MICHELLE “So nag-enjoy ka ba Michelle?” tanong sakin ni Cassy habang nasa byahe kami pauwi. Tumingin lang ako sa kanya. Michelle na naman! Kelan ba sya masasanay na tawagin akong ‘baby’ tss! Bigla naman syang ngumiti ng nakakaloko sabay pisil sa ilong ko. “Aray ko naman CASSY! Mabangga tayo ha!” Mas lalo naman syang ngumiti ng marinig yung itinawag ko sa kanya. “Ang cute mong magtampo!” sabi nito. “Hindi ako nagtatampo.” Malamig na sabi ko dito. Nakakainis lang kase. May gana pa syang pagtawanan ako eh alam naman nyang ayokong-ayoko na tinatawag nya ko sa pangalan ko. “Asus, sinadya ko po yung BABY! Gusto ko lang makita yung ano yung magiging reaction mo, at gaya ng inaasahan, napikon ka na naman.” “Pano kase” nakasimangot na sabi ko. Napangiti ako ng bigla nya kong halikan. Sab