Napaatras si Meghan nang makita ang nanlilisik na mata ni Nick na para bang may nagawa siyang mortal na kasalanan. “Importante pa ba ‘yon? Bakit kailangan kong sabihin sayo na nagkita nga kami sa mall?” Napatiimbagang si Nick sa paraan ng pagsagot ni Meghan. Bakit sa tingin niya ay mas lalong lumala ang attitude nito? “Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo pero sana ay sinabi mo ‘yon sa akin nang hindi ako magulat,” pahayag ni Nick. “Hindi ko rin alam kung bakit masyado kang affected sa pagbabalik niya,” nagparinig siya sa lalaki na baka may gusto pa ito kay Margaret. “Sabihin mo lang sa akin kung hindi na ako sapat para sayo,” dagdag pa niya at saka nagtungo sa may pintuan upang muling bababa. Mas mabuti pa siguro kung uubusin na lang niya ang fried chicken at pati na rin ang sinabawan