CHAPTER 7

3129 Words
Habang naglalakad siya patungo sa altar kung saan naghihintay sa kanya si Nick ay hindi niya kayang ipaliwanag ang kanyang naramdaman. Gusto niyang umiyak dahil ikinasal siya na wala ang mga magulang, at wala rin ang taong kumupkop sa kanya. Ngunit nang maalala niya ang mukha ng make up artist kanina ay muntik na siyang tumawa ng malakas.               Maski siya ay nagulat sa kanyang hitsura nang makita niya ang kanyang mukha sa salamin. Usually ay hindi naman siya nagkakaroon talaga ng eyebags kahit nagpupuyat, eh. Kung kailan may event siyang importante, saka siya nagkaroon ng eyebags at haggard ang mukha.               Noong una ay hindi pumayag si Nick na walang maghahatid sa kanya sa altar pero iginiit niya na sasamahan siya ng presensya ni Carlos Demakis sa araw ng kanyang kasal. Mabuti na lang at nakasuot siya ng belo kaya hindi halata na kanina pa niya kinagat ang kanyang labi upang pigilan ang sariling maiyak.               Bawat hakbang kasi ay naalala niya ang butihing ama ni Nick na siyang kumupkop sa kanya noong nawala ang kanyang mga magulang. “Dada…,” mahina niyang tinawag ang kanyang ama-amahan at nang maramdaman niya na parang lumamig ang hangin, hinayaan na niyang tumulo ang kanyang luha.               Ang kanyang mga paa ay malapit nang makarating sa altar kung saan naroon si Nick ngunit ang kanyang utak ay bumalik noong kapaskuhang umuwi si Nick at masaya sila ni Carlos habang hinintay ang pagdating ng unico hijo nito.               ******* Pagkatapos niyang ubusin ang gatas at sandwich na inihanda ni Merlie, lumabas siya ng bahay, at nakita niya ang ama ni Nick na humigop ng kape habang nagbasa ng newspaper sa gilid ng pool. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran. “Ang aga mo naman, Da,” sabi ni Meghan. Tumawa si Carlos sa sinabi ng babae dahil lagi naman siyang gumising ng maaga. “What about you? Bakit gising ka na?” Tinanong niya si Meghan. “By the way, tumawag si Nick kanina, hindi na raw siya matutuloy sa pag-uwi.” Hinintay ni Meghan na ngumiti ang matandang lalaki at bawiin ang sinabi nito, na biro lang ang lahat, at hindi totoo na ma-postphone ang pag-uwi ni Nick. Sobra na niyang na-miss ang lalaki at kahit lagi niya itong nakausap sa pamamagitan ng videocall, hindi pa rin sapat ‘yon! “You’re kidding,” sabi niya. “Am I? Hmmm, tama ka.” Sabi ni Carlos at umilag sa mga kurot ng babae. “Ang sama-sama mo, Dada!” Tila nagtampo na sabi ni Meghan. “Hindi ka na talaga mabiro,” sagot ni Carlos. “Alam mo naman kasi na namimiss ko na siya ng husto, tapos sasabihin mo sa akin na hindi siya matutuloy sa pag-uwi,” pahayag ni Meghan. “Sa tingin ko ay higit pa sa crush ang nararamdaman mo para kay Nick,” sabi ni Carlos. Noon pa man ay ipinagtapat na ni Meghan sa kanya ang tunay nitong damdamin para sa kanyang anak. “Crush lang, Dada.” Nagsinungaling siya sa matanda. Dati ay crush lang talaga niya si Nick, pero habang tumatagal, nagging bukambibig na niya ang pangalan nito hanggang sa umibig na siya rito ng palihim. “Mabuti kung ganun, kasi kilala mo naman si Nick. Hindi ka papatusin ‘nun,” sagot ni Carlos. Tumango lang si Meghan kahit masakit para sa kanya ang sinabi ng matanda. “Maliligo na muna ako, Dada.” Nagpaalam siya sa lalaki at mabilis na tumalikod at bumalik sa loob ng bahay. Alam niya sa kanyang sarili na wala siyang mapapala kay Nick, kaya lang, hindi naman pwedeng turuan ang puso ng isang tao kung sino ang mamahalin nito. Imbes na magpasalon si Meghan para magpaganda ay nagmukmok lang siya sa loob ng kanyang silid at hinintay ang pagdating ng lalaki. Nasa second floor ng bahay ang kanyang silid