REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Ako na lang ang bibili sa iyo n’yan kung mayaman na ako.” “No, thanks. I can afford this too. Just wait.” Nang mag-sawa na s’ya, ibinigay na ulit sa ‘kin. Bibili na lang ako ng bagong sim card para matawagan si Harvey at saulado ko naman ang number n’ya. Sana nga maayos pa 'yong luma kong cp. Malaking tulong sana. “Boss, puwede po bang umuwi saglit? Kinakailangan ko pala na magpaalam sa bahay na bukas pa ako ng gabi makakauwi.” “Do as you please.” Ngumiti ako. “Boss, can I go home too?” tanong ni Dean. “No.” “What?!” Natawa ako nang hinindian s’ya ni Demonyito. “Boss, if you keep tormenting me like this, I will resign! Aalis ako sa bilang secretary mo ngayon mismo!” “The door is closed, just open it.” Lalo pang lumakas ang tawa ko. Nagpaalam na akong um

