REAGAN FAYE RODRIGUEZ PINAKINGGAN ko ang mga payo ni Dean. Med’yo nagaalala ako dahil kahit nagsusulat si Demonyito para sa mga bata, may mga fan base pa rin s’ya ng mga dalaga at iniidolo ang mukha n'ya. Ni hindi pa nga alam nina Jiji at Eunice pero nahihiya ako mag-sabi. Hindi pa handa ang mga tainga ko sa mga pangaasar nila. Paano ko kaya uumpisahan ‘yon? Saka ko na lang ba sasabihin kung may kasiguraduhan kami ni Demonyito? Si Ate Faith lang naman ang iniisip ko. Nagaalangan ako at kinakabahan. “Hello, there.” Habang naglilinis dito sa kusina, narinig ko ang boses ni Mica. Hininto ko muna ang pagpupunas ng kitchen table at nilingon s’ya. “Hello po,” magalang na sambit ko. “You must be Reagan, right?” Tuluyan ko s’yang hinarap. “Yes, po.” “May I ask a few questions?” Tinitig

