Malapit lang ang simbahan mula sa kanilang bahay kaya si Nick na mismo ang nagmaneho sa bridal car nang pauwi na sila. “Fasten your seatbelt, Mrs. Demakis.” Utos ni Nick sa kanyang bagong asawa. “Para kang sira! Feeling ko ang tanda-tanda ko na habang tinawag mo akong Mrs. Demakis,” reklamo ni Meghan. “Ayaw mo ba?” Tinanong ni Nick ang babae. “Syempre gusto ko,” maarteng sumagot si Meghan, at ilang saglit lang ay napuno ng tawanan ang kanilang sasakyan. Habang abala sa pagmaneho ng sasakyan si Nick, nakapatong naman ang isang kamay nito sa kanyang hita at hinawakan ng lalaki ang isa niyang kamay. Ang astig lang kasi nitong tingnan na isang kamay ang ginamit sa pagpatakbo ng sasakyan. Alam niya naman na medyo delikado ang ginawa ni Nick, pero n