pero kapag naupo siya sa gilid ng binta ay tanaw niya ang gate at kung sinuman ang darating at aalis. Bisperas ng Pasko at mag-aalas syete na ay hindi pa dumating si Nick. Unti-unti ay nawalan siya ng pag-asa na makarating ito makapag-celebrate ng pasko kasama nila. Panay ang pagbuntonghininga ni Meghan habang nag-aabang sa may binta at nang mapansin niya si Merlie na tumakbo papunta sa gate, alam niyang si Nick ang dumating. Hindi siya umalis sa kanyang kinaupuan at matiyagang naghintay ngunit nang bumaba ang lalaki mula sa kanyang sasakyan, nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita at patakbong bumaba. “Nick!” Malakas niyang tinawag ang pangalan ng lalaki kahit nasa malayo pa siya. Ngumiti ang lalaki at sapat na ‘yon upang magbunyi ang kanyang puso. “I miss you!” Niyakap niya ang lalaki at wala siyang pakialam kung nakatingin si Manang Merlie at ang Dada niya. Nagulat si Nick nang bigla siyang yakapin ni Meghan at nanlaki ang kanyang mga mata. Noong una ay ayaw niya kay Meghan dahil likas na itong pasaway. Medyo nailang siya sa ginawa ng babae dahil sa tingin niya ay hindi ito tama at nakatingin sa kanila ang kanyang ama at si Merlie. Huminga siya ng malalim at pilit na kinontrol ang sarili dahil hindi siya pwedeng maapektuhan sa ginawa ng babae. Nicholas stared at the young woman with careful admiration. "I missed you too. Pero andito na ako ngayon, promise, babawi ako. Okay?" Nag-file siya ng indefinite leave mula sa opisina dahil gusto niyang makasama ng matagal-tagal ang kanyang ama at kinakapatid. "Really? I'm glad." Meghan smiled at Nick. "Welcome back, iho. Ngayong nandito ka, sigurado akong super duper fun ang ating pasko!" Excited na wika ni Carlos. Natawa si Nicholas sa kanyang ama. Maliwanag pa sa sikat ng araw na nahawa ito sa kakikayan ni Meghan. Tiningnan niya ang babae ngunit deadma lang ito. Whatever the case, he's happy that she became part of their family.  "Tama kayo, Papa. Hmmm Pa? May ipakilala ako sayo, mamaya." Sabi ni Nick habang papasok na sila sa bahay. "Sino?" Nagtanong si Carlos. Tiningnan muna ni Nick si Meghan bago siya sumagot. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ayaw niyang saktan ang babae kaya lang ay napasubo na siya. "Nobya ko po," sagot niya. Sandali siyang tumigil sa paglalakad at nilingon ang lalaki. Hindi makapaniwala si Meghan sa kanyang narinig at tinanong si Nick. "May nobya ka na? Kailan pa?” Siguro ay naintindihan na dalawang matanda na may tensyong namagitan sa kanya at kay Nick kaya nauna na ang mga ito sa loob. “Kailan nga? Bakit hindi mo man lang nabanggit sa akin noong isang araw na tumawag ka sa akin?” “Mamaya na natin pag-usapan ang bagay na ‘yan. Pagod ako sa byahe at gusto kong makapagpahinga muna dahil magsisimba pa tayo, di ba?” Sabi ni Nick. Tumaas ang isang kilay ni Meghan dahil sa inis. Simple lang kasi ang kanyang katanungan pero kinailangan pang ipagpaliban ni Nick ang pagsagot. “Nagtatanong lang naman ako kung kailan ka nagkanobya, mahirap bang sagutin yon?” “Few months ago,” sagot ni Nick. Tumango si Meghan at hinayaan ang lalaki na tuluyang makapasok sa loob ng bahay upang magpahinga. Likas na mahilig sa mga babae si Nick at ‘yon ang isa sa mga problema ng kanyang Dada. Nangamba ang matanda na baka hindi marunong magseryoso si Nick, ngunit para kay Meghan ay nag-enjoy lang ang binata. Mula sa pintuan ay sinundan niya ng tingin ang lalaki na paakyat sa second floor kung nasaan ang silid nito. “So? Totoo talaga na may nobya na siya?” Kaagad na nagtanong si Merlie nang lumapit sa kanya si Meghan at nag-volunter na tumulong sa kusina. “Just like the old times