CHAPTER 1

1990 Words
REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Hoy! Gising! Masusubsob ka na sa paa ko!” Nang tumagingting ang malakas na bose ni Jiji sa aking mga tainga, napa-upo tuloy ako ng tuwid at mabilis na kinurap-kurap ang aking mga mata. “Reagan girl, mag-pahinga ka kaya today? You are pushing yourself too hard again…” Hindi ko binigyan ng sagot si Jiji. Tinanggal ko muna ang rubber gloves na suot ng mga kamay ko. Nilapag ko ang mga iyon sa ibabaw ng movable tray table at sinampal-sampal ko ang aking mga pisngi. Para hindi na ako makakaidlip sa kalagitnaan ng trabaho, nilabas ko ‘yong roll on minty ointment. “Reagan, you are hurting your eyes. Kahit anong saway ko talaga sa ‘yo, hindi mo ako pinapakinggan.” Marahan kong idinapit ang ointment sa lower eyelids ko banda. Ngumiwi ako nang maramdaman ko ang naninipang anghang. Ito ang isa sa mga paraan para mawala ang antok ko at baka mapapagalitan na naman ako ni Madame kapag nakita n’yang parang babagsak na ako sa antok ko. Nagtatrabaho ako sa isang nail salon. 4th-year college sa gabi at ito naman ang trabaho ko sa umaga. Taga-linis ng kuko at paa. Itong customer ko ngayon, isa sa mga close friends ko. Si Jiji. Mamaya, paparito rin siguro ‘yong isa pa. Si Eunice. Graduate na sila last year pero ako, graduating pa lang. Nag-stop kasi ako sa pag-aaral. Kagustuhan ko naman ‘yon para matulungan ko ang Ate ko. Hindi sapat ang kinikita n’ya bilang call center agent para tustusan ang mga palamunin namin sa bahay. Ang mga 'yon ay... Si Mama, ang kabit ni mama at ang anak nilang pangit. Pwe. Kahit sa isip ko, kinasusuklaman ko sila. Pangarap kong magkaroon na kami ng sariling bahay. ‘Yong tinitirahan kasi namin, pinagpaguran ‘yon ng mama ko sa abroad. Doon kami naka-tira ng papa kong nawalan ng isang paa nang dahil sa aksidente. S’yempre, lupa at bahay ni mama ‘yon kaya may karapatan daw s’yang doon patirahin ang kabit n’ya. Noong nag-a-abroad pa si mama, hindi namin alam na nagpapakasta na pala s’ya sa kumpare ng papa ko. May 10 years old na silang anak tapos babae pa. Kaya lang naman nangibang bansa si mama dahil kulang na kulang na ang kinikita ng papa ko simula noong na-disgras’ya s’ya. Taxi driver ang papa ko kaya gano’n na lang ang nangyari. Hindi talaga maiwasan ang disgrasya sa kalsada 'pag minalas. Gusto man naming umalis sa bahay na ‘yon, hindi pa namin magawa-gawa dahil noong nagkasakit ang ate ko, pera ni mama ang ginastos sa hospital at nagsisilbing utang ‘yon ni ate. Kinakailangan n’yang bayaran. 4th year college pa lang no’n ang ate ko pero may utang na agad s’ya kay mama. Ganoon kamatapobre at salbahe ang sarili naming nanay. Ang tingin n’ya kay papa after noong na-disgrasya s’ya, wala nang kuwenta. At ito naman si papa, kahit hindi na namin pinapatrabaho pero hanggang ngayon, nag-e-extra pa rin para mangisda. Sumasabay s’ya sa kaibigan n’yang may bangka. Nagpapalaot araw-araw. Kapag marami ang huli, binibenta at kung kaunti lang, inuulam na lang namin. Pangingisda ang pangunahing hanap buhay ng mga tao rito, lalo na ang mga haligi ng tahanan. Hindi naman kami naghihirap noon. Apat lang kaming miyembro sa pamilya. Ang papa ko, napakabait na tao. Para sa ‘kin, s’ya ang perpektong tatay sa buong mundo. Hindi lang masipag, matapat din at maka-diyos. Pero kabaliktaran naman ng mama ko. Sobrang tamad. Kahit nga panty n’ya, si papa pa ang naglalaba. Minalas kami sa nanay pero kahit ganoon si mama dati, pinakisamahan namin s’ya dahil nga ‘ina’ namin s’ya. Akala ko iyon lang ang problema namin pero hanggang sa muntikan nang sumalangit ang papa ko at doon na nagkagulo-gulo ang guhit ng