ANGELA NAKATULOG din ako kahit na alam kong mayroong dangerous fire arms sa likuran ko. Damang dama ko kasi iyon mula sa loob ng shorts niya lalo pa ate medyo maginaw at madaling araw na. Yakap yakap niya ako mula sa aking likuran at sa ganoong paraan ay muli akong nakakulong sa kanyang mga bisig. Komportable naman kung tutuusin ang makulong sa kanyang mga yakap. Hindi nga lang ako sanay na mayroong kayakap kaya't pakiramdam ko, kahit tulog ako ay parang hindi. Nararamdaman ko rin ang hininga niya sa batok ko kaya't bahagya akong nakikiliti. Gising na ako ng alas singko ng umaga ngunit hindi pa ako makagalaw sapagkat nakayakap pa rin siya sa akin. Bahagya siyang humihilik at alam kong tulog pa siya. "Baste, kailangan na nating umalis." Pinilit kong gumalaw mula sa aking kinahihigaa