Sinubukan ni Keith na huwag makaramdam ng pagseselos ngunit hindi niya nakayanang kontrolin ang kanyang emosyon. Nagngitngit ang kanyang kalooban na hindi tumupad si Margaret sa pangako nitong hindi na muling kakausapin pa si Nicholas Demakis. Napatiimbagang siya habang naghihintay na umuwi ang lalaki at nang lumagpas ng sampong minuto ang dalawa ay tuluyan ng humulagpos ang kanyang galit. Hindi siya sigurado kung ginamit pa ni Meghan ang numerong ibinigay nito sa kanya dati ngunit sinubukan niya pa ring tawagan. “Meghan?” Kaagad niyang tinanong ang babae nang sumagot ito sa kabilang linya. Namamaos ang boses nito at kung tama ang kanyang hinala ay galing itong umiyak. “Meghan Demakis?” Inulit niya ang tanong nang hindi na muling nagsalita pa ang babae. “Sino ‘to?” “Si Keith, do you