MICHELLE “Mukhang ang lalim ng iniisip natin ah” narinig kong sabi ni Cassy. Napangiti naman ako ng maalala yung pinag-usapan namin ni nanay kanina. -FLASHBACK- Halos panawan ako ng ulirat dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Bakit kasi hindi sumama si Cassy eh. Dapat sinamahan nya ko dito. Nakakatakot pa man ding tumingin tong si nanay. “Michelle right?” mataray na tanong nito. “O-opo” kinakabahang sagot ko. “O bat ka kinakabahan? Natatakot ka ba sakin?” “Po?” “Mukha ba kong nakakatakot Michelle?” Shet naman, parang maiihi na talaga ko sa kaba. “H-hindi po. Mukha nga po kayong mabait” sabi ko sa kanya. Sukat don ay tumawa sya ng malakas. “Alam mo, natutuwa ako sayo. Nasabi kasi sakin ng anak ko na hindi ka daw talaga kumakain ng hipon at alimango dahil allerg