MICHELLE “M-michelle” mahinang sabi nya habang gulat na nakatingin sakin. Mas lalo naman akong napangiti. Ang tagal kong hinintay tong araw na to, ang tagal kong hinintay na makasama ulit yung nag-iisang taong may kayang magpabilis ng t***k ng puso ko. Gusto kong matawa kanina nung mapansin kong kumurap-kurap sya na parang hindi makapaniwala na nandito na talaga ko sa harap nya pero pinigilan ko dahil baka sungitan nya ko. Miss na miss ko na sya. Dun sa tatlong linggo kasing magkasama kami ni Joel, walang ibang laman yung isip ko kundi si Cassy lang. Kung kamusta na sya, kung ok na ba sya, kung masaya na sya kasama ni Rex. Hay! Hindi ko naman talaga ginustong sumama kay Joel at iwan si Cassy pero kailangan kong gawin yon para saming dalawa. -FLASHBACK- “Salamat” nakangiting sabi saki