REAGAN FAYE RODRIGUEZ NAGSITAYUAN ang mga balahibo ko sa ibinulong sa ‘kin ng demonyito. “Hmm!” Sinusubukan kong mag-salita pero naka-takip kasi ang kamay n’ya sa bibig ko. “B-Boss naman! Ibaba mo ako!” mahinang singhal ko sa kan’ya nang inalis na ang sagabal sa bunganga ko. Akma akong tatayo pero mabilis n’yang pinulupot ang mga braso sa tiyan ko at padiin na sinandal sa front body n’ya. Naguumpisahang umusbong ang usok sa tuktok ng ulo ko dahil nakikita kong napapatingin sa ‘min si Dean, lalong lalo na ang bagong personal assistant n’ya. Halos ngingiwi na nga s’ya dahil sa posisyon namin ng walang hiyang demonyito na ‘to! Hindi talaga s’ya tinatablan ng hiya sa katawan na kahit alam n’yang may mga matang naka-masid, hindi talaga nagdalawang isip na kandungin ako! “Hoy! Ano ba! Bit