po,” sagot ni Meghan. Kahit na bahagyang gumuho ang kanyang mundo matapos ianunsyo ni Nick na mayroon na itong nobya, nanatiling kampante si Meghan na magiging fling lang din ang babaeng ‘yon katulad ng mga nauna nito. “Sabi ko na nga ba at hindi pa rin siya nagtitino! Mabuti pa ay puntahan mo na lang si Nick dahil okay lang naman kami ditto sa kusina,” sabi ni Merlie. “Pagod daw po siya, kaya ditto na muna ako kasi wala naman akong gagawin.” Sagot niya. Memorable sa kanya ang okasyon dahil umuwi si Nick kaya gusto niyang may personal touch ang lahat ng handa para sa noche Buena. She owed him a lot! Una, kinupkop siya nito. Pinakain, binihisan at pinatira sa malaking bahay na parang isang tunay na Demakis.  She believed that they were soulmates and meant for each other! She waited for several years to muster the courage of owning up to her feelings for him and then he announced that he would introduce his girlfriend!  Pagsapit ng alas nuybe ay umalis na si Meghan mula sa kusina at umakyat papuntang silid upang maligo. Alas diyes ng gabi ang mesa at aalis sila ng maagas. Pagkatapos maligo, nahirapan siyang pumili ng damit na pwedeng suotin dahil ayaw niyang magmukhang muchacha sa harap ng nobya ni Nick. Hanggang sa mahagilap ng kanyang mata ang isang long-sleeve dress na kulay asul  na hanggang tuhod lang ang haba.  Isinuot niya ang naturang damit at tiningnan ang sarili sa salamin. Perfect! Pinarisan niya ito ng high-heeled black shoes. Hinayaan na lamang niyang nakalugay ang kanyang mahabang buhok at bago lumabas ng silid ay naglagay muna siya ng manipis na make-up. Dati ay kuntento na siya sa lipstick lang pero kinailangan niyang maglagay ng blush-on at konting effect sa mata. Nang bumaba siya ay naroon na ang mag-ama kasama si Merlie na naghihintay sa kanya.  Sinalubong ni Carlos ang kanyang dalagita at inalalayan pababa ng hagdanan. "Wow, you look wonderful, iha!" Sabi ng matanda. "Thanks, Dada." Mula pagkabata ay Dada na ang tawag niya kay Carlos at ngayong dalagita na siya, wala siyang balak na baguhin iyon. Simula nang maging ulila siya, ang lalaki na ang tumayo bilang kanyang ama at mahal na mahal niya ito. "Nickos, sa tingin ko, magiging busy ka sa pagscreening ng mga manliligaw nitong dalagita natin. Tingnan mo, ang ganda niya!" Hindi maikakaila ni Carlos na sobra siyang proud kay Meghan dahil lumaki ito ng maayos at may mabuting puso. Samantalang si Nicholas ay speechless kanina pa. Pagkababa pa lang ni Meghan sa hagdanan ay namangha na siya sa angkin nitong alindog at hindi siya hipokritong tao. Nabighani siya sa kagandahan ng kanyang kinakapatid at mali ‘yon! Itatakwil siya ng kanyang ama kung hindi niya kontrolin ang kanyang damdamin. Nakayanan niya dati kaya walang dahilan na hindi niya kakayanin sa mga susunod na araw. Kung mababasa lang ni Meghan ang laman ng kanyang utak, hindi siya mapapatawad nito. "Yes, Dad." sagot niya. "Promise me, iho. Kapag wala na ako sa mundong ito, hindi mo pababayaan si Meghan, ipangako mo. Bantayan mo siya at 'wag na 'wag mong hahayaang may manakit sa kanya, okey?" Panigurado ni Carlos at umuo naman si Nick. Pagdating nila ng simbahan ay marami ng tao ang nakaupo kaya sa bandang dulo na sila nakapwesto.  Biglang napatayo si Nick sa kanyang tabi at napansin niyang kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon nito. Nag-excuse ito sa kanya at lumabas ng simbahan upang sagutin ang tawag. Gusto niya sanang tanungin ang lalaki ang sino ang tumawag pero naunahan siya ng hiya. Ilang sandali pa ang lumipas bago nakabalik sa kanilang hanay ang lalaki. Ngunit hindi na ito nag-iisa. At ang kasama ni Nicholas ay walang iba kundi si Margaret! Pakiramdam ni Meghan ay nakalunok siya ng hilaw na ampalaya habang nakatitig sa dalawang taong magkahawak-kamay. "Hi Meg, merry christmas." Binati ni Margaret ang dating kaklase sa elementarya. "Merry Christmas din," matabang na sumagot si Meghan kay Margaret. Gusto niyang tanungin si Nick kung bakit si Margaret pa? Sa dami ng mga babaeng nakasalamuha nito sa kanyang trabaho bilang piloto, bakit si Margaret pa ang napusuan nito? Wala siyang karapatang magselos ngunit nainis siya sa hitsura ni Margaret na animo'y waging-wagi kay Nick. Dati pa man ay kontrabida na ito sa kanyang buhay! Nag hi at hello din ang babae sa future father in-law nito. At ang pinakamasaklap, naupo si Nicholas sa pwesto kung saan pumagitna siya sa dalawang babae. During the entire mass, wala sa sermon ng pari ang atensyon ni Meghan. Paano ba naman kasi, panay ang pagpisil-pisil ni Nick sa kamay ni Margaret. Nakakabad-trip tingnan! Sana'y hindi na lang sila nagsimba at nag-date na lang! Pagkatapos ng misa, dumirecho na silang lahat sa bahay para sa noche buena. And of course, Margaret tagged along with them as expected. Kanina, habang papunta silang simbahan ay siya ang katabi ni Nick sa front seat. Ngunit sa pag-eksena ni Margaret, sigurado si Meghan na ang nobya ni Nick ang magiging katabi nito. And she was damned right! "Is there something wrong? Kanina ka pa yata walang kibo diyan," nagtanong si Nick. Napansin siguro ng lalaki na wala siya sa mood pero sino ba naman siya upang mag-inarte? "Nope, I'm okay, masakit lang itong mga paa ko." Meghan reasoned out and used the high-heeled shoes as her excuse. "Alright, next time, don't wear high heels," Nick advised. Ilang minuto lang at nakarating na sila sa bahay. Gaya ng inasal ni Nick sa simbahan, masyado itong touching sa kamay ng babae. Gusto niyang lapitan si Margaret at itulak ito palayo pero hanggan imahinasyon lang siya dahil hindi siya ganun kasama. Habang nasa hapag-kainan, pinilit ni Meghan ang kanyang sarili na huwag magpa-apekto sa ka-sweetan ng dalawa sa kanyang harapan. Animo bagong kasal na nagsusubuan. Argh, how disgusting!"How sweet naman, the two of you." puna ni Megan kay Nick at Margaret nang hindi na niya matiis ang dalawa. "But of course," Nicholas replied and winked at Meghan, then he smiled at Margaret. Meghan bit her lips as she tried not to cry. Ang pinakahihintay niyang okasyon, kung kailan ay makasama niya si Nick, ay naging isang bangungot lamang. Nang mga oras na ‘yon, ramdam ni Meghan kung gaano kasakit mainlab sa maling tao! "Iha, don't mind them. Ganyan talaga ang lovebirds." paalala naman ni Carlos kay Meghan. "It's okay, I don't mind at all." Nagsinungaling siya upang isalba ang sariling pride. At lahat ng kanyang hinanakit ay kanyang ibinuhos sa pagkain at dinedma na lamang ang dalawang nag-iibigan. Kain lang siya ng kain hanggang sa nahirapan na siyang huminga dahil sa sobrang kabusugan.  Naiwan siyang mag-isa sa hapag-kainan ngunit wala pa siyang balak na umalis. Dapat sana ay masaya siya dahil umuwi si Nick ngunit para na ring sinaksak siya nito nung ipinakilala ng lalaki si Margaret bilang nobya nito. Of all people, si Margaret pa talaga! Naubusan na ba ito ng babae eh alam naman ng lalaki na galit pa rin siya kay Margaret! "Meghan, what's wrong with you? Are you depressed?"  Nagulat si Meghan nang bumalik sa hapag si Nick at mag-isa lang ito. Bumuntong-hininga si Meghan at tumitig sa lalaki. "Depressed? Siguro nga," sumagot siya. "Bakit naman?" Nagtanong si Nick. "Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin ako kayang piliin," sumagot si Meghan. Gusto niyang sabihin kay Nick na siya ang lalaking tinukoy niya ngunit paano? Magagalit lang ito sa kanya at baka masira lang ang kanilang relasyon.  "Sino ang lalaking 'yon at malilintikan siya akin!" Nagagalit na sabi ni Nick ngunit inignora ito ni Meghan at tumayo ang babae. "Hindi pa tayo tapos mag-usap! Sino siya Meghan?” Inirapan ni Meghan si Nick at nagsalin ng hot chocolate sa tatlong tasa at inilagay sa tray. "Wala ka na doon, Nick. Mag-focus ka na lang kay Margaret at pupuntahan ko lang si Dada," sagot ni Meghan at mabilis na naglakad paalis sa kusina. Kanina pa niya napansin na medyo nag-alburuto ang dalaga at lalaki pala ang dahilan. Sinundan niya ito at pinigilan ito sa braso. "Sino nga ang lalaking tinutukoy mo?” "Wala. Doon ka na lang kay Margaret, okay?" Naiinis na sabi ni Meghan kay Nick at iniwan ang lalaki. Naisipan ni Meghan na dumaan sa may pool at baka naroon ang mga tawong hinanap niya. Maingat siyang naglakad dahil ayaw niyang masayang ang dalang sikwate at mabuti na lang talaga na sa pool area siya dumaan dahil naroon ang kanyang Dada at si Merlie. Seryosong nag-uusap ang dalawa na animo magsing-irog. Tumikhim muna siya upang makuha ang atensyon ng dalawa. “Da, kanina pa kita hinanap, nandito lang kayo.” Sabi niya sa kanyang ama-amahan bago niya ito binigyan ng sikwate. “Bakit hindi ka nakipagkwentuhan kina Margaret at Nick?” Nag-usisa si Merlie. “Di bale na, ano naman ang pag-uusapan naming tatlo? Hayaan na lang natin silang langgamin doon sa balconahe!” Maingat siyang humigop ng mainit na sikwate pagkatapos ilabas ang saloobin tungkol kay Nick at Margaret. “Bakit hindi mo aminin kay Nick ang totooo?” Suhestiyon ni Carlos kay Meghan. “Na ano? Na may pagtingin ako sa kanya? Hindi ko pa kaya,” sagot ni Meghan. Kung ganun lang siguro kadali, matagal na niyang ginawa ‘yon. “Kaysa naman ikaw lang ang magdusa,” dagdag pa ni Carlos. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lamang siyang naging emotional."Dada, you know that I love you right? At saka, nagpapasalamat ako sa pagkupkop ninyo sa akin." "I know, para na rin kitang tunay na anak at alam mo 'yon. Masakit sa akin na nasasaktan ka dahil sa ginawa ni Nick, pero wala akong magagawa. Now, go to bed and rest, okay?"            **********               “What’s wrong, baby?” Tinanong ni Nick ang babae nang makalapit na ito sa kanya.               “Na-miss ko lang si Dada,” sumagot siya.               Tumango si Nick dahil naintindihan niya ang babae. Nami-miss rin naman niya ang kanyang ama. “I’m sure that he’s happy for us,” sabi ni Nick at saka pinisil niya ang kamay ng babae. “Masyado bang malamig ang aircon ng simbahan?”               “Okay lang,” sumagot si Meghan.               Pagkatapos ng seremonyas ay sumunod kaagad ang picture-taking na halos inabot rin ng isang oras. Kumpleto kasi ang mga staff ni Nick at pati na rin ang mga kaibigan nito na sina Samuel, Marcus, at Alexander.               Magkahawak ang kanilang mga kamay nang lumabas sila ng simbahan at panay ang kanyang ngiti para sa mga taong bumati sa kanila ngunit ang kanyang matamis na ngiti ay biglang naglaho nang mapansin niya ang babae sa di-kalayuan na kahawig ni Margaret.               “Meghan, tara na.”               Nagulat siya nang marinig ang boses ni Nick na sa kanyang hinala ay kanina pa tumawag sa kanya. “Ha? Ah sige,” sabi niya at nang muli siyang lumingon sa kinaroroonan ng babae ay wala na ito doon.               “Bakit?” Nagtaka si Nick kung bakit kanina pa parang balisa si Meghan.               “Parang nakita ko si Margaret,” sumagot siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD