CASSY “Goodmorning Ate, happy birthday” nakangiting bati sakin ni Pam pagmulat ko ng mga mata ko. Ang aga-aga naman nya sa kwarto ko. “Happy birthday Cassy” bigla naman akong napatingin sa nagsalita. Nanlaki yung mata ko nang makita si Rex na katabi ni Pam. Kanina pa ba silang dalawa dito? Pinapanood ba nila ko habang natutulog? Hindi ko na naman ba nailock yung pinto? Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa. Saka nagpunta ng banyo para mag-ayos at magtoothbrush. Paglabas ko, may hawak-hawak na silang cake at balloons. Yung totoo, batang musmos lang ba ako? Agad ko naman silang tinaasan ng kilay. “O ano yan?” “Duh Ate, cake at lobo!” sagot naman ni Pam. “Pam, nakikita ko, hindi ako bulag. Ang ibig kong sabihin, anong pakana yan?” “Hay nako Ate, hindi ka pa rin nagbabago. Kahit birt