REAGAN FAYE RODRIGUEZ “This is insane! Wala man lang kayo sinasabi sa akin na naghalikan na pala kayo?!” Ungal ng ungal ang Dean na ‘to. “I… couldn’t believe this…” Umupo s'ya pabalik. Napa-tukod na lang ang mga siko n’ya sa ibabaw ng mesa at napa-hawak sa magkabilang gilid ng kan’yang ulo. “Kumain na nga lang tayo.” Tinapos ko na ang niluluto ko at hinain ko na sa mesa. Hindi na nakapagsalita si Dean. Naka-hawak lang sa ulo n’ya at naka-tulala. Kumakain na kami ni Demonyito pero wala pa ring kibo si Dean. “Hoy, hindi ka ba kakain? Minsan nga lang ako mag luto tapos hindi mo pa ma-appreciate?” Bumuga lang s’ya ng malalim na hininga at kinapitan na ang kutsara, pati tinidor. “Boss, ano po ang gagawin natin ngayong araw sa office?” tanong ko kay Demonyito. Binalingan ko s’ya ng tingin

