CASSY Nagpalipat-lipat yung tingin ko kay Pam, kay Rex at kay JP. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nila. Parang biglang sumakit yung ulo ko. Totoo ba lahat yun? Totoo bang dahil sakin kaya napilitang pumayag magpakasal si Michelle? So all this time, ako lang yung pinoprotektahan nya? Bat hindi nya agad sinabi sakin? Michelle naman! Kung sinabi mo agad, wala sana tayong naging problema. “Pam, hindi ako pwedeng idemanda ni Mr Padilla dahil sa kontrata dahil nakalagay naman dyan na may karapatan tayong tapusin yung pagmamatchmake natin pag napansin natin na walang pag-asang mahalin nung couple yung isa’t-isa” seryosong sabi ko. God Michelle! How can you be so stupid?! Hindi ka muna nagtanong sakin bago ka magdesisyon. “I know Ate, kaya nga hiningi ko sayo yung files para ipacheck sa frie