna ako pero, kumain na po ba kayo?”
“Hindi pa, bunso. Alam ko kasing uuwi ka kaya inantay na lang kita.” Doon ako natawa. Kalkulado na ng papa ko na uuwi ako ngayon dahil talagang kahit kumakain ako ng agahan kanina, halos susubuan n’ya na ako at nauuntog ko ang ulo ko sa mesa.
“Okay po ‘pa… wait lang, tatawagin ko kayo ‘pag handa na ang hapagkainan.” Sumangayon ang papa ko.
Pagkapasok ko sa bahay, dumiretso muna ako sa kuwarto at binato ang hand bag ko sa kama. Lumabas din naman kaagad ako para umakyat sa itaas.
Paakyat pa lang ako ng hagdan pero rinig na rinig ko ang ingay nina mama at ng kabit n’ya. Sumasabay din ang TV na parang may pinapanood silang dalawa. Tumigil ako sa harapan ng pintuan habang bitbit ang ibibigay kong ulam para sa kanila. “’Ma?” Tinawag ko s’ya.
“Bakit?” Huminto saglit ang tawanan nila at sinagot n’ya ako.
“May ulam po ako rito.”
“Ano ‘yan?” Humigpit ang pagkakakapit ko sa handle ng plastic nang sinagot ako ng kabit n’ya.
“Letchon manok,” kalmadong tugon ko.
“Bukas ang pinto, pasok ka lang,” sabi ng mama ko kaya binuksan ko naman kaagad. “Paki lapag lang dito sa mesa.” Dire-diretso lang ang lakad ko habang tinutungo ang center table. Naka-upo lang silang dalawa sa mahabang sofa. Nang mailapag ko na ang dala ko, umalis na agad ako at ayaw kong nagtatagal na kaharap sila.
Kung masama lang akong anak, papatulan ko si mama pero iniisip ko ang papa ko. Hindi n’ya gustong nangungunsumi ako tungkol sa estado ng pamilya namin. Kahit ginagalang ko ang mama ko, deep inside, sinusumpa ko s’ya sa galit. Wala akong pakealam kung masama itong iniisip ko.
S’ya ang nakikita kong dahilan kung bakit nadisgrasya ang papa ko at nalamang nag-c-cheat si mama.
Marami palang lalake si mama kahit hindi pa s’ya nag-abroad.
Hindi sila kasado kaya walang magagawa ang papa ko at nag-stay s’ya kay mama dahil ayaw n’yang masira ang pamilya namin. Hindi ko lang vino-voice out ang galit ko at never ko pang binastos ang mama ko kahit s’ya itong walang kuwentang asawa at ina. ‘Wag lang n’ya talagang sagarin ang pasens’ya ko at ilang taon na akong nagtitimpi bilang respeto sa kan’ya.
Kahit hindi kami nakaranas ng pagmamahal galing sa nanay, tinumbasan naman iyon ni papa. Kahit dati pa, nang magkamalay ako, sobrang sama ng ugali ng mama ko. Namimisikal ‘yan. Kinikimkim ko lang ang sama ng loob ko sa kan’ya. Nasanay na kami na may mga sarili kaming mundo rito sa bahay.
“’Pa! Kain na po!” Tinawag ko na ang papa ko.
“Bunso, maaga rin ang uwi ng ate mo mamaya.” Binaling ko ang aking atens’yon sa naka-bukas na pinto habang nilalakad ni papa ang daan patungo rito sa loob na naka-saklay. Ayaw n’yang tinutulungan namin s’ya mag-lakad kaya hindi ako puwedeng tumayo para alalayan s’ya.
“Pero may pasok naman ako mamaya. Alas dyes pa yata ang uwi ko. Tulog na si ate sa mga oras na ‘yon.” Nang maka-upo na sa upuan, sinandal ni papa ang mga saklay n’ya sa gilid ng mesa.
“Patagal ng patagal nagmumukha nang butete ang kabit ni mama. Ang asim tingan.”
“Beer kasi ang ginagawang tubig n’yan, ‘nak.”
“Kaya nga, mabuti nga ‘yon para mabilis na s’yang kunin ni Lord—I mean, ni kamatayan pala.” Natawa ng mahina si papa.
“Naka-uwi na ba si Fayette?” Ang anak ni mama sa kabit ang tinutukoy ni papa.
“Malay ko ba sa mukhang pusit na ‘yon,” bulong ko.
Nakakatawa lang isipin na sobrang pangit pa ang pinalit ni mama kay papa. Ang anak tuloy nila, parang nagmumukhang ampon dito sa bahay at sa ugali pa lang, minana n’ya na sa magaling n’yang mga magulang. Hindi ko mas’yadong pinapatulan at 10 years old pa lang pero napakamaldita na. Walang galang at iyakin.
“Kumusta pala ang trabaho mo, bunso? Hindi ka ba pinagalitan at ang aga mo ulit umuwi?”
“Safe naman po ako. Costumer ko kasi ulit si Jiji kaya hindi ako binungangaan ni Madame…”
“Konting tiis na lang, bunso. Malapit ka nang maka-graduate. Hindi ka na gaanong mapupuyat.” Tumango ako sa sinabi ni papa.
“Oo nga po pero kung… marami na akong experience, sana matanggap ako sa malalaking kompanya para maka-layas na tayo rito. ‘Pag nabayaran na natin lahat ng utang natin kay mama, lilipat tayo ng apartment.”
‘Yong perang ginamit ni mama dati sa hospital bills, bigay lang ‘yon ng mga lalake n’ya. Kay Jiji sana kami hihingi ng tulong noong nasa hospital si papa at ayaw ko nang madagdagan ang utang daw namin sa kan’ya pero huli na dahil bayad na pala.
“Makakatiis naman tayo rito, bunso. Kung saan ang kaya mo, okay lang naman kay papa.”
Ang hirap maging mahirap tapos may pagkabobita pa ako.
Talagang ganda lang ang puwede kong ipagmalaki na wala namang kwenta kaya doble kayod tuloy ako.