Siya dapat ang pinakasalan ni Nick kung hindi lang pumapel si Meghan noon sa kanilang buhay. Napatiimbagang siya habang nakatanaw sa babaeng lalong gumanda sa suot nitong traje de boda. Engaged na si Nick sa kanya noon pero ng pisteng si Meghan ay may lihim pala na pagtingin para sa kanyang nobyo. Ano’ng laban niya sa babae gayung nakatira rin ito sa bahay ni Nick! ******* “Kailan mo pa nalaman na buntis ka? At paano?” Kaagad niyang tinanong si Margaret. “Nick, bakit ganyan ang tanong mo? Alam mo naman na lagi nating ginagawa ang bagay na ‘yon,” Sumagot si Margaret. “Alam ko, at alam ko rin na lagi akong nakasuot ng condom, Margaret. Akin ba talaga ‘yan?” Aminado si Nick na below the belt ang kanyang naging tanong pero hindi talaga siya nan