Dahil sa hindi inaasahang pagkikita nila ni Margaret, pinili ni Meghan na manatili sa mall hanggang sa ginabi na siya. Sa mall na siya nananghalian at pati hapunan ay sa mall na rin siya kumain. Ilang pelikula ang kanyang pinanood ngunit wala naman talaga dun ang kanyang isip. Kahit na ilang oras na ang nakalipas simula nang mag-usap sila ni Margaret ay lagi pa ring bumabalik ang kanilang topic. Nangako si Margaret na hindi ito manggugulo sa kanila ni Nick pero pagkatapos ng lahat, dapat ba siyang maniwala kay Margaret? Syempre, hindi! Pagdating niya sa bahay ay sinalubong siya ni Merlie ng isang masamang balita. “Prank lang ‘yon, di ba?” Ilang beses niyang tinanong ang matandang babae ngunit ganun pa rin ang naging sagot nito. “May seminar nga! Kanina ka pa niya hinintay ngunit hindi k