Chapter 1

1440 Words
Chapter 1 Nanlaki ang mata ko habang hawak-hawak ko pa rin ang isang imbitasyon na ibinigay sa akin ni Mang Roberto, ang may-ari ng bakery na parati kong pinagdadalhan ng pandesal at monay na luto namin ni nanay. Paulit-ulit kong binabasa ang nakasulat, parang umaasa na biglang mag-iiba ang laman nito. “Exclusive Gala for Selected Young Ladies. Compensation: 350 USD for a night.” Para sa iba, baka maliit lang iyon. Pero para sa akin, para iyon sa mahigit isang linggong pagkain, gatas ni Zarek, at gamot kapag nagkasakit siya. Para iyon sa kahit kaunting ginhawa sa kubo naming laging parang kulang ang hangin at ilaw. Para sa birthday ng baby ko. Huminga ako nang malalim at ibinaba ang papel sa lamesa. Nanginginig ang kamay ko. “Hindi ako pwede,” bulong ko sa sarili ko. Dalaga lang ang hinahanap at hindi na ako dalaga. Umupo ako sa lumang bangkito habang pinipilit kong huwag isipin ang bigat sa dibdib ko. Ilang sandali lang, naramdaman ko na naman ang pagod, hindi lang sa katawan, kung hindi pati sa utak ko na laging iniisip kung paano kami makakaraos. Nagkakagulo ang mga dalaga at hindi magkamayaw sa pagtatalon hawak ang mga imbitasyon. Bihira itong mangyari na mapansin ang lugar na ito na nasa paanan ng sinasabing pinakapeligroso na lugar sa buong siyudad. Pag-uwi ko sa kubo, agad kong naramdaman ang amoy ng kahoy at lumang yero. Parang kahit anong hirap ng buhay, ito pa rin ang bahay ko. “Nessa, anak, ang tagal mo yata?” bungad ni nanay habang hinuhugasan ang mga pinggan sa lababo na gawa lang sa lumang container ng langis. Ngumiti ako kahit pilit, “Okay lang po, Nay. Wala lang, pagod lang.” Tumingin siya sa akin nang mabuti, parang sinusuri ang mukha ko. “Hindi ka mukhang pagod. Mukha kang malungkot.” Hindi ako sumagot agad. Pinilit kong iwasan ang tingin niya at kumamot sa ulo ko. “May nangyari ba?” tanong niya ulit, mas malambing na ngayon. Umiling ako, “Wala po. Nalulungkot lang ako kasi parang ang ilap ng swerte sa atin.” Huminto siya sa ginagawa niya. Pinunasan ang kamay sa lumang apron at lumapit sa akin. Tumingin ako sa mga kamay ko na nasa kandungan ko nakapatong. “Anak,” mahinahon niyang sabi, “huwag kang mawalan ng pag-asa. Pasasaan ba’t may darating din na swerte sa’yo.” Napangiti ako nang kaunti, “Sana nga po.” Tahimik kaming dalawa sandali. “Nasaan po si Zarek, Nay?” tanong ko kalaunan, parang gusto kong ilihis ang usapan naming dalawa. “Nasa kwarto, nanonood ng TV,” sagot niya sa akin. Tumango ako. Parang may biglang humigpit sa dibdib ko sa narinig ko. “Anak,” bigla niyang sabi, “huwag mong idamay si Zarek sa pait ng nakaraan mo.” Napatingin ako sa kanya, biglang nanlamig ang kamay ko. “Kahit ano pa si Zarek,” dagdag niya, “anak mo siya. Galing siya sa iyo.” “Alam ko po,” mahina kong sagot. “Pero natatakot lang ako, Nay. Paano kung malaman ng ibang tao? Paano kung… saktan nila siya? O mas malala—” “Shh,” putol niya agad. Hinawakan niya ang kamay ko. “Huwag kang mag-isip ng ganyan.” “Hindi po madali, Nanay,” halos pabulong kong sabi,“Hindi siya normal na bata.” Hindi niya ako sinagot agad. Tumingin lang siya sa akin, parang pinapakalma ako sa tingin pa lang. “Ipagkatiwala mo sa Diyos,” sabi niya sa wakas. “Wala tayong kontrol sa lahat, Nessa pero may nagbabantay sa atin.” Tumango na lang ako kahit hindi pa rin nawawala ang bigat sa kalooban ko. Hindi dahil hindi ko matanggap ang anak ko pero dahil natatakot ako na mawala kami ni Nanay sa mundo at maiwan siya. Tumayo ako kapagkuwan, “Pupuntahan ko po si Zarek.” Hindi na siya sumagot, alam niyang kailangan ko lang ng sandali. Tumango siya. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa maliit na kwarto ng kubo. Pagbukas ko ng pinto, agad kong nakita si Zarek. Nakadapa siya sa lumang kama. Maliit na TV lang ang nasa harap niya, at nakatutok siya doon na parang walang ibang mahalaga sa mundo. I smiled. Nanonood na naman siya ng cartoon. He looked like a normal boy watching cartoons. Innocent. Calm. Parang wala siyang problema sa sariling mundo niya pero hindi siya normal. Hindi siya tulad ng ibang bata. Hindi siya tao. Zarek is an extra-large puppy, golden in color. Ang pagka-gold niya ay nakakamangha na parang walang katulad sa mundo. Daig pa niya ang nababad aa amniotic fluid ng ginto noong nasa loob pa siya ng tiyan ko. Oo, ganito ang itsura niya kapag relaxed, malaki, mabalahibo, at hayop ang itsura pero sa mata ko ay anak ko pa rin siya. “Zarek,” tawag ko nang mahina sa kanya sa malambing na tono. Gumalaw ang tenga niya at tumingin sa akin. His eyes smiled at me and those turned Amethyst. Napakaganda ng kulay ng mga mata niya sa tuwing nakikita ako. Kung hindi ako naniniwala sa magic, ito na iyon. Parang magic na nagiging violet ang mga mata tapos ay bumabalik sa normal na brown. He made a sound, a sound of a puppy. Ngumiti ako at lumapit. Umupo ako sa gilid ng kama st hinalikan ko siya. ipinatong niya ang baba niya sa kandungan ko. “Masaya ka ba dyan?” tanong ko. Tumango siya. “Cartoon ‘yan,” sabi ko, hinaplos ang ulo niya. Mainit at malambot ang balahibo niya at nakapakadulas. Sandali akong napapikit. Minsan naiisip ko, paano kung hindi siya nandito? Paano kung normal lang ang buhay ko pero kapag tinitingnan ko siya ngayon, nawawala rin lahat ng “paano kung.” “Zarek,” sabi ko ulit, “alam mo ba na mahal na mahal kita?” Tumigil siya sandali sa panonood niy tapos ay tumingin siya sa akin. “Love. Ibig sabihin… importante ka sa akin. Ikaw ang anak ko kaya mahal na mahal kita.” Nagtagal siya bago sumagot. Tumalon siya nang bahagya sa kama at gumulong pa. Ramdam ko ang init niya, ang bigat niya. “Wag kang matakot, ha,” bulong ko, “Hindi kita pababayaan.” Pagkalipas ng ilang sandali, binitawan ko siya at inayos ang kumot niya. “Matulog ka mamaya maaga ha,” sabi ko, “Bukas maaga pa si Mama sa work. Kailangan natin ng pera.” Tumango siya, parang naiintindihan niya kahit siya makapagsalita. Umaasa ba akong magsasalita siya? Aso siya hindi tao. Kung paano siya napunta sa sinapupunan ko ay hindi ko alam. Baka ako namaligno o nanuno o kaya pinaglaruan ng mga dwenda sa gubat nang manguha ako ng Moonleaf, anim na taon na ang nakalilipas. Hinalikan ko si Zarek bago ako naglakad papunta sa pinto. Lumabas ako ng kwarto pero hindi agad ako umalis. Tumigil ako sa may pintuan. Bumalik sa isip ko ang imbitasyon, ang tungkol gala. Kailangan na magpalista para makasama sa sasakyan na susundo. Naiisip ko ang 350USD at ang salitang, “dalaga.” Napakagat ako sa labi ko. Kung wala akong anak papasok ako. I closed my eyes for a second. Wala naman nakakaalam na may anak na ako. Nakita ko si Inay na nakaupo pa rin sa lamesa. “Kamusta siya?” tanong niya. “Okay naman po, Nanay. Masaya siya.” sagot ko. Umupo ako sa tapat niya. Tahimik lang kami sandali bago ko muling tinitigan ang sobre sa lamesa. “Nay,” sabi ko, “kung sakali bang… may pagkakataon akong kumita ng malaki pero may kapalit na hindi ako sigurado kung kaya kong ituloy…” Tumingin siya agad sa akin. “Anong klaseng kapalit?” Hindi ako sumagot agad. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba. Kasi kahit ako, hindi pa sigurado kung anong desisyon ang gusto kong gawin. “Kailangan po ng mga dalagang serbidora sa isang pang-mayaman na gala. Gusto ko po sanang magbakasakali.” Tumingin siya sa akin na makahulugan, “Gala? Party, party? Ganoon?” “Opo kaya lang dalaga raw. 350USD ang kikitain.” Nanlaki ang mga mata niya. “Eksakto po ‘yon sa gabi ng birthday ni Zarek. Kapag kinita ko ‘yon uuwi ako kaagad kinabukasan at paghahanda ko siya nang kaunti tapos mamimili tayo ng mga groceries at sa puhunan sa tinapay.” “Kung isang gabi lang at kaya mo, bakit hindi? Subukan mo, Nessa. Walang mawawala. Kaya mo man o hindi, nandito lang kami ng anak mo.” Ngumiti ako at tumango. Nabuo ang kumpiyansa ko na pupunta ako at susubok. Bukas na bukas din ay magpapalista na ako sa bayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD