REAGAN FAYE RODRIGUEZ NAPANSIN kong sinulyapan ako ni Dean. “S-She’s back already?” Natawa pa s’ya ng mapakla at ako naman itong nanlalamig sa kaba. “I thought matatagalan pa s’yang maka-uwi, Madame?” “I thought so too. Kagabi pa si Faith naka-balik galing Africa… and I have been contacting her this morning.” “Kaya n’yo po pinapunta rito si Boss Devillion para ba makapagusap sila ni Miss Faith?” “Exactly! Nakuha mo!” masiglang sigaw ni Madame. “Ako na ang gagawa ng way para mag-kaayos ang mga batang 'yon!” Palihim kong kinagat-kagat ang ibabang parte ng labi ko. “Itong si Devillion kasi, grabe kung maka-tampo. Nagpapakipot pa rin hanggang ngayon.” Tumawa ng hilaw si Dean habang tahimik lang akong nag-a-arrange ng mga kubyertos. “In any minute, nandito na s’ya. Hindi pa alam ni Dev

