REAGAN FAYE RODRIGUEZ BINUGA ko ng dahan-dahan ang aking hininga. Pakiramdam ko, parang may naka-dagan na mabigat sa dibdib ko. Ang tagal-tagal na hindi kami nag-away ni Harvey. Nakakapanibago. Hindi ako sanay na masama ang loob n’ya sa ‘kin. Hindi ko naman s’ya makontak dahil kakasira lang ng cellphone ko. Bakit naman ako minamalas sa araw na ‘to. “Reagan, are you alright?” Hindi pa ako tinatantanan ni Dean at lumapit pa talaga s’ya sa kabilang side ng kitchen table. “Do you want an ice cream? Do you need anything? Just ask and I will get it for you… Limited offer lang ito kaya lubos-lubusin mo na…” malambing n’yang sambit sa ‘kin pero sinubsob ko ulit ang mukha ko sa mesa. “Aww, malungkot ang baby girl namin ni Boss… ‘A ‘yan kasi, panay jowa. Wala namang forever…” “Dean.” “Wa