INTRODUCTION

1444 Words
Introduction Pagod na pagod na ako sa gabing ito, pero wala akong karapatang magpahinga. Kadarating ko lang mula sa karatig-bayan ng Raven Hollow kung saan araw-araw akong naghahatid ng tinapay para kumita ng kaunting pera. Mabigat ang basket na dala ko kanina, pero mas mabigat ang dinadala ko sa dibdib ko dahil sa kalagayan ng nanay ko. May severe pneumonia si Nanay. Halos isang buwan na siyang inuubo nang malala, nilalagnat tuwing gabi, at hirap na hirap huminga. Minsan, gigising ako sa madaling-araw dahil naririnig ko siyang halos hindi makahinga habang pinipigilan ang pag-ubo para hindi ako mag-alala. Dinala ko na siya sa pagamutan, pero hindi siya gumaling. Bumalik at lalo pang lumala ang kanyang kondisyon kahit nakainom na siya ng antibiotics. Gabi-gabi, mas bumibigat ang kanyang ubo at mas lalo siyang nahihirapang huminga. Takot na takot akong mawala si Nanay. Siya na lang ang mayroon ako. Kami na lang dalawa simula nang lapain si Itay ng lobo sa kagubatan habang nangangaso maraming taon na ang nakalipas. Bata pa ako noon, pero sariwa pa rin sa isip ko ang mga sigaw, ang dugo, at ang nakabibinging katahimikan na sumunod pagkatapos niyang dumaing sa sakit. Ang katahimikan na iyon ay panghabambuhay na. Mula noong araw na iyon, si Inay na lang ang nagtaguyod sa akin. Nagtrabaho siya hanggang sa abot ng kanyang makakaya, at maaga kong natutunan na hindi kailanman magiging madali ang buhay para sa mga tulad namin. Kaya ang isipin pa lamang na mawawala rin siya ay hindi ko na kayang tanggapin. Hindi ko kayang mawala rin siya. Hindi kung siya na lang ang natitira kong pamilya. Hindi kung kailangan ko pa siya sa buhay ko kahit parehas kaming naghihirap. Ang maliit naming bahay sa gilid ng Moonville Forest ay tahimik, pero ang katahimikang iyon ay hindi nakakapanatag. Para iyong tahimik na may kasamang takot, takot na baka isang araw, pag-uwi ko, wala na siya. Kaya kahit pagod ang buong katawan ko, kahit madilim na at nagsisimula ng lamunin ng gabi ang buong kagubatan, kinuha ko ang flashlight ko at ang lumang basket. Kailangan kong hanapin ang Moonleaf herb. Sabi ni Aling Marta, ang matandang albularyo sa baryo, iyon lang ang halamang maaaring makatulong sa impeksyon sa baga ni nanay. Kinumusta niya ako kanina sa kabayanan at itinuro niya ang gamot galing sa halamang dahon. Bakit hindi ko susubukan? Sa mundong ito maraming posible. Sa gabi lang namumulaklak ang moonleaf, sabi niya kaninang umaga habang inaayos ang mga tuyong dahon sa tindahan niya. Pero huwag kang papasok nang malalim sa Moonville sa gabi, hija. Hindi lang hayop ang gumagala roon. Isinantabi ko ‘yon. Sa totoo lang, mas natatakot ako sa pagkawala ni Nanay kaysa sa mga kwento tungkol sa werewolves, rogue beasts, at sa sinasabing Alpha King na namumuno raw sa lahat. Fairy tales, sabi ko sa sarili ko. Those are stories made to scare children. Habang papasok ako sa kagubatan hindi ko maiwasang maalala ang bawat babala ng albularya kanina. Marahas tuloy akong napakamot sa ulo. Malamig ang hangin. Ang bawat paggalaw ng mga puno ay parang may bumubulong na ligaw na kaluluwa. Ang liwanag ng buwan ay tumatama sa daan habang ang makapal na hamog ay unti-unting bumabalot sa paligid. I tightened my grip on my flashlight. “Please, Lord,” mahina kong bulong habang naglalakad, “Kahit makita ko lang ang moonleaf para sa nanay ko.” Ilang beses akong napatid sa mga ugat ng puno. Nasabit ang laylayan ng palda ko sa mga tuyong sanga. Nanginginig na ang mga kamay ko, hindi ko alam kung dahil sa lamig o sa kaba. Bigla kong nakita ang isang bulaklak na namumukadkad, sumunod ang isa at ang isa pa nang masinagan ng liwanag ng buwan. Agad akong napangisi! Sa may gilid ng isang malaking puno ng oak, may mahinang liwanag na parang pilak. Agad akong napalapit at dito ko nakita nang malapitan ang misteryosong bulaklak na sinasabi ng mga manggagamot. Ito rin ang sabi ng aking lola noon. Kung baga, ito ang star of the show, ang Moonleaf. Its leaves were glowing softly under the moonlight, like tiny pieces of silver touched by magic. Napahawak ako sa dibdib ko. “Salamat po, Diyos ko,” Parang maiiyak ako sa sobrang saya habang