REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Hoy, bansot. Hindi ba masarap ang luto ko?” Ilang minuto akong hindi nagsasalita pero pinukaw ni Dean ang atens’yon ko. Binigyan ko s’ya ng normal na tingin. Dapat akong huwag mas’yadong pahalata at baka talaga maghihinala ang isang ‘to na may kakaiba sa ikinikilos ko. “Gusto mo bang palitan ko na lang ‘yan kung ayaw mo? Magluluto ako ulit.” “Hindi ah. Ang sarap-sarap nga ‘e.” Sumubo ulit ako at masayang ngumuya. Kapag minamalas nga naman oh. Wala kasi s’ya kagabi. Siguro, kung hindi umalis si Dean, malamang malabo talagang mag angkasan kami ni boss. Napapadasal na lang akong sana, tuluyan na akong walang maalala. Kapag nagkataon, iyon lang ang kahihiyan na hindi ko kakayanin. “Reagan.” Seryoso akong tinawag ni Dean. Med’yo kinabahan naman ako roon at min

