REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Stop showing that dirty finger before me!” saway n’ya sa ‘kin pero imbes na ibaba ko pa ang kamay ko, inangat ko pa ang kabila at pinakyuhan ulit s’ya. Nanlaki ang mga mata ng payatot. “Boss! Si Reagan oh!” Nabigla rin ako nang nag-sumbong naman s’ya kay Demonyito. Akala ko papagalitan ako pero hindi kumibo ang boss namin. “Gaya-gaya kang kawayan ka.” Humarap ulit ako sa mesa para maipagpatuloy ko ang kinakain ko. Busog na busog na ako pero ayaw pang tumigil ng bunganga ko. “Sigurado ka bang nag-paalam ka kay boss bago ka kumuha ng mga ‘yan?” Sumulpot ang payatot na Dean sa kabilang side ng makinis na dining table. “Oo naman, anong akala mo sa ‘kin?” “Mukha ka kasing magnanakaw,” sabat n’ya. “Sa ganda kong ‘to, mukhang magnanakaw?” “Ikaw lang naman ang