puno ng pag-asa na gagaling na ang nanay ko sa sakit niya. Mabilis akong lumuhod at maingat na pinutol ang ilang dahon nito. Hindi ko pwedeng sirain ang buong halaman, iyon ang bilin ni Aling Marta. Habang inilalagay ko ang mga dahon sa basket ko, iniisip ko na agad ang mukha ni Nanay kapag gumaling na siya. Maybe she would smile again. Maybe she would stop coughing. Siguro ay magiging okay din kami. Handa ko na sanang putulin ang isa pa nang bigla akong matigilan. May malakas na kaluskos mula sa likod ng makapal na mga halaman. Agad akong napalingon dala ng takot. Nanigas ang buong katawan ko. Dahan-dahan akong tumayo. My heart started pounding so hard I could hear it in my ears. Siguro usa lang iyon, ani ko sa isip, o baka baboy d**o. Please, kahit ano huwag lang— Mas malakas ang kaluskos na ikinaatras ko. Mas malapit na iyon sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa flashlight habang dahan-dahan ko iyong itinapat sa direksyon ng tunog. My throat went dry. Napalunok ako ng laway. “H-Hello?” Ang hina ng boses ko na halos hangin lang. Walang sumagot. Tanging ang malamig na hangin at ang tunog ng mga kuliglig ang naririnig ko. I took one step back. Then another. Baka hayop lang… baka hayop lang… Hindi ako kumbinsido sa sarili kong salita. Pakiramdam ko ay malaking nilalang sa likod ng makakapal na kumpol ng mga halaman. Parang may presensya itong nagpapabigat paligid. I raised my flashlight higher. My hand was shaking so badly. Then slowly something moved again. I saw a shadow. Nanlaki ang mga mata ko. Sandali. Anino sa itaas? Diyos ko. Para akong mahihimatay. Biglang may lumipad mula sa itaas kaya ang kalaks ng tili ko. Wala akong pakialam magising man ang lahat ng engkanto sa mundo. Matangkad, sobrang lapad ng balikat, at ang katawan niya ay parang ginawa para sa digmaan. Nakasuot siya ng itim na mahabang coat na bahagyang humahampas sa hangin habang lumilipad siya sa ere papunta sa direksyon ko. Lumanding siya sa ‘di kalayuan at ako ay hindi na makagalaw. Ang mukha niya. Oh my! He was terrifyingly handsome. He has a sharp jaw and strong nose, dark hair slightly messy as if the night itself touched him. It was curly and long. But it was his eyes that made my blood run cold. It was gold. Hindi normal na mata iyon. Hindi iyon mata ng tao. Natigilan ako dahil para akong namalikmata dahil nawala iyon nang kumurap ako. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. And then I noticed the worst part. Tumigil ang mundo ko. Parang nawala ang lahat ng tunog sa paligid o baka nabingi na ako sa sobrang takot. Even the wind stopped whirling around me. I stared at him and he stared back. I stumbled backward so fast that I slipped on the wet ground and landed hard on my butt. “Diyos ko po!” Halos maiyak na ako habang paatras akong gumagapang. Itinaas ko ang flashlight na parang sandata. “H-Huwag kang lalapit!” My voice cracked. Wala siyang sagot. Tinititigan niya lang ako. He just watched me, which was somehow worse. My brain was panicking. “May bawang ako!” sigaw ko sa kanya. Bampira siguro siya. Napahinto ako. Nanlaki ang mata ko. I was losing my mind. He tilted his head slightly, as if confused. Very slowly he moved closer to me. No. Every inch of him screamed danger. He is a predator. Isa lang akong simpleng babae na may flashlight at maling impormasyon tungkol sa monsters. Hindi iyon kathang isip lamang o urban legend. I swallowed hard. My whole body was shaking. “Sino ka?!” Mahina ang boses ko, pero narinig niya. Gumagapang din naman siya pero bakit takot ako? Pwede ko siyang hampasin ng flashlight. “You should not be here.” aniya. Napalunok ulit ako. “I—I was just looking for herbs,” mabilis kong sabi habang patagong hinahawakan ang basket ko. English din ang salita ko dahil baka foreigner siya. “My mother is sick. Severe pneumonia. I need this medicine. I swear, I…I am not a thief to harvest anything. His eyes dropped to my basket, then back to me. For a long moment, he said nothing. And somehow, that silence scared me more. I could barely breathe. Then he took another crawl towards me. I screamed again. “H-Help me…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD