Pagkatapos niyang i-review ang proposal galing sa Marketing Department kung paano pa nila palawakin ang kanilang market, kaagad siyang umalis ng opisina at nagpaalam kay Jill na may pupuntahang kaibigan. Hindi niya binanggit ang pangalan ni Margaret dahil sigurado siyang tatawag si Meghan sa opisina at nag-alala siya na ma-misinterpret na naman ni Meghan ang lahat. Kanina pa siya dumating ngunit mukhang walang tao sa loob ng lumang bahay nina Margaret. Nagsimula siyang magduda kung talagang nagsabi ba ng totoo si Meghan o nagsinungaling lang ito. Malapit ng magtanghalian nang mapansin niyang gumalaw ang kurtina sa loob ng bahay kaya kaagad siyang bumaba mula sa kanyang sasakyan at naglakad patungo sa bahay. Kung totoo na si Margaret ang tao sa nakasilip sa gilid ng kurtina, malamang na