CASSY “Ate, kain ka muna o” narinig kong sabi ni Pam pero hindi ko sya tiningnan. Ayoko din kumain. Wala akong gana. “Please ate” pakiusap pa nya. “Wala akong gana” walang kabuhay-buhay na sabi ko sa kanya. “Ate naman, ilang araw ka nang ganyan, alalang-alala na kaming lahat sayo.” Napatingin naman ako sa kanya at sa hawak nyang pagkain. Sa totoo lang, nagugutom na naman talaga ko, kelan ba yung huling kain ko ng maayos? Oh, nung nakipaghiwalay sakin si nevermind. Mas lalo lang akong mawawalan ng gana. “Sige na ate, kahit konti lang please” pakiusap pa ni Pam. Tumango lang ako sa kanya kaya tuwang-tuwa nyang inilapag yung pagkain sa tabi ko. “Alam mo ba, muntik nang lumuwas dito sila nanay nung isang araw, nagkaron lang ng bagyo kaya hindi sila nakabyahe pero pag ok na daw yung pa