ANGELA HINDI ako linubayan ni Baste hanggang sa mag-alas onse na ng gabi. Habang nagtatrabaho kami para sa aming activity ay abala rin siya sa kanyang cellphone. Palingon-lingon din naman ako sa kanya na papikit-pikit na rin ang mga mata, halatang inaantok na. Uuwi pa kami mamaya at magmomotor kaming dalawa. Kung ganito ang estado niya hanggang mamaya ay hindi ko alam kung safe kaming dalawa na uuwi. "Matagal pa?" tanong niya na ngayon ay nakapikit na at nakasandal na sa sofa. "Kailangan naming tapusin ito dahil malapit na ang deadline," mahina kong wika. "Mag-aalas dose na ng hating gabi. Uuwi pa tayo," aniya. Pinili ko na lang na hindi magsalita. Sa tantiya ko ay mga ala una pa kami uuwi dahil medyo marami pa akong kailangang tapusin. Sa mga ganitong class activities ay parehas k