Nag-browse siya online ng mga tips kung paano paiibigin ng husto ang kanyang asawa at kung paano ipakita sa lalaki na totoong mahal niya ito. Ilang beses na ipinaliwanag ni Nick na hindi magiging problema ang pagiging childless nilang mag-asawa. Dahil sa sinabi ng lalaki ay mas lalo lamang siyang bumilib. Sabagay, bakit nga ba niya pagdudahan ang character ni Nick gayung kilala na niya ito mula noon pa. Patingin-tingin ako sa mga services na ino-offer ng isang online shop nang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niyang inisip na si Nick ang posibleng tumawag upang i-remind siya tungkol sa pagkain ng tanghalian. Si Shella lang pala. “Hello Shella, kumusta ka na?” “Okay naman ako, Meghan. Ikaw?” “Mabuti rin. Napatawag ka?” Tinanong niya si Shella dahil bihira lang kasi itong tumawag.