kapalaran namin. Nagaaral kami sa high school, nasa bansa na si mama. Hindi naman kami pinabayaan kahit may kaakibat na panginginsulto at walang kwentang sermon ang perang pinapadala n’ya. Si papa lagi ang pinagiinitan dahil nga, disable daw at walang silbi. Pero kulang pa rin ang pinapadala ni mama kaya kung saan-saan dumidiskarte ang papa ko. May ambag naman si papa sa pagpapaaral sa ‘min. 10 years ago, umuwi ang mama ko ng biglaan. Iyon pala, buntis na. Buti na lang, may trabaho na ang ate ko sa mga panahong ‘yon. Ang mas masaklap pa, pati ang kabit, inuwi pa ni mama kaya ‘a ‘yon, depress si papa at doble gastos. 34 years old na yata ang ate ko pero hanggang ngayon, imbes na mag-asawa na, binubuhay pa rin ang mama ko. Hindi lang s’ya ‘kun ‘di ang bago n’yang pamilya. Ginawang utang na loob ‘yong perang pinaaral n’ya kay ate dati at pati nga rin ako. Kapag tumanda na raw ang ate ko, ako raw ang magpapaaral sa anak n’yang mukhang pusit. “Reagan, anong oras ka ba natulog kagabi?” Binalik ko na ang rubber gloves sa mga kamay ko para maumpisahan ko na ulit ang trabaho ko kahit panay tulo ng luha ko. Hindi dahil sa nakakalungkot ang talambuhay ko, naiiyak ako sa anghang ng ointment na nilagay ko sa mga mata ko para hindi na naman ako masusubsob sa paa ng customer. “Reagan, I am asking you, girl.” Doon ko tiningala si Jiji. Nang masilayan n’ya kung gaano kabigat ang eye bags ko, huminga s’ya ng malalim. “Madaling araw ka na naman natulog, ano?” Dahan-dahan ko s’yang tinanguan. “K-Kapag after ng duty ko pa gagawin ang outputs ko, mas lalong hindi ako maka-concentrate kaya… ala una na ako natapos at nagising ng ala sais para mag-duty rito…” “Ganito na lang, tapusin mo na ang pedicure at magbibigay na lang ako ng tip para makauwi at maka-tulog ka na.” “Na naman? Kahapon, binigyan mo rin kaya ako?” “Kahapon naman ‘yon at iba na ngayon kaya sige na… bilisan mo na.” Hindi na ako naka-angal kay Jiji. Anak s’ya ng mayor namin. Sa aming tatlo na magkaibigan, s’ya ang rich girl. Nasa middle class naman ang status ng pamilya ni Eunice at ako, ang pinakamababa. Sila lagi ang sumasagip sa ‘kin sa panahon ng kagipitan ko simula noong high school pa lang ako. Wala akong problema sa tuition dahil sinagot iyon ng papa ni Jiji kasi nga, mayor. May allowance pa akong natatanggap sa scholarship pero sakto lang. Iyon ang panggastos ko sa mga projects, output, at kung ano-ano pa. Ang pinoproblema ko lang, ang gastusin sa bahay at iyon kasi ang mas mabigat. Paanong hindi? Tumatagingting na 20 thousand plus ang bills namin every month. De air con kasi ang mga Donya, Don at senyorita sa second floor. De wifi, de rice cooker, de gasul at kumpleto rin sila sa appliances. Wala silang pake sa bill ng kuryente at pagkain pa namin dahil hindi naman sila ang nagbabayad. Tipid na tipid kami sa ibaba, pero samantalang sila roon sa itaas, buhay mayaman. Panay bisyo pa ng kabit n’ya. Nag-o-online selling naman si mama ng mga beauty products pero hindi naman lagi, may kita. Basta kami ang ginawa nilang bangko porke s’ya ang nag palamon sa amin noon at si mama ang nag bayad ng pagpahospital ni ate pati na rin pala kay papa. Muntik kong makaligtaan na si mama din pala ang nag-bayad ng hospital bills kaya ito, hayahay tuloy s’ya ngayon. Inaangasan nila kami dahil hindi naman daw sila kasal ng papa ko which is totoo naman. “Pero, mamayang ala singko pa ang out ko… hindi ako papayagan ni Madame kung aalis na agad ako ngayon. Kahit bigyan mo ako ng tip, hindi pa rin pala ako makakauwi… Sumakto lang kasi na alas kuwatro y media tayo natapos kahapon sa manicure…” “Don’t worry, ako na lang ang bibili ng kota mo today.” “Sigurado ka?” Tinawanan n’ya ako. “Kailan pa ako hindi naging sigurado?” Ngumiti ako ng mapait. “Thank you lagi, Jiji… babawi ako sa inyo ‘pag naka luwag-luwag na ako.” “Kahit ‘wag na.” Lumipas ang mahaba-habang mga minuto, natapos ko na linisan ang mga kuko ni Jiji. “Here, ibigay mo ang 1k kay Madame mo para maka-tulog ka muna bago ang klase mo.” Tinanggap ko agad ang inaabot ni Jiji na tatlong libo. Nagpasalamat ulit ako sa kan’ya bago s’ya nag-proceed sa nail artist. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa chair stool. Binulsa ko muna ang pera at inalis ang rubber gloves, pati ang apron. Nag-hugas muna ako ng mga kamay bago umakyat sa third floor. “Good morning po, Madame…” Naabutan ko s’yang nagbibilang ng cash sa cash register habang naka-upo sa harapan ng working table n’ya. “Aabsent ka na naman?” Nang tumigil ako sa harapan n’ya, ‘yan kagad ang tanong n’ya sa ‘kin. “Hindi po… uuwi po ako pero nag bigay ulit kasi ng tip si Jiji... para po maka-alis na ako.” Tinigil n’ya muna ang mano-manong pagbilang ng perang papel at tumingin s’ya ng diretso sa mga mata ko. “Saan na?” Nilahad n’ya agad ang kanan n’yang palad. “Ay, wait po.” Doon ko nilabas ang isang libo at bago pa mailapag sa ibabaw ng kamay n’ya, marahas n’yang hinablot sa ‘kin ang pera. “Mas mainam kung araw-araw na pupunta ang anak ng mayor dito sa salon para hindi na kita masisigawan. Ikaw lang ang nagpapasakit ng ulo sa ‘kin lagi. Laging nagrereklamo ang customer dahil natutulugan mo na ang ginagawa mo. Kung hindi mo kayang pagsabayin ang pagaaral at part time job mo, tumigil ka na lang sa pagaaral at maging full time manikyurista na rito sa salon ko. Ayaw mo no’n? Tanggap ka na agad? Hindi mo na poproblemahin na kung saan-saan ka pa mag apply…” Ang dami n’ya na namang sinasabi. Pero, aminado naman ako sa sinabi n’yang nakakatulog talaga ako na hindi ko naman sinasadya. Sa pagod at puyat na rin kasi. Kung hindi ako mag-m-multi task, magugutom kami. “Hindi naman po ako puwedeng mag-stop at 4th year na po ako ngayon—“ “Whatever, umalis ka na at bumalik ka ng maaga bukas dahil ikaw ang maglilinis ng salon. Kung may tip ulit na ibibigay ang anak ng mayor, lumapit ka agad sa ‘kin at ‘wag mo solohin ang pera.” Dapat nga hindi n’ya pinapakealamanan ang tip ko. Tumalikod na ako at inikot ko ang mga mata ko. Bad shot talaga sa ‘kin ang mga taong mukhang pera na wala sa lugar. Mukhang pera rin ako pero hindi ako abusado. Bumaba na ako sa ground floor. “Jiji, bye na! Aalis na ako!” Nakita ko s’yang nagpapakulay na ng kuko n’ya. Kinawayan n’ya ako. “See you, Reagan girl! Muah!” Nang nag-flying kiss s’ya, ganoon din ang ginawa ko bago lumabas sa salon. Habang tinatahak ang side walk, kinukurap ko ng mariin ang mga mata ko at parang babagsak na talaga. Gusto ko na humiga. Kagabi lang ulit ako nag puyat ng ganoon ulit katagal. “Babe, what do you want for lunch?” Natigilan ako sa pag-hakbang nang may dumaan sa gilid ko na magkasintahan. Napa-kamot ako sa batok ko. “Oo nga pala, may boyfriend pala ako, ‘no?” Para akong baliw na natatawa. Inangat ko agad ang hand bag ko at kinapa ang cellphone. Nang mahawakan ko, inangat ko iyon at in-open. Nawala ang ngiti ko dahil blangko ang screen. Ni wala man lang kahit isang message notification galing kay Harvey. Sa sobrang busy ko, wala na kaming time sa isa’t isa. Bilang na nga lang ang araw na nag-m-meet kaming dalawa. Anak s’ya ng mayamang businessman. Sila ang may ari ng air port at ang pinakamalaking mall dito sa ‘min. Hindi ine-expect na tatagal kami dahil ganda lang ang ambag ko sa kan’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD